Ikalimang kabanata. Flashback :/

129 4 0
                                    

Chapter 5. flashback

MAU POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng makita ko siya. Hala te? Drama ba ito? Masyadong seryoso. LOL. Kilala niyo ba yun? Siyempre hindi pa. Bagong character na naman dito sa story. Lahat nalang bago. Feeling ko talaga walang patutunguhan to e.

flashback*

"Ikaw?!" -sabe ko. Sabay pa nga kami e.

Omg! Ito yung long time crush ko! Siya nga yon, hindi ko siya makakalimutan. 5 years ko ata siyang ini-stalk. Stalker niya ko. Hehe. Hala, ang gwapo niya pa din. Ramdam ko ang titig niya sakin. Nanlilisik na ata mga mata niya. Syempre sa halip na mainis, natuwa ako kasi kahit papano nakatitig pa rin siya sakin. 

Dapat nga pala nagtatago ako, malaki kasi yung kasalanan ko dito. Ako may kasalanan kung bakit nagbreak sila ng gf niya. Bad ba ako? Lagot ako nito. Nagkaayos naman na kami. Ang kaso lang hindi ako tumigil na sundan sundan siya, kulang na nga lang pti sa banyo sundan ko siya e. Ganyan ako magkagusto, at alam ni Mark yan. Minsan kasi siya pa ang tumutulong sakin.

Oh well, napahaba na ang kwento ko. Nakalimutan kong nasa harap ko pa din siya. At mukha atang inis na inis na. Teka, ngayon ko lang naisip. Bakit nasa labas ng ladies room? Di kaya??? Ow em! Hindi pwede!!!!! 

"Babe!" -naputol ang pag iisip ko ng makarinig ako ng boses na nanggaling sa nagbukas ng pinto. Isang babae. Maganda siya. Maputi. Sexy. 

"Excuse." -sabi ni Erwin. Yung crush ko. Aba, dinadaan daanan nalang ako. Ouch naman. 

Wag kong sabihin na?? Siya yung tinawag na babe???? Shet. May girlfriend na naman pala siya. Hay, kala ko moment ko na.

"Uhm, Miss?" -sabi nung babae. Nakatayo pa rin kasi ako at ngayon hinaharang ko na sila. Hahaha.

"Yes?" -sabay ngiti pa. Oh diba??

"Parang namumukhaan kita. Erwin, siya ba yung babaeng obsessed sayo nung highschool ka, yung kinukwento mo? Kasi kamukha siya nung nasa picture na pinakita mo eh. Hanggang ngayon ba naman hinahanabol kapa niya. Grabe ah. Tignan mo nga naman." -sabi nung babae.

Nagpintig yung tainga ko dun. gusto ko umalis ngayon sa harap nila. Nakakahiya. Walanghiyang erwin na iyan. Pinagkalat pa yun! Napaka. Pinamukha pa talaga sakin na gustong gusto ko siya na sadyang totoo naman. Pero hindi ako papayag na magmukhang tanga. Lalaban ako. 

"Haler. Naririnig mo ba yang sarili mo? Ako magkagusto sa boyfriend mo? Mahiya ka naman sa sinasabi mo, pwede?! Hamak na mas gwapo ang boyfriend ko diyan no! Saka hindi ako papatol sa itsura niya. Bagay lang talaga kamo. Mga panget!" 

"Ikaw may boyfriend? Eh ang sinasabi sakin ni Erwin, ni hindi ka pa nga nagkakaboyfriend e. Baka nag iilusyon ka lang." -ngingiti ngiti pang sabi ng bruha! 

"Gusto mo ihampas ko sa siya sa pagmumukha mo e!" sabi ko. haha. Napasubo ata ako dito. Sino naman yung boyfriend ko? Na mas gwapo kay Erwin. Mukhang wala ng mas gwapo pa sa kanya. Lagot ako nito lalo. 

"Sige, tignan lang natin! Ni wala ka ngang kasama ngayon e, boyfriend pa kaya?" 

"Pwede ba? Busy lang siya! Saka ang daldal mo, ang baho naman ng ebak mo! Naghugas ka na ba ng kamay mo?" -hahaha! ,sabi ko, naalala ko kasi yung amoy kanina sa cr. ano siya ngayon! Wahahah! Makaalis na nga.

"Magsama kayo ng boyfriend mo! Ang baho niyo." -dugtong ko pa sa sinabi ko. Sabay lakad. Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi ko. Si erwin panget?mabaho? As in? Sinabi ko talaga yun? Nababaliw na nga siguro kasi nakita ko na naman siya.

Nakakainis yan. Nananahimik ako sa pagpantasya kay Erwin kanina tapos biglang nagsalita yung babaeng yun! Makikita niya. Ipapakita ko sa kanya ang hinahanap niya. Mwahahaha!

Si Mark nga pala. Nasaan na kaya un? Gabi na, di manlang tumatawag. Epal talaga yun. tsk!

end of flashback*

Ano nga ulit yung huli kong inisip sa flashback? Si Mark? Hmmm. May naisip na naman ako. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip to. Tatlong araw na ko nag-iisip ng solusyon kung sino yung babayaran ko para magpanggap na boyfriend ko, eh may solusyon na pala ako. 

Hay Mark, ngayon ko lang narealize na hulog ka ng langit sakin. Ngayon ka lang makakatulong. Salamat naman may kwenta ka na ngayon. 

Mukhang ako pa ngayon ang makikinabang sa kanya sa halip na siya ang makinabang sa akin ah. Haha. Nakakatuwa naman. 

Speaking of Mark...

"Hi Mau!" -si Mark.

"Bat andito ka na naman? =.=" manggugulo na naman to for sure.

"Namiss kita e." -sabi niya, with ngiting labas ngipin pa yan ah! Kadiri puro tinga! Hahaha. Joke lang.

"Kadiri ka, alam mo yun?" 

"Maging sweet ka naman minsan" -sabay akbay pa sakin. Ewwness talaga. Buti pa kung si nicole o kaya si Erwin yun. Kilig much. LOL. Kelan pa ako naging maarte? Ha? Ngayon? :))

"Sabihin mo lang kung anong kailangan mo." -sigurado may kailangan na naman to sakin e! Siguradong sigurado. 

"Sige na nga." -sabi na e.

"Umm, dapat magkasama na tayo palagi. Kasi pati sa mga kaibigan ko na hindi mo kaclose, sinabi ko na girlfriend kita.'' -sabi pa niya. Ano daw?

"Ahhhh." -sabi ko laang. Di ko pa kasi maintindihan yung sinabi niya.

"AAAAAANNNNNNNNNNOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO????!!!!!!!!! -ayan, naintindihan ko na. Parang tanga ba? Mabagal lang talaga magprocess ang mind ko. Lel. 

"Sorry, ang dami na kasi nagtanong e, simula kahapon nung ginawa kong in a relationship yung status natin sa facebook." -yan na nga ba sinsabi ko e! Kaya mahirap na alam niya yung password ko. Lintik iyan! tssskkkk

"Pakialamero ka talaga. Hay!!" -sumasakit ulo ko sa lalaking to! 

"Hehe, gusto mo naman e!''- sabi niya. Kapal talaga ng face niya. Mga 1000 pages! Sobrang kapal.

"/josko, pasalamat ka di ako pumapatol sa mga epal." -wala naman na kasing kong magagawa e! Nangyari na, saka makakatulong din naman to sa aking pag unlad. Echosssss!

"Bukas nga pala may date tayo!" -sabi niya.

"Okay." 

WAIT TEKA. ANO ULIT YUNG SINABI KO????????

------------------------

vote and comment! :)

-wamwam

Bestfriends. FOREVER OR NEVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon