" POV Monique " part14

155 20 0
                                    

Nakakainis! Simula naging mag-close sila dalawa ni Rain dun na siya sumasama samantalang ako naman ang una niya naging kaibigan sa amin mag-classmate. Kainis talaga!!

May mga time na nakikita ko sila mag-kasama katulad dati. Nakita ko sila sa may Cafeteria na malapit dito sa school.

Dati ang saya saya ko pa kasi may mga oras na binibigyan ko siya ng chocolate. Tuwing binibigyan ko rin siya nakikita ko yung pinakamaganda niya na muka . Muka kasi siyang Angel!

Nakakatampo na yan si Celine, Sana kahit mag-best friend nalang kami .

Alam ko naman na wala ako palag kay Rain at isa pa kahit may puso pag-kalalaki ako babae pa din ako.

Kay Rain talaga siya babagsak kahit ano mangyari. Kailangan ko na ihanda yung sarili ko baka kasi mamaya masaktan lang ako pero hindi din p-pwede kasi noong time na nasa RTU palang ako nag-aaral pinangarap ko na siya maging girlfriend ko.

Basta kailangan ko pa din siya tulongan sa mga assignment namin kahit alam ko nakakatampo na siya.

Pumasok na si Celine sa loob ng room namin, hindi ko na expected na ako lalapitan niya kasi si Rain Calaunan na yung close niya .

Tumayo ako sa kinauupoan ko at gusto ko na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko pero wag muna ngayun. Gusto ko kasi siya ang makakapansin sa akin. Wala ako lakas na loob para sabihin ang nararamdaman ko. Isa pa kahit alam ko na Bi Sexual siya si Rain pa din ang magugustohan niya.

Alam ko kasi na gusto niya din si Rain, sa bagay!! Bagay din naman sila ni Rain. Gwapo na si Rain, mabait tapos matalino din siya . Ewan ko lang kung totoo na mabait siya.

Sa tingin ko nasa kanya na nga lahat.

Sinabi ko na kay Celine yung gusto ko sabihin sa kanya na nag-tatampo ako.

" Celine? "

" Po? bakit ha?

Bigla nalang ako nag-dalawang-isip at parang ayuko na kaso nandito na ako para sabihin sa kanya.

" Nakakatampo ka! ayon lang! "

" ha? Wala naman ako ginawa na pwede ikatampo mo ha? Ano problema mo? May nagawa ba ako mali ha? "

" Basta!! Wag mo na nga isipin yun. Simula ngayun lalayo muna ako sayo, Masaya ka naman di ba? "

Maya-maya pa tumalikod na siya sa akin at pumunta na siya kay Rain. Parang wala lang sa kanya na nagtatampo ako.

Pero nevermind nalang! Basta! tutulongan ko pa din siya sa mga assignment namin. Sana naman kasi mahalata niya na may gusto ako sa kanya.

Sana ako nalang si Rain, Ang swerte ni Rain. Mabuti pa siya nakakausap niya ng maayos si Celine. Samantalang ako hanggang tingin lang no?

Pag-tapos namin sa subject lumabas na sila ng room. Gusto ko sana sila sundan kaso apat sila nandoon per feeling ko pupunta sila sa library. Karamihan kasi saamin dun tumatambay.

Pumunta na ako sa bahay namin, sumakay na ako ng jeep pauwi. Gusto ko sana uminom.

Parang ang O.A ko naman ata kung iinuman ko siya ng alak samantalang hindi na kami mag-girlfriend.

Ok lang yan!! Madami pa naman iba. May mga pag-kakataon na kailangan ko siya kalimutan. Sana naman maging masaya siya kay Rain.

Pero hindi pa naman sila mag-boyfriend. Hindi naman Easy to get si Celine.

Baka naman napaparanoid lang ako o baka naman mag-best-friend lang sila pero nahahalata ko din si Celine na meroon siya gusto kay Mr.Calaunan.

Pag-kauwi ko sa bahay sinalubong ako ng pinsan ko.

" Monique? Nomo tayo!? Hindi ka na namin nakakasama. Mashado ka ata busy sa school mo. "

" Hindi naman Kuya Nicole, May inspiration kasi sa School kaya nag-sisipag. "

" Sino naman? "

" Sino pa ba? si Celine, Mag-classmate kami ngayon. "

" Mukang siniswerte ka ata sa crush mo. "

" Hindi naman!! Kakainis nga Kuya. Matagal ko na siya pinapangarap kaso mukang mauunahan ako"

" Hahahaha.. Sabi ko naman kasi sayo noong una palang umiwas ka na kay Celine, Ikaw lang din masasaktan. Kaya ka rin pala nag-aral sa JRU dahil lang sa kanya no? "

" Hindi naman din! Hindi ko nga alam na doon pala siya mag-aaral ngayon college ehh. "

Pagtapos na namin mag-usap ng kuya Nicole ko bumili na siya ng Beer, Red horse nanaman ang binili niya. Hindi ako sanay sa Redhorse at isa pa hindi naman ako malakas uminom.

Maya-maya pa nag-datingan naman mga kapatid ni Kuya Nicole at yung bestfriend niya maganda na idol ko din.

Sila lagi kong kasama kasi iisang anak lang ako tapos hindi ko Close mga Mama at Papa ko.

Si Ate Cariza LLna bestfriend ni Kuya Nicole ko.

Mabait si Ate Cariza tapos maganda pa. Muka siyang Hello Kitty.

Habang umiinom kami ng Red-Horse nilapitan ako ni ate Cariza.

" Ui Monique!! Sabi ng Kuya Nicole mo may problema ka raw? Ano yun? Share mo naman sa akin. "

" Ha? wala naman akong problema. Baka naman si kuya Nicole ang may problema at hindi naman ako. "

Baka naman mamaya sinabi ni kuya Nicole kay ate Cariza yung problema ko.

Naku!! pagnalaman ni ate Cariza yun baka huntingin niya si Celine.

Nakakahiya naman!! Lalo na nag-aaral din si ate Cariza sa JRU.

" Ikaw daw talaga ang may problema, Sabi nga ng kuya mo dahil daw sa crush mo. Ano ba name ng crush mo ha? Gusto mo kausapin ko siya para lang sayo? "

" Wag na ate, nakakahiya naman at isa pa alam ko magiging kami din ng crush ko. Ako pa ba ate Cariza? "

" Hahaha... Ikaw na!! ikaw bahala!! Ang lakas ng tiwala mo sa sarili mo. Ayaw mo talaga ng tulong ko no ? "

" Ayuko ng help mo at isa pa hindi naman lalaki yung crush ko, Babae na bi sexual yung pinopormahan ko. "

" I know Monique!! Bi sexual ka din naman. Matagal ko na alam yung tungkol sa crush mo kaso hindi ko talaga alam name ng crush mo. "

" Mabuti naman ate Cariza na hindi mo kilala yun. Hindi ko kailangan ng tulong at isa pa bc ka din para tulongan mo ako d ba? "

" Hahaha .. Oo nga!! busy din ako pero kaya ko din naman na tumulong sayo. "

" Thank you nalang Ate. "

Pagtapos namin mag-usap patuloy pa din kami umiinom ng RedHorse.

Maya-maya pa pumunta na ako ng Room ko para mag-pahinga.

Medyo tinamaan na kasi ako sa RedHorse.

Naisipan ko nalang din kaya pano kung halimbawa nalang naging sila na? Pano na kaya ako?

Hanggang tingin na nga lang ba ako? Sana naman kasi... tsk! kairita na!!

" Pero Monique wag negative, always positive kasi. " Sabi ko sa sarili ko.

X Ko Karibal ko ( BOOK1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon