Chapter 2

13 2 0
                                    

Bryan POV

Kasalukuyan kumakain kami ngayon ni Alexandra sa Ben's Grill ngayon dito sa mall. Nakakatuwa talaga siyang kasamang kumain kasi hindi man lang siya conscious sa diet niya, at isa iyo sa gusto ko sa mga babae.

Ako nga pala si Bryan Lim. Ang pamilya ko ang may-ari ng malalaking condo at hotels sa bansa. Only child. Pumapasok ako sa Akatchaci University na pag-aari ng matalik kong kaibigan nasi Sam Akatchaci na ngayon ay fiancé na ng unang babaeng minahal ko at nagpatibok ng puso ko na si-Alysa Buenavista.

Noong una, masakit at mahirap tanggapin pero wala na rin akong magagawa. Magkaka-baby na sila at alam kong mahal na mahal talaga nila ang isa't isa kaya nagparaya na rin ako.

Isa pa, habang tumatagal na nakakasama ko Alexandra, parang may kung ano sa tiyan ko na magwawala at parang may namumuong spark sa dibdib ko para sa kanya.

Masaya ako sa estado namin ngayon.

MU gano'n.

Hindi kami pero parang kami na rin. Nakakalito lang. Palagi kasi kaming magkasama.

Ngayon nga lang kami saglit na magkikita dahil iyong isa kong kaibigan na si John Lou Mendez, may problema sa fiancé niya kaya dinadamayan ko. Si Alexa gano'n Kaibigan niya kasi si Kushei Tsuroyashi na fiancé naman ni John.

Ang alam ko, sa condi ni Alexa ngayon tumutuloy si Kushei. Wala kasi siyang bahay dito sa Pinas. Taga japan kasi siya at mula nang umuwi dito, sa mansion na nina John tumira. Kaso ayun nga, kaka-engage lang, nag-aaway naman ngayon.

Pag-ibig nga naman, Hays! napaka-complicated. Mabuti pa kami ni Alexa, go with the flow. Basta as long as masaya kami sa company ng isa't isa. Ayos na iyon. Saka na iyang Lovelife na iyan.





❤❤❤❤❤❤❤
To be continue..

Secretly In Love (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon