Chapter 24: Cold

782 18 11
                                    







A/N: Sorry sa super duper mega late update. Maraming salamat po sa mga naghintay at nag-aabang. Stand by lang din po kayo sa updates sa HBFGF at WFKL. I love you all! Whooooo. Love lots.





Chapter 24: Cold





KUMAKAIN akong mag-isa nang almusal. Hindi ko kasabay si Angelo. For the past few weeks, we've been like this. Ang akala ko, may magandang mangyayari pagkatapos naming kumain nang sabay. Iyon pala, dalawang beses lang mangyayari iyon. We have no progress. Gano'n pa rin. Hindi niya ako masyadong pinapansin. Hindi niya ako iniintindi. Wala siyang pakialam.





Pinaghahanda ko siya ng susuotin niya pero hindi niya sinusuot. Kumukuha pa rin siya ng sarili niyang damit. Hinahanda ko ang almusal niya, at iba pa. Lahat. Inaayos ko ang lahat para sa kaniya. Gusto ko kasing maayos siya at hindi siya nahihirapan pagkagising pa lang niya. Gusto kong handa na ang lahat. Iyong wala na siyang po-problemahin pa. Kaya lang, wala. Hindi niya iniintindi ang mga ginagawa ko para sa kaniya. Wala nga siguro siyang pakialam. He doesn't see my efforts. He doesn't care. At all.





Napabuntong-hininga ako habang kumakain. Sabi nila ay masama daw iyong gawin habang kumakain. Hindi ko namang maiwasan, eh. Naaalala ko iyong umagang nag-usap kaming nagalit siya sa'kin.





Kinabukasan nang umaga pagkatapos niyang umuwi nang masyado nang gabi ay kinausap ko siya. Syempre, nag-aalala ako. Iniisip ko kung ano ang nangyari at masyado siyang ginabi nang uwi. Paano kung naaksidente pala siya nang hindi ko pala nalalaman? May problema kaya sa company? May pinuntahan pa ba siya? Hindi naman kasi siya sumagot sa text ko sa kaniya. Syempre ay iniisip ko ang kalagayan niya.





"Angelo, bakit ka ginabi nang uwi?" tanong ko sa kaniya habang kumakain kami nang almusal. Sabay ulit kaming kumain. Masaya ako dahil nagkasabay ulit kami. Kahit na pilit na pilit siyang pumayag kanina, ayos lang sa'kin. Sumama pa rin siya at sinabayan ako.





Saglit lang siyang natigilan sa tanong ko at nagpatuloy sa pagkain. Hindi niya ako pinansin. Hindi niya inintindi ang tanong ko. I repeated the question.





"Angelo..." tawag ko sa kaniya nang hindi pa rin siya sumagot.





"Ano ba?" naiinis na tanong niya. Huminga lang ako nang malalim. Palilipasin at palalampasin ko na lang ang inis niya. Hindi ko na papatulan.





"I'm asking you. Bakit ka ginabi? May problema ba sa company kaya kayo nagtagal? Anong nangyari?" mahinahon kong tanong.





"Wala," simpleng sagot niya. Nakakaramdam ako nang inis. Bakit ba ayaw niyang sagutin nang maayos ang tanong ko?





"Then why? Bakit ka ginabi?" pangungulit ko sa kaniya.





He stopped eating and looked at me. "Bakit ba tanong ka nang tanong? Are you my keeper?" he asked with sarcasm.





At that point, nainis na ako. "No, I'm your wife who wants to know where my husband has been," nakakunot ang noong tanong ko sa kaniya.





"Really, now," he smirked.





"Bakit ba hindi mo na lang sagutin ang tanong ko? Nagtatanong naman ako nang maayos sa'yo. Hindi kita sinusumbatan o kung ano. Gusto ko lang malaman kasi nag-alala ako sa'yo kagabi. Hindi ka naman sumagot sa text ko," paliwanag ko sa kaniya.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgiven, Not ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon