Liza's POV
Dumiretso ako sa bahay at papasok na sana ako sa bahay ng biglang nakita ko uliy yung anak ni Tita Gia! Tinutukan ko siya ng masama hanggang sa nakita niya ako, di parin ako umiiwas sa pagtitig sa kanya hanggang sa pagpasok ng bahay nagkatitigan kami ng masama.
"Urhhh ! Busit talaga yung lalaking yun!"
"Hoy Laleng! Na ano ka nanaman?"
"Eh pano ba naman kuya ! May nakabangga sakin at di manlang nagsorry ako pa yung sinisisi niya ha!"
"Sos! Para yun lang"
"Oo! Kuya para yun lang! Alam mo naman ako! Pagdating sa mga ganyan! Eihh basta magbibihis lang ako!"
Umakyat ako sa taas at nanood nalang ng kdrama, weightlifting fairy kim bok joo!!!
"Suweeg"
Ganto ako pagmay problema o kaya hindi busy nanonood ng kdrama at anime. Sa anime na Kaichou Wa Maid Sama si Usui yung sinasabi kong crush ko, well? May magagawa pa ba ako? Ayaw nilang maniwala na wala akong crush eh edi anime character nalang! At tsaka di nila malalamang anime character si Usui halos lahat ng kaibigan kong babae di mahilig manood ng anime at yung mga lalaki naman yung mga pinapanood ay naruto, hunterxhunter, bleach mga ganyan btw magaganda rin kasi yung mga anime na yun, hays kailan kaya ako makakahanap ng tunay na crush?
Ang hirap naman kasi! Bat pa kasi may mga ganyan ganyan nang nalalaman yung mga kaklase eih kainis! Tatanda nga siguro akong dalaga. About sa anak ni tita Gia na yun! Na nakalimutan ko nanaman yung name niya! Hays walang maiinlove dun matatawa ako sa babaeng maiinlove dun! Eh mukang butiki! Ang payat at parang tarsier ang laki ng mata! Di naman kagwapuhan kala mo kung sinong artista. Matulog na nga lang ako! Tsk
-June 13,2017
-7:01 a.m"Ahh! Late nanaman ako!"
*Ligo*
*bihis*
*kain*
*bike*"Hay! Nakakahiya! Parati akong late!"
Nagmadali akong papuntang classroom hanggang sa nakita kong nagkaklase na sila, 7:40 na tsaka mukang strict yung teacher nakakahiyang pumasok, hay! Think positive Laleng! Kaya mo to!
*pumasok*
"Ohayou Gozaimasu! I'm sorry I'm late"
*natawa yung mga kaklase ko*
"Hay nakakahiya bat pa ako nag Japanese hay ano bang problema mo Laleng!?" Bulong ko sa sarili ko
Nagbasa nalang ako ng libro "Ecco" a high school life is always a lie! Tungkol siya sa babaeng weirdo every move niya natural lang every mistakes niya natural lang, yung di ba siya napapahiya, kaso lang sa bahay nila pinagpapraktisan niya pala yung gagawin niya sa school kunwari kung madapa ako dapat ganyan gawin ko, kung ma ganyan ako ganto gagawin ko.
Weirdo nga, she's plastic I mean nagawa niya talagang i rehearse yung mga gagawin niya para lang maging perfect girl siya. Ayun nga a high school life is always a lie!
Yung hinihintay ko nalang ngayon ay yung recess!!! Huhuhu ano kayang bibilhin ko? Siguro magpasama ako kay a Jannah para di ako mawala.
-Recess-
"Jannah! Hi pwede bang sabay tayong magrecess?"
"What? Sorry pero may kasabay na ko eh"
"Ah sasabay nalang ako sa inyo"
"Ang kulit mo! Eh bala ka na dyan!"
Bumigat yung loob ko first time kong masabihan ng ganon. Ang friendly niya kahapon tapos ngayon parang di niya ako kilala? Tsk ang hirap maging transfer student. Di nalang ako magsasnacks.