CHAPTER ONE

338 11 2
                                        

Dedicated to her. Huhu. I ♥ Thumping Heart, sobra. Sayang matatapos na... You should read that guys. Highly recommended.

=================================

CHAPTER ONE

“SIR, you have a luncheon meeting this afternoon with Mr. Ricarte, proceeded by a contract-signing meeting with Mr. Carlos. Before that, there are still documents you have to sign. I already put it on your table.”

Pagkapasok ko pa lang ng office ay iyan na agad ang sinalubong ng secretary ko. Tsk. Ang aga-aga.

Umupo na ako agad sa swivel chair na nasa gitna ng malawak na office na iyon at tiningnan agad ang mga papeles na sinabi nito kanina. “Okay, I can take care of this. Please have me a coffee,” I said and started working with the documents.

Medyo kumirot ang ulo ko kaya minasahe ko ang kaliwang sentido ko. Ang daming trabaho, tapos puyat pa ako kagabi. Ang hirap maging CEO.

Iniwan sa akin ng tatay ko ang pagpapatakbo ng Accounting Firm na ito bilang nag-iisa niyang anak na lalaki, panganay pa.

Naaalala ko pa ang sinabi ng tatay ko dati, “Drake, anak, sa susunod na buwan, ikaw na ang mamahala sa JAC Accounting Firm!”  Tinapik pa niya ang balikat ko noon. Ngayon tinatapik ko na lang ang balikat ko para mawala ang sakit ng katawan ko kakatrabaho. Ah, may iba pa pala akong ginagawa kaya medyo masakit ang katawan ko. Napangisi ako.

“Sir, ito na po ang kape ninyo,” sabi ni Ian, ang secretary ko, at inilapag nito sa harap ko ang kape. Pero bago pa ito makaalis pabalik sa table nito ay hinawakan ko ang kanang kamay niya para pigilan siya.

“Bakit ang aga mong pumasok? Dapat nagsabay na tayo,” tanong ko sa kanya. Naramdaman kong parang nanginginig siya at pilit na inaalis ang hawak ko sa kamay niya.

“A-ah, ano, b-baka may makahalata…” Namumula na naman ang mukha niya at hindi siya makatingin sa akin.

“Alam mo bang ang sakit ng balakang ko? Hindi mo ako pinatulog kagabi!” Dagdag na pang-aasar ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya at hinila niya ang kamay niya na hawak ko para takpan ang bibig ko. “Sir Contreras! Ano bang pinagsasasabi ninyo? Baka may makarinig sa inyo!?”

“Huwag kang mag-alala, soundproof itong office,” napakunot ang noo ko at tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko. “Atsaka masyado ka namang pormal! Maka-sir ka dyan! Eh kagabi nga…” Isa-isa kong hinalikan ang daliri niya. “Kung tawagin mo ang pangalan ko, parang wala nang bukas…” paanas na sabi ko.

Lalong namula ang mukha niya kaya napangisi ako. Ang sarap niya talagang asarin.

“Halika nga dito!” Hinila ko siya paupo sa kandungan ko. Hinawakan ko ang mukha niya paharap sa akin. Nanginginig siya, di ko alam kung sa excitement oh ano eh. “Mas masarap kang almusal kesa sa kape,” bulong ko sa kanya at kinagat ang tenga niya. Bahagyang umungol si Ian.

Hala, masama ito. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

What Should MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon