Chapter 4: Stuck with him

34 5 1
                                    

Chapter 4

Third Person’s POV

“Lolo bakit po ang dami naman atang handa ngayon?”

“Dadating ang mga magulang niyo ngayon” Parehas sa isip nila Shaun at Diana na (Buti may oras sila) pero tumango lang sila sa lolo nila

Hindi masyadong maganda ang panahon ngayon di tulad nung mga nakaraang araw na maaraw ngayon medyo madilim ang langit at parang uulan

“Hija, halika samahan mo ako sa kwarto ko may ibibigay ako sayo”

“O sige po lolo ayusin ko lang po yung lamesa susunod narin po ako sainyo” Sila sila ang nagaayos ngayon para sa salo salo mamaya dahil wala rin naman daw silang ginawa at yun ang utos sa kanila ng lolo nila. Yung mga lalaki ang bahala sa mga upuan at lamesa na bubuhatin para iset up sa pool side para maganda ang view samatalang yung dalawang babae naman ang nagaayos ng mga bulaklak at mga utensils na gagamitin nila. Hindi lang kasi pala ang magulang nila ang pupunta pati narin yung magpipinsan

“Sige Hija” Ngumiti ang matanda sa dalaga at pumunta na sa kanyang silid. Mga 10 minuto lang sumunod na ang dalaga sa kanyang lolo

“Lolo” Kumatok muna ang dalaga bago pumasok

“Apo pumasok ka na”

“Bakit po lolo? Ano po ba yung ibibigay niyo sakin?” Nagtataka ang dalaga dahil wala naming mahalagang okasyon ngayon at malayo pa ang kaarawan niya

“Umupo ka muna apo” Sinunod naman ng dalaga ang utos ng kanyang lolo

“Inutusan ko ang assistant ko na lumuwas sa Manila para kunin to para sayo. Sana pag isipan mo mabuti ang gusto mo hija hindi ka na ganun ka bata pero hindi ka parin ganun katanda para malaman ang ikabubuti ng lahat pero gusto kong piliin mo yung bagay na sasaya ka. Ibibigay ko to sayo ngayon bago pa maunahan ng magulang mo. Matalino kang bata apo sundin moa ng pangarap mo” Ngumiti ang matanda sa dalaga

Hindi maintindihan ng dalaga ang mararamdaman niya ng Makita niya yung Application form ng La Salle at Ateneo sa harapan niya. Sa totoo niyan kasi UP lang ang Application Form na kinuha niya dahil yun payag ang magulang niya ang dalawa niyang kapatid dun din nag graduate. Ang dahilan din naman kung bakit ayaw niya sa UP ay dahil natatakot siya na baka hindi siya maging ganun ka galling tulad ng kapatid niya

“Lolo sige po I’ll accept this pero I’m not sure if I’ll ever use it kasi am thinking of just following my parents”

“Sige Hija susuportahan kita pero kung ako dun naman ang tatanungin mo mas gusto ko na sa kumanya ka pero sapat na na yung pag control ng parents mo sa buhay ng dalawang apo ko ganito rin dati ang kuya Darius mo noon parang ikaw pero gusto niyo mag Medicine pero dahil siya ang panganay ay hindi maaari na hindi siya ang mag patakbo ng kumpanya at dahil din natutunan niya parin naman mahalin ang trabaho niya ngayon. Sana apo kung yun man ang mangyari mahalin mo din ang kumpanya natin.”

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon