Untitled

2.6K 135 109
                                    

April 17, 2014.

Fourteenth.

Pervsis! Alam ko di mo hilig ang mga tula. Pero ginawan pa rin kita. Haha! Ikaw lang ang PERVSIS ko. <3

Gusto kong sabihin na madaya ka. Bigla ka namang nang-iwan eh. Sabi sayo magpagaling ka tapos makakalabas ka na ng hospital tapos chikahan na ulit tayo. Pero sumuko ka na. Sobrang nahirapan ka na siguro. Ayaw mo na din uminom ng gamot. Pasaway ka kasi pervsis eh. Nalulungkot ako. Namimiss kita. Naalala ko yung unang beses tayong nagkausap. Di ka pa ganun kagaling magtagalog. Haha! Nino-nosebleed nga ako. Chos! Haha! Pero hindi nagtagal, ok na yung tagalog mo. Masaya ako dahil naging parte ako ng buhay mo at naging parte ka rin ng buhay ko. :))

Sampung araw na simula ng umalis ka. Wala ka ng nararamdamang sakit at hirap diyan. Miss na miss na kita! Alam ko na masaya ka na diyan. Magkikita din tayo pagdating ng panahon! Enjoy ka diyan ha? Bantayan mo kami palagi. Di kita makakalimutan.


- - - - - || U || - - - - -


U


Dati, ika'y isang estranghero,

Napadaan sa aking mundo.

Di inakalang magiging malaking bahagi,

Isang kaibigan, kapatid at kakampi.


Malayo man ang ating pinagmulan,

Magkaiba man ang ating kinalakihan,

Tayo'y naging matalik na magkaibigan,

Sa loob ng pitong buwan.


Ang bilis ng panahon,

Parang tinatangay ng alon.

Di alam kung saan ang punta,

Sana lang, doon ay masaya.


Di pa rin makapaniwala,

Sa'king narinig na balita.

Sana ito'y isang biro,

Dahil ako ngayo'y tuliro.


Luha'y umagos sa'king mga mata,

Pagsikip ng dibdib aking nadarama.

Sa asul na kalangitan ako'y nakatulala,

Wala man lang akong nagawa.


Bakit nawala ka agad?

Madami pa tayong hinahangad.

Nang-iwan ka bigla,

Hindi man lang ako nakapaghanda.


Ang hirap paniwalaan,

Pero ito ang katotohanan.

Kami ay iyo nang iniwan,

Ika'y masaya na sa kalangitan.


Kasama mo na ang ating taga-Likha.

Sakit at kirot, di mo na alintana.

Kahit di handa sa iyong pagkawala,

Ika'y mananatili sa'king alaala.


Hindi kita makakalimutan,

Lalo na ang hilig mo sa ilong, aking kaibigan.

Tayo'y muling magkikita,

Magkukwentuhan ng walang sawa.


- - - - - || U || - - - - -


Quotable Quotes :

"Goodbyes are not forever, goodbyes are not the end. They simply mean, I'll miss you, until we meet again."

"I hope you always find a reason to smile."

"Appreciate what you have before it turns into what you had."

"I'm lucky to have a friend like you."


- - - - - || U || - - - - -


"One sweet day" by Mariah Carey feat. Boyz II Men.

And I know you're shining down on me from heaven

Like so many friends we've lost along the way

And I know eventually we'll be together

One sweet day


April 7, 2014.

R.I.P Pervsis.

Hindi kita makakalimutan! I love you!

Ang Kwaderno [Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon