Nandito na ako ngayon sa labas ng school, hating gabi na kaya madilim sa loob at nakalock. Pumunta ako sa backgate at umakyat sa pader para makapasok sa loob. Dumiretso ako sa gym, madilim din, mukhang wala namang pasok. Palabas na sana ako nung biglang bumukas yung ilaw. At kagay ng inaasahan ko nakita ko si Namjoon kasama ang isang lalaki.
“Akala ko hindi ka dadating.” Sabi niya sakin.
“Marunong akong tumupad sa usapan, gago!” linapitan ko siya para suntukin kaso naunahan niya ako ng suntok sa mukha, kaya napaatras ako.
“Masyado ka pang mabagal, ulol!”
“Tangina mo! Bakit mo ginawa yun sa pinsan ko?! Hayup ka!” sumugod ulit ako para suntukin siya. Buti natamaan ko na siya, siya naman tong napaatras, pero nabawian ako nung kasama niya.
Pinunasan niya yung dugo sa gilid ng labi niya. “A pinsan mo ba yun? Akala ko babae mo e. Pasensya na, tol.”
"Bakit mo ginagawa to?! Oo may kasalanan ako sayo pero hindi naman kailangang humantong sa ganito!!"
"Sa totoo lang hindi ko rin alam e. Napagutusan lang kasi kami."
"Sinong nag-utos sa inyo?! Putang ina sino?!!"
"Ako." may isa pang lalaki na lumabas mula kung saan kasama... yung kapatid ko.
"Yesung! Jin! Anong ginagawa mo?!"
Umiiyak yung kapatid ko. "Kuyaaaaa!! Waaaaa!! Kuyaaaaa!! Masama si kuya Jin!!!"
"Manahimik ka!" tapos sinapak niya yung kapatid ko.
"Yesung! Puta Jin bakit mo ginagawa to?! Magkaibigan tayo a!"
"Kaibigan mo lang ako, pero hindi kita kaibigan."
"Ano bang pinagsasabi mo?!"
"Nakalimutan mo na nga yata talaga."
"Alin? Mag-usap tayo ng maayos. Pakawalan mo yung kapatid ko."
"Asa. Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Dalhin niyo na to dun." utos niya kila Namjoon. Dinala nila sa kung saan yung kapatid ko.
"Saan nyo dadalhin yung kapatid ko?! Ibalik nyo siya!!"
"Sa langit lang tol." pahabol ni Namjoon.
"Jin ano ba tong ginagawa mo?! Tigilan na natin to!"
"Hindi!!" sinuntok niya ako, dumugo yung gilid ng labi ko. "Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakapaghiganti para sa kapatid ko!" sinuntok na naman niya ako, sa sikmura naman kaya napaupo na ako. "Alam mo bang pinatay mo yung kapatid ko?" hinawakan niya yung kwelyo ng damit ko. "Hindi mo alam yun, Jungkook! Hindi mo alam yun dahil gago ka!!" hindi siya nakuntento sa suntok, hinampas naman niya ako ng bakal na tubo sa likod. May lumabas na dugo sa bibig ko.
"Hi-Hindi ko alam... y-yung sinasabi mo Jin..." nanghihina na yung katawan ko.
Hinampas na naman niya ako, sa may binti naman. "Hindi mo talaga alam yun kasi lasing ka nung araw na yun!! Gusto mong maalala?! Huh?! Pwes ipapaalala ko sayo!!" binitbit niya ako palabas ng campus at isinakay sa isang kotse. "Ipapaalala ko sayo lahat! Manood kang mabuti." inistart niya yung kotse, pinaandar niya yung kotse, nakatingin lang ako sa unahan at sa kung anong gagawin ni Jin. Hanggang sa may tumawid na batang babae... si Yesung... Naalala ko na tong scenario na to. Ito yung scenario na hinding-hindi ko makakalimutan. Nangyari to 5 years ago, 13 years old pa lang ako nun, at hindi ko pa kilala si Jin.
Flashback...
"Hoy Jeon Jungkook! Anong oras na?! Madaling araw na!! Kinuha mo pa yung kotse ko!!" sigaw sakin ni papa sa kabilang linya." Anoba pa... nagsasaya huk lang ako e huk..."
"Lasing ka na naman! Diyos ko ano bang nangyayari sayo bata ka! Hindi ka naman namin pinalaking ganyan!! Umuwi ka na bago ka pa mahuli ng mga pulis sa kalsada."
Ano bang masama sa ginagawa ko? Masaya nga e. Binayaran ko na yung nainom ko at umuwi na. Lasing na ako pero alam ko pa yung ginagawa ko, medyo hilo nga lang, maayos pa nga ako magdrive. Nang biglang may batang babae na mabilis na tumawid, hindi ako nakapagpreno agad kaya nabangga siya. Puta. Anong ginawa ko?! Sa sobrang takot ko ni hindi ako nag-abalang bumaba ng kotse, pinaharurot ko yun hanggang sa bahay. Ilang gabi ako binagabag ng konsensya ko, pero ang pinagtataka ko walang pulis n pumunta sa bahay para hulihin ako.
End of flashback...
Walang pasintabing binangga ni Jin yung kapatid ko. Dinig na dinig at kitang-kita ko yung pagsalpok ng kapatid ko sa unahan ng kotse at yung pagtalsik niya sa kalsada.
"Yesung!! Puta bakit mo ginawa yun?!" tumalon ako sa bintana ng kotse dahil hindi man lang siya nag-abalang ihinto yung kotse. Tumakbo ako papunta sa kapatid ko kahit na sobrang nanghihina na rin ako gawa ng mga palo at suntok sakin.
Nakahandusay sa kalsada yung kapatid ko. Duguan siya. "K-Kuya..." ang daming dugong lumalabas sa ulo niya.
Niyakap ko ng mahigpit yung kapatid ko. "Yesung... tara dadalhin kita sa ospital..." tatayo dapat ako nung may bigla na naman pumalo sa likod ko. May lumabas na naman dugo sa bibig ko.
Dahan-dahang iniangat ng kapatid ko yung kamay niya at pinunasan yung bibig ko. "Kuya... may d-dugo..."
Pinilit ko pa ring makatayo habang buhat-buhat siya. Ang bagal ng lakad ko, hinang-hina na yung buong katawan ko. Nanlambot yung mga tuhod ko kaya natumba kami. "Da-dalhin kita sa ospital Yesung..."
"Wag na kuya..." madami ng dugo ang nawala sa kanya, namumutla na yung mga labi niya. "H-Hindi na ako aabot...kuya... M-Mahal na mahal..." sumuka na siya ng dugo. "...ko kayo ni-nila mama at papa... A-Aalagan mo s-sila ah... B-bye..." pinikit na niya yung mga mata niya. "...kuya"
"Y-Yesung... YESUNG!!!!"