Chapter 9
Third Person’s POV
[Andrew umuwi ka na! They are starting you figure things out.] Sabi ng babae sa kabilang linya
“I can’t. I also need to handle things for my own problems.” Pasigaw na sagot ng lalaki. Naiirita na siya sa babae dahil parang lagi nalang niyang kinocontrol ang buhay ng lalaki.
[Andrew naman! You promised me.]
“I promised you that but I told you to spare me this vacation to think things out.” Naalala ng binata ang kanyang pangako pero nagkaroon sila ng kasunduan na ibibigay niya tong bakasyon na to para pagisipan iyon ng mabuti. Papayag naman ang binata dahil meron itong isang salita. Pero wala sa kasunduan nila ang panggugulo ngayon ng dalaga
“Andrew dali baba ka na. Magbabanana boat tayo ngayon!” Masayang pag tawag ng dalaga na nasa pintuan ng silid ng mga lalaki
[But Andr-] Di na niya pinatuloy ang sasabihin ng dalaga dahil binaba niya na ang telepono dahil sa pag kainis. Ayaw na rin niya marinig ang dahilan pa nito.
Hindi alam ng binata ang nangyayari sakanya nabibilisan siya sa mga pangyayari pero masaya naman siya na hindi nagkamali ang desisyon niya na makipagkaibigan ulit kay Diana. Isang buwan na sila dito sa isla ni Lolo Bryan at meron nalamang silang natitirang 1 buwan pa at babalik na sila sa kanikanila nilang buhay sa Maynila alam ng binata na babalik nanaman lahat sa normal.
Nakadungaw lang ang dalaga sa pinto at hinihintay na lumabas ang binata para sabay na silang pumunta sa mga kaibigan nilang nasa tabing dagat na sila na lamang ang hinihintay.
Isang linggo na ang nakalipas simula ng maging malapit si Andrew at Diana. Mas lalo nilang nakilala ang isa’t isa pero may pagkakataon parin na hindi maintindihan ni Diana si Andrew. Halos lagi ang dalawa ang magkasama at naguusap.
Hindi naman na nagkakaasaran ang mga magkakaibigan dahil ang alam nila ang tingin lang ni Andrew kay Diana ay nakababatang kapatid. Ang alam din nila ay kaibigan lang talaga ang tingin dito ni Diana at wala ng hihigit pa.
“Diana tara?” Nakangiting bati ng binata sa dalaga
“Ayan lumabas ka din. Kanina pa ako dito eh.” Naiinip na ang dalaga sa binata dahil simula nung pag kababa ng binata sa telepono kanina ay nagpalit pa ito ng damit
“Sorry na” Natatawa pang sabi ng binata dahil sa itsura ni Diana na nakakunot ang noo. “Diana bakit ganyan suot mo?” Napansin ni Andrew na naka two piece ang dalaga at naka floral lang na shorts. Tinaasan lamang siya nito ng kilay niya. “Magpalit ka nga!”
“Bakit ba? Ano nanaman masama sa suot ko?” May naiirita si Diana dahil kanina pa siya naiinip tapos pag papalitin pa siya ng suot niya tsaka komportable na siyang iyon ang suot niya.
“Basta ang dami pang tanong e”
“Bahala ka diyan bababa na ako!” She even rolled her eyes on Andrew. Pero humarang ang binata sa dadaanan ng dalaga para hindi ito makababa
“Magpalit ka muna kasi ng damit” Ayaw talaga ni Andrew ang suot na damit ng dalaga
“Ayaw ko na nga bumalik sa kwarto”
Andrew’s POV
Ang kulit talaga ng babaeng to. Naiinis ako sa suot niya masyadong exposed yung katawan niya tss. Tinanggal ko T-shirt ko tapos sinuot ko sa leeg niya
“Ayan suot mo” Tumalikod na ako at magsisimula na sana ako bumaba kayalang tinawag ako ni Diana
“Andrew! Wait lang! Intayin mo ko. Eh? P-paano ka? T-topless?” Natatawa ako sa itsura ni Diana pero pinipigilan ko lang matawa. She is really still innocent kitang kita yun sa mata niya and halata na nagulat siya.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionA story about betrayal of a friend, family and someone you love. What will Diana Castillo do after finding out that all along all of the people around her are lying to her? Will she be able to forgive them? Or will she abandon them and start living...