Chpater 6.
Katatapos ko lang maligo at kasalukuyan akong nagbibihis. Nagbibihis ng pambahay. Akala siguro ni Mark seseryosohin ko yung mga pinagsasasabi niya. Sorry nalang siya. Sanay na ako sa mga ganon niya. Halos lahat ata ng babae naidate na niya.
Sino ba kasing makakatanggi sa
*maputi
*matangos ang ilong
*mapupungay ang mata.
*mapuputing ngipin
*matipunong pangangatawan
*malalapad na balikat
*malambot na kamay
*matangkad
*medyo matalino
*sweet
hmmm. Ano pa ba? Teka teka teka. Dream boy ko na ata yung dinescribe ko ah. Pasensya na. Pero ang sinsabi ko kasi SIYA YUNG KABALIGTARAN NG LAHAT NG SINABI KO.
Mabalik ako sa kasalukuyan. Nainip ako sa bahay kaya lumabas ako.
Sa di inaasang pagkakataon.. Nakita kong papalabas ng bahay si Mark, diba nga magkapitbahay kami. Nakabarong pa. Joke lang, naka coat and tie pa. Ano to? Napakapormal ng kasuotan, saan ba lulungga to at ganito ang porma. Pangsosyalan.
"Anong kadramahan yang suot mo? Kadiri"
"Nautral. Diba may date tayo?"
"Tingnan mo nga itsura ko sa itsura mo. Mukha mo kong alalay. Duhh. Nagpapatawa ka ba?"
"Oo. Bakit? Masama?"
Ano daw??? Tae. Naguluhan ako dun ah.
"K bye! Lalarga na ako. Gagala muna ako, malay mo makatagpo ko na ang dream boy ko."
"Hoy, hindi ka ba sasama sakin?"
Hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Dedma lang. Alam kong hindi ako susundan nun. Alam ko na ugali non. Hindi siya naghahabol, tama lang naman yon. Hindi dapat hinahabol ang mga babae at hindi rin dapat habulin ang mga lalaki. Got that? Walang dapat maghabulan dahil hindi tayo kabayo o mga politiko na takbo ng takbo.
Napatigil nalang ako. Nasa dulo na pala ako ng bangin. Teka kelan nagkaroon ng bangin dito sa subdivision. Nevermind. Bumalik nalang ako sa kung ano man daan ako patungo. Tanghali na at ang init ng araw. May natanaw akong sasakyan.
Nakakasilaw naman yon. Ang kintab ng sasakyan. Bagong kiwi te? Huminto pa sa harap ko. Sige ipagmalaki mo na may sasakyan ka samantalang heto ako at naglalakad lang.
Bumukas ang pinto. (Kelangan talaga bawat galaw ng kotse isalaysay?) Bumaba siya. Nakita ko paa niya. Ay este sapatos pala. Hmmm. Ang itim. Makinis. Walang bahid ng alikabok. Papataas ang tingin ko sa kanya. May nakita kong nakaumbok. Sht. Iniwas ko yung mata ko... Sa bulsa ng pantalon niya. Mukhang ang daming laman. Tss. Mapera siguro. Tinamad na ako isa isahin ang bawat pagtaas ng mata ko. Diniretso ko na ang mata ko.
"Langya ka Mark! Bruho ka. Akala ko kung sinong rapist ang nasa harap ko."
"Rapist ka jan. Baka sabihin mo "G-W-A-P-O"
"Oo gago. Ano bang ginagawa mo dito? Istorbo ka sa mapayapa kong paglalakad."
"Mapayapa ka jan. E kita mong kulang nalang tumakbo ka pauwi sa inyo."
"Whatever."
Pumasok na ko sa kotse niya. Ano pa bang gagawin ko, ang tumayo sa daan at masikatan ng araw at makipagdaldalan sa walang sense kausap. Mas mabuti pa kanina. Mag isa lang. tahimik.
"Sa pagkakaupo mo, nagmukha akong driver ah."
"Ayusin mo salita mo. Tsk. Ano bang ginagawa mo at napadpad ka dito?"
"Wala lang, naglibot libot. Saka may date pa tayo."
"Date yourself!"
"Pumayag ka kaya sakin. Wag mong sabihing di mo tutuparin sinabi mo. Mababali leeg mo sakin."
"Child Abuse."
"Malapit ka naman na mag-18."
"So? What's the point?"
"Ano kamo?"
"Shut up."
"Ano?"
"Okay fine. Hindi ka nakakaintindi ng english. Bwisit ka talaga. Kaasar. Oh saan mo ko dadalin?"
"wow. Ang haba!"
Para namang sinabi niyang hindi ako nagsasalita ng mahaba. Painis lang. Daig bata.
"Enough of this nonesense. Where are we going?"
"Ano?"
"I said, where are we going?"
"Dora? Dora?"
Ano? Dora? Dora? Medyo nagisip muna ako ng saglit bago ko napagtanto na..... Epal talaga si Mark.
"Nandito na tayo!" - sabi ni Mark
Baba naman ako agad. Parang pamilyar na sakin tong lugar na to. Ewan ko ba parang pakiramdam ko may koneksiyon ako dito. Parang ang tagal ko ng nakapunta dito. Basta nararamdaman ko talaga may kumakalabit sakin.
"Bakit ba?" Ako
"Tara na. Dalian mo naghihintay na sila."
Kung nagtataka kayo kung sinong sila yung sinasabi ni Mark. Well, hindi ko rin alam. Nagtataka rin ako.
"Hi Hija."
"Ohh tita? Kayo po pala."
Mama pala ni Mark. Kasama si Nicole. Bakit kasama niya si Nicole? Hindi kaya??????...
Joke lang. Business partners ata sila. Ewan ko. When it comes to business wala akong paki. Mukha kasing boring puro seyoso tao. Mukha ngang bagay ako dun. Seryoso ako minsan eeh. Oh well.
"Hi Nicole!"
"Magkakilala na pala kayo hija." -Si Tita Olive
"Yes tita. Nagkita na kami sa welcome party niya."
"That's nice."
I just smiled. Saka ko naaalala na nakapambahay lang ako. Unti unting nawala yung ngiti sa labi ko. At napatingin ako kay Mark na busy sa kadaldalan.
Napatingin naman siya sakin. Wow, lakas ng pakiramdam. Lumapit siya.
"Nice outfit" pang aasar niya.
Nandito pa nga kami sa.. ewan ko kung saan to, basta sa familiar na place. Ang dami pa namang tao na maayos ang kasuotan hindi tulad ko na pambahay lang. Tss. Okay na nga yan. hindi naman ako mukhang kaapi api sa itsura ko.
"Mark, anong meron?"
Hindi niya ako pinansin. Umalis kasi agad siya tapos biglang may kinausap. BUSINESS!
Dahil wala akong magawa. Tumingin tingin ako. Baka kako may makita akong interesting and guess what. May nakita nga ako na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Si Erwin! Omaygaaash! :">
At si Butiki. >:[[[
Hmmm. Mukhang pinagtatagpo kami ng tadhana.. ni ERWIN! Wiiiiii! :">
--------------
BINABASA MO ANG
Bestfriends. FOREVER OR NEVER?
Teen FictionWhat if may bestfriend ka na sobrang playboy? Lahat ng girls nagkakagusto sa kanya na pati ikaw pagselosan na. Tapos isang araw, humingi ng favor ang bestfriend mo na kung pwede maging kayo KUNWARI. Papayag ka ba?