Chapter 3. Meet Nicole.
MAU POV
"Mau, ang tagal mo. Malalate na tayo." -Si mommy. Hapon na kasi ako nagising mga 6pm. E hindi ko alam na 7pm pala ang start ng party. hindi ko na namalayan ang oras. Hindi manlang kasi ako ginising kaya heto minanadali ko nalang pag aayos. Hindi naman kasi ako mahilig mag ayos. Powder, lipgloss lang. Haha.
"Heto na po. Aalis na ba?"
"Oo, kanina pa naghihintay yung driver."
"Haleer, madear! Kelan tayo nagkaroon ng driver? E kareresign lang ni mang domeng ah?"
"Ano pa bang silbi ni gerard na bestfriend mo? Hahahaha. Bait bait talaga nun. Laging maaasahan."
"Ma!! Wag mong sabihin inutusan mo pa siya? Nakakahiya naman."
"Hindi no. Nagkataon lang na invited din siya sa party."
"Ahhh. gets. Tara na."
Pasakay na ko sa likod ng kotse nang...
"Oy iha, dun ka po sa harap. Ako dito sa likod. Solo ko to." -sabi ni Madear
"Aish!" Diretso ako sa harap.
Nagulat naman ako kay Mark kung makangiti parang aso. Akala mo naman ang saya niya nung nakita ako. EFFF!
"Itigil mo nga yang pagngiti ngiti mo. Ang pangit mo!" -ako
"Sus, baka lang kamo mainlove ka."
Tumahimik na lang ako. Epaloids talaga tong tao na to. May masabi lang ng kung ano. Ang bilis niya magmaneho, di ko namalayan na nandito na pala kami sa pupuntahan namin. Ano ba to? Birthday party? Ang daming baloons. Haha. Saka ang laki ng lugar. Nakakalaki din ng mata.
"Halika na kayo." -sabi ni madear
Sumunod naman kami. Well, wala naman akong magagawa kundi ang sumunod. Hindi ko naman kasi alam tong lugar na to. DUH. Nakita ko si madear na nakipagbeso beso sa isang mukhang bonggang babae, ang elegante niya tignan, medyo may edad na. Kasama nung may edad na babae ang isang gwapong lalaki. Teka. Parang pamilyar sakin to ah?
"BRO!" -sabi nung lalaki. Ano kayang pangalan nito? Para talagang nakita ko na siya. Tae, bro? Ako ba yung tinawag niyang bro? Ta. Nakakainsulto yun ah. Mukha ba kong lalaki? Tell me!!!
"BRO!!!!" -may nagsalita naman sa likuran ko. Bro na naman? Sabihin niyo nga napalitan na ba pangalan ko dito sa story?
"Long time no see!" sabi nung gwapong lalaki. Sabay tingin sa likod ko tapos nabalik na yung paningin sakin. Ako ba kausap niya? Naguguluhan na ako.
"Oo nga, welcome back, bro." -aba teka. Boses ni Mark yun ah. Nakikisali sa usapan, epal talaga. Tsk. Welcome back pa daw. Tapos Bro pa? Waiiit. Bro? Teka, mukhang mali ako ng rinig. Bro? Siya at yung gwapo? Magkakilala? OMG!
Papalit palit lang yung tingin ko sa kanilang dalawa. Mukha na kong tanga, tatawa tawa pa si Mark. tae siya! Hindi manlang niya sinabi na may kaibigan pala siyang gwapo. Walangya siya. Pinagkait niyang makita ko ang magandang nilalang na to.
"Uhmm----." -Magsasalita na sana ko ng biglang sumingit itong epal kong bestfriend. Bestfriend ko ba talaga to?
"Bro, si Mau nga pala. Best--aaahm.. Girlfriend ko."
Buti wala si madear. Hindi narinig. Wahehe. Siyempre, makikisakay nalang ako. Sayang naman yung mga benefits ko sa pagpapanggap naming ito. Hahaha.
"Hello. I'm Mau. Welcome back." Pawelcome back welcome back pa ako. E ni hindi ko naman alam kung saan nanggaling tong gwapong nilalang na to. Kunwari nalang alam ko, si Madear kasi wala manlang sinabi tungkol sa party ito. yung pala welcome party. Haysos!
"Hi. Nicole nga pala." Tapos nagshake hands kami. Ano daw? Nicole daw? Babae ba to? Tomboy? Nanlumo naman ako sa naisip ko. Echos.
