Epilogue

2.6K 130 90
                                    

Suzy's POV

"Ano Jin?! Masaya ka na ba?! Okay na ba?! Naipaghigati mo na ba yung kapatid mo?! Sana naman masaya ka na! Wala na si Jungkook!! Wala na yung kaibigan mo! Wala na yung pinsan ko!!! Grabe ka! Nagawa mo pa ring mag-isip ng masama dun sa tao, samantalang wala siyang ibang inisip kundi yung kabutihan mo! Ganun ka kahalaga sa kanya yung pagkakaibigan niyo! Yung pinagsamahan niyo, pero sayo ano?! Taktika mo lang pala yun para makapaghiganti sa kanya!" hindi pa sapat lang ng sinabi ko sa kanya para maiparamdam kung gaano ako namumuhi sa kanya ngayon. Walanghiya siya! Pagkatapos ng lahat, ganito pa yung gagawin niya. Siya pala ang may pakana ng lahat ng to. 

"I know."

Iniwan ko na siya dun. Wala na akong pakialam sa kanya. Mabulok siya sa kulungan.

Isang oras na ang nakalipas nun pero hindi pa rin nakakabalik si Jungkook, kaya tumawag na ako sa mga pulis. Tumawag din ako sa school at sinabi kung anong nangyayari sa gym. Pagdating ng mga pulis sa school wala na raw doo sila Jungkook kaya lalo akong nagaalala, inikot namin yung paligid ng school, nakita namin sila sa isang street na malapit. Naabutan namin si Jungkook na nakaupo sa kalsada habang hawak si Yesung na duguan, hindi na ako nagtanong pa, nagmadali na ako na isakay sa police car at ipadala sa ospital, inalalayan ko naman si Jungkook nun na tumayo mukhang nanghihina na rin siya, ano kayang ginawa sa kanya? Nagtaka pa ako nun nung makita ko si JIn dun, pero parang ibang Jin yun, nanlilisik yung mata niya. Wala dun sa lugar sila Namjoon, kaya lalo akong naghinala. Nagulat kaming lahat nung maglabas ng baril si Jin at itutok kay Jungkook. Sinigawan siya ng mga pulis na ibaba yung baril pero hinid siya sumunod, kinasa pa nga niya ito. Ilang beses siyang sinabihan ng mga pulis na ibaba yung baril pero di siya sumusunod, hanggang sa napagdesisyunan ng mga pulis na barilin na ito sa binti para maaresto na. Pero nung babarilin na sijin biglang umalis si Jungkook sa pagkakahawak ko sa braso niya at sinalo yung bala kaya siya yung natamaan sa may dibdib. Ano ba Jungkook?! Ano bang kabaliwan yan? Bakit mo sinalo yung bala?! Argh. Dinala namin siya sa ospital. Ayon sa mga pulis, nakadroga raw si Jin nung mga oras na yun kaya ganun yung inasal niya. Dinala sa presinti si JIn at sinampahan ng kaso.

Yesung's POV

Isang buwan na mula nung mangyari yun. Nabuhay ako, nailigtas ako. Dumating nun si Ate Suzy at nadala kaagad ako sa ospital kaya naagapan. Isang buwan na rin pala yun, pero parang kahapon lang nangyari, sariwang-sariwa pa sakin lahat ng nangyari nung gabing yun. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano ako sagasaan nun ni Kuya Jin, yung mata niya nung mga oras na yun, parang hindi si Kuya Jin na kaibigan ni Kuya.

"Kuya, anong ginagawa mo dyan?" 

Hindi siya sumagot.

"K-Kuya... miss na miss na miss na kita. Bakit ba kasi nagpakabayani ka at sinalo mo yung bala ng mga pulis na dapat para kay Kuya Jin? Nakakainis ka naman eh! Ako yung nagpaalam at nagbilin sayo pero ikaw yung umalis. Ang daya mo." hinaplos ko yung lapida niya. "Pero nagpapasalamat ako na ikaw yung kuya ko. Ang swerte ko na kahit bully ka, laging kapakanan ko yung iniisip mo. Alam kong masaya ka na dyan. Mahal na mahal kita, kuya." kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko.

"CUT! Good job!" sigaw ni direk.

Nilapitan ako ng mga make up artist at staff.

"Good job, guys! Jungkook, Suzy, Yesung, JIn, Namjoon, Jimin, and everyone thank you for working hard on this film. Tama yung idea ko na gamitin yung sarili nyong pangalan bilang pangalan ng mga characters. See you sa premiere night, guys."

-END-

A/N: MINDBLOWN. SUDDEN CHANGE OF ENDING. LOL THANKS MGA NAGBASA. PLEASE READ MY TWO ONGOING STORIES.

oppa :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon