CASE 0: LADY GAGAS

53 3 0
                                    

Sana hindi na kita nakilala,

hindi sana masasaktan ang puso ko,

wala sanang luha ang mga mata ko;

pero kung hindi kita nakilala,

hindi sana makakaramdam ang puso ko,

at wala ring ngiti sa mga mata ko.

Tinadtad ko ng curses sa isip ko ang walang-hiya, makapal ang face, at anak ng kung sinong Poncio Pilato na pa-fall, at mukhang paa na ka-text ko simula pa last month. Kasalukuyan akong nagwawala sa itaas ng double-deck at kanina pa ako kibot nang kibot kaya hindi na 'ko magtataka kung bigla na lang akong batuhin ng bagong tasang lapis ng roommate kong si Michaela, na nananahimik sa lower part ng double-deck.

Hindi naman sa akin ang buong kuwarto kaya kailangan kong kumalma kahit gustong-gusto ko nang manaksak ng tao. Hindi din naman kasi ako makapaglabas ng feelings kay Michaela ngayon para sana mabawasan ang pagkagigil ko, dahil sobrang busy niya sa pagre-review para sa exam nila sa Biology class bukas, 200 items, 'sarap i-uppercut ng professor. Ang isang roommate ko naman na si Charmi ay kasalukuyang naglalabas ng sama ng loob sa toilet─ibang sama ng loob. Of all times, kung kailan kailangan ko sila.

Bumuntong hininga ako at tinitigan ang nagbi-blink na text cursor sa screen ng pink kong cellphone. Bakit kasi bigla ko na lang siyang gustong makita? One month na kaming magkausap sa phone at kung saan-saang gadget, pero never pa kaming nag-usap nang personal kahit nag-aaral lang kami sa iisang school, at nakatira lang kami sa iisang dormitory. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang magpakita sa akin. Apparently, niyaya ko siyang makipagkita, pero... ni-reject niya ako.

"Michaela," 'di ko natiis at tinawag ko rin ang roommate ko. Ang bigat sa dibdib. Natatakot ba sa akin ang taong 'yon kaya ayaw n'yang makipagkita sa'kin?

"Mamaya na 'yan..." simpleng sagot naman niya, halatang ayaw magpa-disctract.

Bumaba ako mula sa upper part ng double-deck para kulitin si Mikaela. Sakto naman ang pagbukas ng pinto ng room at pumasok ang pawis na pawis na si Charmi. Hinihingal pa siya nang maupo sa single bed niya na katapat ng double-deck namin ni Michaela. "Guys, may almuranas yata ako."

"Wala akong pakialam sa hemorrhoids mo, masakit puso ko ngayon," pati ang nananahimik na behind niya, nadamay tuloy sa mood ko.

Narinig kong sumipol si Charmi. "Nagsusungit na naman. Si Rui."

"Ha?"

"'Pag kasi ganyan ang mukha mo, alam kong dahil na naman kay Rui 'yan."

Mas matulis talaga sa chin ni Ai Ai Delas Alas ang senses ni Charmi. Kung sabagay ay may third-eye siya. Bigla akong napalingon nang marinig ko ang malakas na pagsarado ng makapal na book ni Michaela. Maingat na itinabi niya ang gamit sa ibabaw ng bed.

"Akala ko ba nagre-review ka?" tanong ko sa kanya na nag-aayos na ng buhok, at the moment.

Inalis niya ang spectacles niya at ipinatong iyon sa kanyang study table. "Biology is life, but your love life is lifer."

Na-eexcite na nagsiksikan kaming tatlo na parang mga sardines, sa maliit na bed ni Michaela at nagsimula ng kwentuhan session. Ganito ang lagi naming ginagawa every time na nababakante kami, or kailangan ng break from school, or kapag bored sa buhay─pinoproblema namin ang mga kalandian namin. Sabi nga nila, habang bata ka ay sulitin ang beautiful and smooth skin, pero 'wag muna dapat magpapa-smooth sa... alamona... at minsan lang kasi dumating ang kabataan sa buhay ng tao.

Kaya heto, at the moment, sinusulit ang aming youth.

Nilalandi ang mga taong ayaw naman magpalandi sa amin.

"So, Charmi, kumusta naman 'yong lalaki mo?"

"Hayun, guwapo pa rin. May girlfriend pa rin."

"'Yong sa'yo naman Mikaela?"

"Patay na."

"..."

"..."

Maya-maya, may biglang umutot.

ITUTULOY... 

Kagagahan ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon