CHAPTER TWO
“MAUNA na ako,” sabi ko kay Ian pagkatapos ko siyang ihatid sa condo unit niya.
“A-ah, sige i-ingat,” sabi niya.
Tumalikod na siya nang may naalala ako. “Wait, Ian!”
“Huh? Ano yun?”
Mabilis ko siyang hinalikan at binulungan ng, “I love you.”
“N-nakakahiya naman ‘yang pinagsasasabi mo! Umalis ka na nga!” nagkanda-bulul-bulol na sabi niya at nagmamadaling pumasok sa loob. I chuckled. Ang mahiyain pa rin niya hanggang ngayon.
Pagkaalis niya ay binagtas ko ang daan papunta sa bahay kung saan ako nagkaisip at lumaki. Mag-iisang taon na rin pala nang huli akong pumunta ulit doon.
Ang dahilan kung bakit ako pupunta doon ay dahil bumalik na si Sydney, pero nararamdaman kong may iba pang dahilan, lalo pa’t nagpaparinig na palagi sa akin si Mama na gusto na niyang magkaapo.
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Parang gusto kong sabihin sa kanila na, ‘Sorry, araw-araw naman ako gumagawa nun eh, kaya lang imposibleng mangyari yun’ kasi nga alam niyo na.
Naaasar din ako sa sarili ko dahil ang hirap ng sitwasyon naming dalawa ni Ian, pero hindi man lang ako kumikilos para mailantad ag sikreto namin. Kasi ako mismo, takot. Parang…bahala na kung anong mangyari. Kapag nahuli edi nahuli. Ang hirap ng sitwasyon naming dalawa. (Paulit-ulit?)
Sa wakas ay nakarating na rin ako bahay. Actually, mansyon ang tawag nila sa sobrang laki nito. Maganda pa rin ang garden na inaalagaan ni Mama. Iba’t-ibang klase ng bulaklak ang makikita sa garden na iyon.
Ipinark ko ang sasakyan ko at bumaba na. Nang papasok na ako sa kabahayan ay may napansin akong hindi pamilyar na kotse. May iba pa bang bisita ngayong araw? Baka kaibigan ni Sydney.
Sa pinto ay sinalubong ako ni Nanay Nelia. Siya ang mayordoma sa bahay at ang siyang nag-aalaga sa akin kapag wala si Mama. Parang mag-ina na rin ang turingan namin sa isa’t isa.
“Drake, anak! Kanina ka pa namin hinihintay,” nakangiting sabi ni Nanay Nelia.
“Nay! Na-miss ko po kayo!” sabi ko at niyakap ko siya nang mahigpit na sinuklian din nito ng mas mahigpit pa.
“Ikaw naman kasi, ang dalang mo nang pumunta dito.”
“Busy po kasi sa trabaho, alam niyo na.”
“Sus, puro trabaho ang inaatupag mo kaya ‘di mo na naiisipang mag-asawa o kahit magka-girlfriend man lang! O baka naman mayroon ka ng girlfriend?”
“Wala po,” natatawang iling ko.
“Eh baka naman boyfriend ang mayroon ka!” Natatawang biro ni Nanay.
Aray. Tagos ah. Nakitawa na lang din ako. Kahit sa kanya di ko masabi ang totoo. Hindi naman ako bakla eh…Nagkataon lang na nagkagusto ako sa isang lalaki, yun lang.
“Kuya!!” Nakita kong nagmamadaling bumaba ng hagdan si Sydney at yumakap sa akin. “Na-miss kita, sobra!”
“Ako din! Wala ba akong pasalubong?” sabi ko.
“Mamaya ko ibibigay sa iyo,” sabi nito at aligagang tumingin sa likod ko. “Si Ian? ‘Di mo ba siya kasama?”
“Wala. ‘Wag mo nang hanapin,” tinatamad na sabi ko.
“Ang daya mo!” Pinagpapalo niya ako sa braso. “Alam mo namang may gusto ako dun sa tao tapos pinagdadamot mo!”
“Marami yung trabaho! Tara na nga sa dining room! Ipakilala mo ako sa kaibigan na kasama mo, babae ba yan o lalaki?” Hinila ko siya sa komedor.
BINABASA MO ANG
What Should Matter
Romansa|| Filipino || It is your typical "you and me against the world" kind of story, yet so unusual, just because they love each other, eventhough they're both men. Boy to boy relationship is involved. Don't read if this is out of your league. :3