"Bro, ang ganda ng girlfriend mo. Saka may bago ka na pala. Akala ko kayo pa din ni---."
"Ahm, bro. Dun muna kami ni Mau. Nangangawit na kasi to kanina pa siya nakatayo."
"Ah, ge.'' Sabi ni nicole na tomboy ata.
Naupo na kami sa upuan. Malamang!! Nacurious naman ako sa sinabi ni Nicole. Este sa kagwapuhan pala niya. Nakakatakam siya. Tomboy ba talaga siya? Kasi mukha siyang lalaki tapos babaeng tunay ang pangalan niya. Kaloka te. Matanong na nga lang si epal kong bestfriend.
"Hoy pangit!" -sabi ko
Di niya ko pinapansin. Feeler talaga. Akala niya tatawagin ko siyang gwapo? Nevaaah. Kahit sa panaginip. HINDI. NO!
"Hoy." Kinalabit ko siya ng paulit-ulit. Tignan lang natin kung hindi pa to lumingon. Hahaha.
"Bakit ba?" -sabi niya. Mukhang naiinis ata. Bakit kaya??
Gerard POV
Nakakainis si Nicole, mukhang nagkagusto pa ata kay Mau. Kakaiba kasi yung tingin niya e. Ahh, si nicole nga pala. Kababata ko rin yan. Mas nauna kong nakilala kaysa kay mau. Sa Manila kasi kami nakatira dati, lumipat lang kami dahil sa work ni Dad. Kaya naiwan si Nicole sa Manila, tapos nabalitaan ko nalang na nagpunta siyang america upang asikasuhin yung business nila. Daldal ko. Psh. Ang mga lalaki hindi ganito kadami magkwento. Lalaki nga ba ko? LOL
Nagtataka siguro kayo kung bakit pambabae yung pangalan ni Nicole no. Bago pa siya magkaroon ng POV. Uunahan ko na sabihin, ganito kasi yan, gustong gusto ng mommy ni nicole na girl ang maging anak niya. At nicole ang gusto niyang ipangalan. At sa kasamaang palad, lalaki si Nicole. Nicole pa rin ang pinangalan kay Nicole dahil nalaman ng mommy niya na hindi na siya pwede magkaanak. Papasa na ba kong maging story teller?
Hay. Kasawa magsalita, eto namang katabi. Puro kalabit. Pansinin ko na nga.
"Bakit?"
"Tomboy ba si Nicole?" -seryoso niyang tanong.
Tae, ano daw? Kung tomboy daw si nicole? Walangya. May utak ba talaga tong babaeng to, tanga na lang ang magakalang tomboy si nicole. Bakla siguro pwede pa. Joke lang bro.
"Isipin mo nga yang tinatanong mo. Pwede gamitin utak?" -sabi ko yan.
"Taray mo te!" -Ayan na naman siya, kung ma-TE akala mo babae kausap. "Nagtatanong lang e, meron ka? Sungit mo e."
"Oo. Second day ko ngayon. Malakas. Kaya manahimik ka." -sabi ko naman, sinakyan ko nalang siya. Ang ingay kasi. Wala pa naman ako sa moody. Di ko pala nasabi. MOODY ako.
"Hahahaha! Lol, nga pala mark, tumingin ka sa paligid mo. Hahahhaha."
Tumingin naman ako. T*ngina lang. Potek. Lahat ng kalapit naming table nakatingin samin. Este SAKIN. Bakit? May ginawa ba kong masama? Napalakas ba yung sinabi ko kanina? Halos lahat sila mga nagpipigil sa tawa. Taena talaga to. Sorry sa word. Di ko na napigilan. Sino ba namang hindi makakapagmura sa sobrang kahihiyan.
Tinignan ko si Mau ng masama. Humanda ka sakin! Kasalanan mo to. Hanggang ngayon tawa pa din siya ng tawa. Papalakas pa ng papalakas. Humanda ka talaga. Tss.
--------------------------------------------------ABANGAN---------------------------------------------------------------------
-WAMWAM.
Comment kayo kung okay lang. O boring. Haha! ;)
Vote din kayo. Wahehe
BINABASA MO ANG
Bestfriends. FOREVER OR NEVER?
Teen FictionWhat if may bestfriend ka na sobrang playboy? Lahat ng girls nagkakagusto sa kanya na pati ikaw pagselosan na. Tapos isang araw, humingi ng favor ang bestfriend mo na kung pwede maging kayo KUNWARI. Papayag ka ba?