Well, well, well, itong chappie na ito medyu mataas hahahahaha.. Aabangan nyo po sana at this time 3 palang yung nag reread myghaad! hahahaha bago kasi e’
Lovely Author
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤xandra/Alexandra POV
Natapos na kaming kumain, Grabe. Hindi man lang ako maka-react. Na-OP ako sa kanilang dalawa. Ang dami nilang sinasabi at kinuwentohan, pagkatpos ako taga tango lang at taga tawa. tsk.
Sarap batukan ni Bryan, eh. Yayain ba naman ako ng DATE!! pagkatapos dalawa kami? baliw ba siya? Tss. Nakakainis. Excited pa man din ako kanina. Aaaaaah!! -.-
“Restroom lang ako sandali” paalam ni Bryan, saka tumayo na pumunta ng cr.
Napatingin ako kay Ynna na ngayon ay nakataas ang isang kilay. Ano na naman kaya ang iniisip ng isang ito, eh. Kakanina lang na nandito si Bryan ang bait-bait or should I say mala anghel. pfft! ‘Problema ng babaeng ito?’ Di ba, dapat ako nga ang magtaas ng kilay dahil date namin to ni Bryan. Pero ano?? Nandito siya, panira.
“Magkaibigan lang ba talaga kayo ni Bryan?” mataray na tanong niya sa akin. Teka-teka kakanina ang bait-bait, tapos ngayon? tatarayan ako? Baka di niya alam na kaya ko ring magtaray. psh.
“Yeah”Sabi ko
“Oh, really? Kung titingnan kasi kita, hmmp. Pakiramdam ko may feelings ka for Bryan.”Sabi niya.
“It’s up to you kung anong iniisip mo.”deretso kung sabi sakanya.
“Oh, I see. but, there’s one thing I can say to you. Di ko masasabi na babagay ka kay Bryan. Masyado siyang gwapo para saYO.”May diin ang pagkasabi nya sayo.
Whaaaaat!!? Anooong sabi niya?? Pigilan nyo koooo.. Sasabunutan ko na tong hinayupak na babaeng to’..
“Oh? Really? Okay. If that’s what you think. Tingin ko rin kung ikaw....? Mas Lalong hindi bagay sa kanya.”tumawa pa ako pagkatapos. Akala niya hindi ko siya papatulan? Well, Pagkatapos niya akong insultuhin? Sino ba siya para sabihing hindi ako nababagay kay Bryan?
“Whaaat?"pfft. napapigil talaga ako sa itsura niya hahahaha... grabe.
“Kung titingnan ko rin kasi, parang may romantic feelings ka rin towards Bryan”mataray na sabi ko. Akala siguro niya di ko napapansin? Childhood friend, pwe! Halata namang may gusto siya kay Bryan. Impostora!
Sasagot pa sana si Ynna pero, dumating na si Bryan.
“Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nyo, ah?Okay 'yan. Mukhang nagkakasundo kayo” naka ngiting sabi niya.Magkakasundo!? Seriously!? Hindi na lang ako nagsasalita. Sira na ang araw ko dahil sa Ynna na iyan. Tss. Akala mo kung sinong anghel kapag nasa harap si Bryan, may pagkademonyita rin pala.
“So, Let’s go girls? Pasyal muna tayo?”pagyaya ni Bryan.
Watdafudge ka, Bryan. Sarap mo ipakain sa buwaya. Nakakainis. Ano!? Two timer? parang ganun. Makikipagdate man lang sa dalawang babae pa!!? Unbelievable.
Kahit pa sabihing kaibigan niya lang yan, naiinis pa rin ako. Lalo na ugali at mas lalo na ngayon na ang init ng dugo ko sa babaeng iyan. Ha-highblood din talaga ako niyan. Naku! jusko, wag naman sana.
“Ah- Bryan kayo na lang. May pupuntahan pa kasi ako” sabi ko. Siyempre nagsisinungaling lang ako wala naman talaga akong pupuntahan. Ayoko lang sumama sa kanila. Tssk. Baka ano pa ang magawa ko sa babaetang yan. Porket nandito si bryan magbait-baitan tssk.
.
.
.
Dahil wala naman talaga akong gagawin, dumeretso na lang ako sa Akatchaci Mansion. I visit my bestfriend, well si Alysa na soon to be Mrs. Akatchaci. Dito na kasi siya nakatira sa mansion ng fiancé niya, and guess what? She's pregnant and i'm so happy for her.
“Ma’am Alexa, sandali lang po. Tatawagin ko lang ho, si Ma’am Alysa.” Sabi ng katulong
Kaya agad akng lakad papunta sa sofa. Ilang beses pa lang akong nakakapunta dito, eh.
“Beeeesssh!!” Grabi ah? nakakagulat promise hahahaha!! Baliw talaga iyang bestfriend ko psh.
“Tssk. Wag ka ngang sumigaw. Baka nakalimutan mo, buntis ka! BUNTIS. Besh” paalala ko at may diin na pagkakasabi ng buntis hahahaha..
Agad akong nagulat ng yumakap agad siya sa akin.
“I miss you, besh!” Alysa.“I miss you, too. So kumusta ang beshy ko sa pagbubuntis?” tanong ko. Sabay kaming umupo sa couch.
“Okay naman. Nagsusuka pag-umaga. Siyempre, naglilihi.” Pilosopo pa rin kahit kailan -,-
“I know. It’s natural na maglihi ka, buntis ka, eh! Tssk. How's the preparation for your wedding?” Malapit na kasi silang ikasal so that's why. Sa pagkaka alam ko, one month nalang ikakasal na sila ni Sam Akatchaci. Ang anak ng may-ari na aming pinapasukan na paaralan, ang AU.
“Okay naman. Oo nga pala, tamang-tamang. I have something to tell na ikaw ang gagawin kong maid of honor. Alam mo ma, Beshy kita at ikaw ang pinakamalapit sa ‘kin.” Sabagay wala nga palang family si Alysa.
Teka..“Bakit hindi si Gea? Diba, Half sister mo siya?” Ang galing nga ng destiny kasi iyong hal sister niya ay dati niyang karibal kay Sam.
“Eh, bridesmaid na lang siya kasi mas close kita, eh.” Alysa.
“Sige na nga,” Sagot ko
❤❤❤❤❤❤❤
To be continue.

BINABASA MO ANG
Secretly In Love (ONGOING)
Teen FictionMahirap mag-assume ng isang bagay na alam mong walang nararamdamang special para sayo na kahit ano pang ipinakita mo sakanya, kasweetan, kabaitan sa kanya, wala kang karapatan mag-demand ng kahit ano. Walang karapatan mag selos at magreklamo. Dahil...