Alexandra POVKararating lang nami ni Bryan sa restaurant. Italian Restaurant to be more specific. Sinundo niya ako kanina sa mansion and guess what? He's really handsome in his jeans and white printed shirt. Kahit anong suotin niya bagay talaga sakanya kahit simpleng attire lang.
Inalalayan niya akong umupo. Napansin ko lang, pang-apatan na tao ang pinili niyang table. Hmp. Never mind, gusto lang siguro niya ang maluwag.
Pero, kapag niyayaya niya kasi akong lumabas, laging pandalawahan lang.
Hmm, Bakit ba pati mesa iniisip ko pa?? Aissh.
“Sandali lang, Alexa, ha? May hinihintay pa tayo.” Sabi ni Bryan na kaharap ko sa mesa.
“Sure” nakangiting sagot ko.
Basta kasama ko siya, never naman akong nainip kahit wala kaming ginagawa. Kahit nga magtitigan lang kami, okay lang, Busog na ako non. Hahaha. Korni ko, shemaay.“How's kushei?” tanong niya.
Oo. nga pala, hindi pa rin okay ang kaibigan naming magfiancé.“Ando’n pa rin sa condo unit ko. Pinupuntahan ko naman siya pero sabi niya gusto niyang mapag-isa. Naaawa na nga ako sa kanya. Sana maging okay na sila ni John.”sabi ko. Alam kong wala ako sa lugar para magsalita nang masama pero damn that JohnLou!! Masyado na niyang nasasaktan si Kushei.
Clueless nga kami about their problems. Ayaw kasing sabihin. Masayado raw confidential.
“Tch. Hanggang ngayon, hindi rin sinasabi samin ni John, kung ano ba talagang dahilan ng pag-aaway nila. Alam kong mabigat na problema yon”Sabi niya.
Tumango ako. “Oo. nga, Sana talaga maging maayos na sila”.
Kriiiinngggggg...
Tumunog ang phone ni Bryan na nakapatong sa lamesa. He immediately answer his call.
“Hello” sabi niya. Napansin ko ang pagngiti niya. “Okay okay”
Pinutol na niya ang tawag, sa tumingin sa akin.
“She's here. Susunduim ko lang siya sa labas ng restaurant. Wait a minute.”Paalam niya, saka tumayo na.
Teka nga, ano’ng sabi niya?? SHE'S HERE? Sino iyon?
Medyo napaisip tuloy ako kaya nakatingin lang ako sa entrance. Inaabangan ko ang pagpasaok ni Bryan kasama ang sinasabi niyang susunduim niya sa labas.
Ayan na sila. They are laughing with each other. Habang papalapit sa mesa kung saan ako nakaupo.
Who the hell is she? Wala akong ideya. Hindi siya pamilyar sa akin o kung ano. Pero aminin ko man o hindi, isa lang ang masasabi ko.
She’s like an angel. She’s really beautiful in her black halter dress.
Nangmakalapit na sila sa table ay inalalayan niya ang babaeng umupo sa tabi niya. Bale kaharap ko silang dalawa.
“Alexa, meet my childhood friend, Ynna Soluverez” childhood friend?
“Ynna, si Alexandra Montenegro, for short Alexa my friend” Pakilala ni bryan. He already said that he like me pero friend lang ang pakilala niya sa akin. Masakit<|3
“Hello, Alexa. Nice meeting you” Nakangiting bati ni Ynna at inilahad ang kamay niya.
Nakipag-shake hands naman ako.
“Hi. Nice meeting you.” ngumiti ako ng may pagka-ilang.Sige, sabihin na nating childhood friends sila, pero, bakit? parang ang bigat sa pakiramdam na may halong inis! Ay, ewan. I better enjoy this date. Date na akala ko kami lang.
Disappointed.
“I haven’t mention her to you, Alexa. Kagagaling lang kasi siya sa States. Don na kasi siya nag-aral mula nong elementary. We’re neighbors dati sa isang subdivision that’s why we’re really close. Ngayon lang siya uli bumalik dito sa Pinas” kuwento ni Bryan.
Honestly, pinipilit ko lang makinig, kahit labag sa loob ko ang totoo, hindi talaga ako interesado. Nagseselos ako. Aish!
“Yeah, pero we keep in touch naman kami ni Bryan. Sometimes, binibisita niya ako sa States. He's so sweet, isn't it?” ynna said.
“Yeah, right.” I smiled bitterly.
Tsk. Ano ba? Nagkukuwento ba sila o pinagseselos lang nila ako? Mas mabuti pa sana sila na lang ang nag date, psh! ‘di ba? Bahala na nga si batman basta bitter ako.
“Bytheway, mahaba pa ang oras para magkuwentuhan. Um-order na kaya tayo”Sabi ni Bryan, saka ako inabutan ng menu pati si Ynna.
Psh! May sinabi ba akong gusto ko makigkuwentuhan sa Ynna na iyan!? Like damn. Naiinis talaga ako? Bakit ang bitter ko? Nagseselos ako? Tss. Malamang dahil mahal ko si Bryan at kung mahal ko siya, malamang NAGSESELOS AKO.
Tumahimik na sila. Ako rin pero, ang aura ko? alam kong iba na. Para tuloy akong nababalutan na black aura ngayon. Mabigat talaga sa pakiramdam ko sa babaeng ito. Hindi ko intensiyon na ganito ang maramdaman ko. Kusa lang, eh.
Wala akong magagawa. Damn.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤
To be continue.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love (ONGOING)
Teen FictionMahirap mag-assume ng isang bagay na alam mong walang nararamdamang special para sayo na kahit ano pang ipinakita mo sakanya, kasweetan, kabaitan sa kanya, wala kang karapatan mag-demand ng kahit ano. Walang karapatan mag selos at magreklamo. Dahil...