Chapter 7: The Plan

819 9 2
                                    

Chapter 7: The Plan

NAKATINGIN lang ako sa mga taong nagkakasiyahan. Birthday ni Papa ngayon. Dito sa mansion namin ginawa ang party. Ayaw kasi nila na sa ibang lugar pa ganapin ang party, malaki naman daw ang bahay namin. Kayang-kaya naming mag-accommodate ng maraming tao.

I scanned my surroundings. Puro mga kasama at ka-sosyo ni Papa sa business ang nandito. Of course, nandito ang buong family nila Angelo. I also invited Nica, my bestfriend. Hinahanap ko siya pero hindi ko makita. Baka umiinom na naman. O baka naman may nakilala na? Ayos 'yon, para naman magselos si Kuya. Haha.

I'm here at the veranda of my room. From up here, kitang-kita ko ang mga pangyayari sa party. Nandito ako dahil iniisip kong mabuti ang plano ko. Iniisip ko kung dapat ko pa bang ituloy o hindi na. I recalled my conversation with Nica at the bar last week.

Kanina pa ako nandito sa 143 Bar. Ang sabi ko kay Nica, usual time kami magkita. Which means, 8:30 dapat. Pero 6:00 pa lang ay nandito na ako. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Tinatamad akong mag-review dahil wala naman akong ginawa kundi ang mag-review noong mga nakaraang araw para makalimutan ko ang nangyari sa mall kasama sina Angelo at Monica. Selos na selos ako ng makita ko sila. Nang magkita-kita kami sa mall, umalis na ako kaagad para hindi ko na makita pa kung gaano sila ka-komportable at ka-sweet sa isa't isa. Ayokong magpakamartir.

When I arrived here, I quickly ordered a drink. Hindi naman ako magpapakalasing. I just wanna drink tonight. Ayoko rin namang makipag-usap sa iba. Ayokong sumayaw. Ayokong makipag-interact. I just want to be alone. I'll just wait for Nica. I want to tell her the truth. I want to share my problem dahil hindi ko na kayang sarilinin pa 'to.

After a few hours, may naramdaman akong tumabi sa akin. "Hey," tawag sa akin ni Nica.

 

 

 

Tumingin lang ako sa kanya. Medyo nahihilo na ako. She said, "So... what do you want to tell me? What's your problem?"

 

 

 

I bitterly smiled and said, "You know me too well." I hate it. I hate how she knows me too well. I decided to open up. "It's about Angelo."

 

 

 

"Who is Angelo?"

 

  

"He is a family friend."

Forgiven, Not ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon