Hindi Ako Si Darna

1.7K 95 149
                                    

August 13, 2014

Seventeenth!

Dear Aly, parang ngayon lang kita tinawag na Aly di ba? O mali ako? Kasi naman, baby ang tawag ko sayo lagi. Anak kasi kita! Pareho tayong dyosa! Haha! Hmm ikaw inspirasyon ko sa tula tulaan kong to! Naks! Kina-career talaga ng mom mo ang paggawa ng tula! Sabi sayo hulsam na ko eh! Hahahaha.

Wag mo na lang pala itanong kung bakit ganyan yung title. Wala kasi akong maisip na iba eh! Haha! I love you baby! :))


 - - - - - || AK - HASD || - - - - -


Hindi Ako Si Darna


Mga luha'y bumabagsak.

Animo'y ulan na pumapatak.

"Tigil!" Sabi ng aking utak.

Pero puso'y parang sinasaksak.


Hindi mo ba kayang suklian?

Pag-ibig na ikaw lang ang inalayan.

Hindi mo ba kayang maging tapat?

Ako ba'y hindi pa ba sapat?


Sabi mo ako'y mahal mo.

Pero bakit nadarama'y ganito?

Ako'y iyong binabalewala.

Pagmamahal mo'y hanggang salita.


Palagi na lang ba tayong ganito?

Nag-aaway at nagkakagulo.

Hindi ba pwedeng tayo'y magkaintindihan?

Magmahalan na lang kaysa sakitan.


Ako'y nahihirapan na.

Laging may lungkot sa mga mata.

Mahal na mahal kita.

Hindi mo ba makita aking halaga?


Kahit na nagmumukhang tanga,

Patuloy pa rin akong umaasa.

Na ako'y iyong unahin,

Bigyang ng nararapat na pansin.


Minsan, naiisipan nang bumitaw.

Ngunit pag-ibig sa'yo ang nangingibabaw.

Hangga't kaya ko pang kumapit,

Titiisin mga nadaramang sakit.


Hindi ako si Darna o si Wonderwoman.

Hindi mo ko pwedeng ilaban sa palakasan.

Ngunit hanggang mahal kita at kaya ko pa,

Ako'y mananatili sa tabi mo at hindi sa iba.


Kapag dumating ang panahong ako'y lumayo,

Wag mong isiping pagmamahal ay naglaho.

Napagod lang ako sa di natutupad na pangako,

Para ako'y sumaya, dapat ka nang isuko.


- - - - - || AK - HASD || - - - - -


Quotable Quotes :

"Everytime I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time."

"Don't lose yourself trying to hold on to someone who's not afraid to lose you."

"Don't let him have the satisfaction of knowing you'll always be there waiting."

"Don't take people for granted. No matter how much they love you, people get tired eventually."


- - - - - || AK - HASD || - - - - -


"Say Something" by A Great Big World feat. Christina Aguilera. Wala lang, feeling ko lang kasi, bagay yung song sa tula-tulaan ko. Haha!

Say something, I'm giving up on you

I'll be the one, if you want me to

Anywhere, I would've followed you

Say something, I'm giving up on you

And I am feeling so small

It was over my head

I know nothing at all

And I will stumble and fall

I'm still learning to love

Just starting to crawl

Ang Kwaderno [Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon