Chapter 4

1.9K 75 24
                                    

"Jeon may dalaw ka." binuksan nung pulis yung selda at pinalabas ako, nung makita ko kung sino yung waiting area kumulo na naman yung dugo ko.

"Kumusta buhay, tol?" nakangiti pa niyang bati sakin.

"Tangina mo Namjoon anong ginagawa mo dito?" nagpipigil lang ako na sapakin siya kasi may mga bantay.

"Dinadalaw ka. Ayaw mo ba?"

"Putang ina mo umalis ka na."

"Dinadalaw ka na nga ayaw mo pa. Maiba ako, tol, ang sarap pala talaga ng babae mo kaya pala hayok na hayok si Jimin dun."

Nag-init lalo yung ulo ko. Puta anong ginawa niya kay Suzy? "Puta anong ginawa nyo sa kanya?!"

"Wala naman. Dinala lang namin sa langit. Maingay e di sumusunod sakin."

Nalaman nila na nagsalita si Suzy? Puta pano? "Tangina mo! Oras na makalabas ako dito papatayin kita hayop ka!"

"Kung makalabas ka. Sige una na ako pre. Salamat sa napakasarap na babae."

Tangina talaga niya.

"Anong itsura yan?" tanong agad ni Taehyung nung makabalik ako sa selda.

"May koneksyon ka ba sa labas?"

"Meron. Bakit kailangan mo?"

"Kaya ba nila akong palabasin dito mamayang gabi?"

"Mamayang gabi agad? Ano bang gagawin mo?"

"Isang araw lang naman. Hindi naman siguro mahahalata yun. May aasikasuhin lang ako sa labas."

"Sige sige kausapin ko lang yung taga labas." umalis siya at may kinausap na isa pang preso.

Wala na akong pakialam kung makulong ako dahil pumatay ako ng tao. Tangina lang yung pinaggagawa nila sa pinsan ko. Pagbabayaran nilang lahat to. Maya-maya bumalik na si Taehyung.

"Mamaya tol. Alas dose ng gabi kapag tulog na lahat." sabi niya sakin ng palihim.

"Salamat tol."

"Mag-iingat ka. Kailangan mong makabalik ng alas sais ng umaga bukas bago maginspeksyon ng alas syete."

"Oo tol."

Nung mga sumunod na oras umakto lang ako ng normal. Yun ang sabi ni Taehyung para hindi daw makahalata yung ibang mga pulis. Nung hapunan na, dinalhan kami ng pagkain sa loob ng selda. Nagulat ako nung lamutakin ni Taehyung yung kanin niya.

"Hoy sinasayang mo yung pagkain."

"Gago hindi." tapos maya-maya kinuha niya yung susi sa kanin. Puta elib ako dun a. Inabot niya sakin yung susi.

"Salamat talaga tol."

"Wala yun. Basta ingat sa mga parak tol."

Alas dies ang oras ng tulog, nagpanggap akong tulog. Aas onse y medya nung sinimulan ko nang kumilos para makalabas. At sa wakas nakalabas ako ng walang nakakakita sa akin.

Sa totoo lang, wala akong plano ngayon. Naglalakad lang ako sa kawalan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa isang tindahan at tinatawagan na si Suzy.

"Suzy..."

(S-Sino to...) halata sa boses niya yung takot.

"Jungkook."

(K-Kookie...) mukang tuluyan na siyang umiyak (K-Kookie... s-si Namjoon ginalaw niya ulit a-ako... a-ayoko na baboy na baboy na ako... b-binaboy nila ako...)

"Pupuntahan kita dyan. Buksan mo yung bintana ng kwarto mo."

(N-Nakalabas ka?)

"Mamaya ko na ipapaliwanag. Basta gawin mo yung sinabi ko."

(S-Sige.) binaba ko na yung telepono at dali-daling pumunta sa bahay nila Suzy.

Bukas nga yung bintana ng kwarto niya nung dumating ako. Nakita ko si Suzy kahit nagtatago siya sa kurtina, nagmamasid siya sa paligid. Lumapit ako at kinuha agad yung atensyon niya, buti nakita niya agad ako kaya nakapasok agad ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak.

Niyakap ko rin siya habang hinahagod yung likod niya. "Sssh tahan na Suzy."

"K-Kookie... tatlong beses na nila akong ginagalaw..." nagulat ako sa sinabi ni Suzy. Tatlo na? Ganun na karami? Putang ina talaga.

"Hindi mo sinasabi kina tita?"

Umiling lang siya. " Natatakot ako."

"Kailan nila ginawa to?"

"Pangalawa nung sinabi ko kay Jin. Palabas ako nun sa gate ng school nung may dumukot sakin... n-nagising na lang ako wala na akong damit at masakit yung parte na yun... p-pag nagsumbong daw ako uulitin nila at lalabas yung picture ko na nakahubad." Hindi ko mapigilang ikuyom ang mga kamao ko. Paano nila nagagawa to?! Wala ba siyang kapatid na babae at nagagawa niya tong ganitong kababuyan. "P-Pinakahuli yung sinubukan kong magsumbong sa mga pulis kasama si Jin, pero bigla silang dumating sa presinto at gumawa ng eksena kaya sila yung inintindi ng mga pulis doon... Nung gabi habang natutulog ako dito sa kwarto nagulat ako na nakapasok sila at ginawa na naman nila..." lumakas yung pag-iyak niya nung matapos siyang magkwento.

"Alam ba to ni Jin?"

"Hindi rin..."

Biglang nagring yung cellphone ni Suzy at halos manigas siya nung tiningnan niya kung sino yung tumatawag. "H-Hell-o..." maya-maya inabot niya sakin yung cellphone.

(Alam ko kung nasaan ka Jeon Jungkook. At alam ko rin na sinabi na sayo ng babaeng yan lahat.)

"Putang ina mo Namjoon hayop ka!!"

(Alam ko. Wag na wag kang magkakamaling magsumbong sa mga pulis.)

"At bakit?! Ako naman ang re-rape-in nyo?! Putang ina mo hayop ka."

(Yung kapatid mo lang naman. Ayos ba?)

"Putang ina mo!!! Wag mong gagalawin ang kapatid ko!!"

(Magkita tayo ngayon na. Sa gym kung saan nagsimula lahat ng ito.) tapos binaba na niya. Sa gym ng school namin kung saan ko siya pinahiya.

"Puta. Aalis ako Suzy pupunta ako sa school maghaharap kami ni Namjoon. Kapag isang oras na at hindi pa ako nakakabalik dito tumawag ka na ng mga pulis."

"S-Sige... mag-iingat ka..."

Niyakap ko ulit siya. "Aayusin ko to."


oppa :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon