Let's be friends and have fun! Follow me on T W I T T E R
--> @MrsPadilla_x
I followback. Just ask.
---
Chapter 1.2 |First|
Sydney's POV
"Langya adik yun! Ipapa rehab ko talaga yung siraulong yon!" sabi ko kay Arlene habang naglalakad sa canteen dahil naikwento ko nga sakanya yung pag te-text saakin nung Zayk. At si ateng naman medyo naloka dahil nga alam nyang walang relate saakin yung mga pinagsasasabi ni Zayk at hindi ko talaga yun kilala.SWEAR! Kahit mamatay man kayo.
Naalala ko nga yung scene kanina eh.
*FLASHBACK*
"Fu*k Zayk! Ayaw mo na nga kong tigilan sa text pati ba naman dito sa school ko guguluhin mo pako?! and FYI ha, ang lakas mong maka babe eh hindi naman kita kilala" with that ay nangag bulungan nanaman ang mga chipmunks. Eh bakit ba? totoo naman ha, I dont even know this freakin' guy infront na nagsasabing mahal nya daw ako at babe nya ko! Letse lang ha! Wala sa dugo ko yung makikipag callsign ng baduy.
"Come on babe. Wag mong lokohin sarili mo, and I really like the way you changed the color of your eyes para hindi kita makilala" what? fetus palang ako itim na yung mata ko! Ano bang tingin nyang kulay ng mata ko dati, red? tss..lakas ng sapak neto!
"Seriously?! Anong bang problema mo ha? I DONT FUCKIN KNOW YOU AND WHAT YOU SAYIN' NAGKAMALI KA NG PINUNTAHAN DITO, LUMAYAS KANA!GET A LIFE!" pagalit kong sabi na nagdala saakin sa detention room. Kung saan pinagpulot ako ng kalat sa buong school.
T^T langya, ng dahil sa lalakeng yan kaya ako naghihirap ngayon.
Magpulot ay di biro, maghapong naka yuko🎶
Tsk. Buset talaga.
*EOF*
Grabe lang talaga yung dalang pasakit nung epal nayun. Bigla bigla nalang dadating sa buhay ko na parang takas sa mental dahil kung ano-ano yung sinasabi. Sisirain ata nun yung buhay ko eh! tsk.
"So anong balak mo beshy?" tanong ni arlene ng makahanap kami ng table, break time kasi ngayon. And, all eyes are mine again. Iba talaga ang mga chipmunks.
Teka--bakit ba beshy tawag sakin netong si Arlene?! Daming codename ha! Dati friend and bff kahapon bestie ngayon beshy.Langya corny talaga ng malanding to. Haha, ganyan ko talaga kamahal si Arlene.
"Hindi ko nga alam eh. Tulungan mo naman ako. Para may silbi naman yang utak mo. Top 1 ka naman diba?" tinignan nya ko at medyo nag isip pa sya. Ang bagal naman mag loading ng utak neto.
"Ang alam ko lang way para makalayo ka sakanya ay gumawa ka ng paraan para ma drop out sya dito sa TU(Tribnicous University)" Arlene
Pwederin ha' may silbi naman pala utak ng friend ko. Pero pano naman kapag private life ko ang pinakielaman nya? Mukha pa namang motto nya yung Never Give Up.
Meron pabang ibang way para hindi sya makapasok sa life ko? As in public and private? Siguro kaylangan ko munang alamin yung kanya. Kung sino ba talaga yung babe nya. Baka naman may ibang plano sya? hmm..
Nag-iisip kami ni Arlene habang kumakain ng may biglang humawak sa wrist ko. Pagtingin ko...si Zayk. Ano bang problema neto?!
"Pwede ba, bitawan moko?!" pagalit kong sabi pero mahina lang, yun tama lang para marinig nya pero hindi maririnig ng iba.
"Pano kung ayoko?" at dun na ko naghimutok. Ayaw nya? AYAW NYA? Wow lang ha. Sino ba sya para sabihin nyang ayaw nya?!
"Bitawan mo sya Zayk" sabi ni Arlene.
"Wag kang pakielamera!" abat! Ako lang ang pwedeng manigaw kay Arlene! Wala syang karapatan! Napaka yabang talaga neto. Hambog!
"Wag mo syang sisigawan!" Sigaw ko tsaka pilit na binabawi ang kamay ko pero ang higpit talaga ng pagkakahawak nya. Inis to! pagnamula yung wrist ko!
"Look, mag-uusap lang tayo Syd" Zayk.
"Syd? Wag mokong tawaging Syd! Hindi ako buto. At pwede ba! Ano sa tingin mo yung ginagawa natin? kumakanta? Haler! Nag-uusap na po tayo!" pamimilosopo ko. Aba lang ha. Hindi nya ko matatakot. Dami nyang alam. Kainis talaga.
"In Private Sydney. Yung tayo lang dalawa. Please?" sabay tingin nya sakin. Yung tingin na nagmamakaawa. Hay life. Nakakaawa tong baliw nato eh. Pagbigyan na. Ibabalik kona to sa mental pagtapos naming mag-usap.
***
Zayk's POV (yey! may pov na si Zayk!)
"Zayk nakabalik na si Sydney ah? Nakita namin sya ng barkada sa TU" bungad saakin ni David dahilan para maibuga ko ang tubig na iniinom ko.
"Pwe! Kadiri ka pre. Ambatos mo. Buti nalang di ako nabasa" =_= pakyu.
"Gago! Wag ka ngang panira! Totoo nga?" tanong ko sa autistic kong kaibigan.
"Mukha ba kong sinungaling pre? Oh!" Oo pre mukha kang sinungaling. Sabi nya sabay pakita ng phone nyang may picture ni Sydney na nag ii-speech sa auditorium ng TU.
Totoo nga, pero bakit nag iba ang itsura nya? Tsaka bakit sya bumalik dito? Akala ko ba itutuloy nya yung pangarap nyang makapag-aral sa New York? Hay!
Kinuha ko ang akong phone at tinawagan ang aking private investigator.
***
"Good Morning Sir. May balita na ho ako sakanya" sabi ng aking PI(Private Inverstogator).
Agad ko naman syang pinaupo sa sofa. Here it is Sydney.
"Sir heto po ang background nya" tsaka nya ibinigay saakin ang brown na envelope na naglalaman ng mga papel. Agad ko namang kinuha yun at binuksan.
"Kilala po sya bilang Sydney Peyton Collins Smith president ng TU." sabi ng PI ko at napanganga naman ako doon.
Damn what? Sydney Peyton Collins Smith? bakit kaylangan nya pang magpalit ng pangalan para lang matakasan yung mga problema nya?
Sydney Penelope Harris Smith ang tunay nyang pangalan. Iniba nya pa ang kulay ng kanyang mga mata. At sobrang naguluhan ako sa background nya ng malaman ko kung saan sya nakatira at bakit iba ang nakasulat na Ina nya dito. Wala rin syang kapatid kaya paano nangyaring may kapatid sya dito?
Ugh Sydney! Talaga bang iniba mo na ang sarili mo para makapagtago saakin? Hindi mo na ba talaga ko mahal?
____________________
Next Chapter na ang pag-uusap ni Zayk at Sydney! Talaga bang iniba ni Sydney ang pagkatao nya? Nagsisinungaling ba si Sydney o baka naman may mysteryong nagaganap na hindi nila alam dalawa.
BINABASA MO ANG
Beautiful Nightmare (KathNiel)
FanfictieIt's not an ORDINARY dream. Dedicated to: KathNiel