Seventh Seduction

353 9 10
                                    

Give You What You Like

Mabibilis ang mga hakbang na ginagawa ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Oh, gosh… I hope they won’t notice me yet. Baka hindi pa ako nakakalabas sa building na ‘to eh, nakaladkad na ako pabalik sa unit na iyon.

Muntik pa nga akong naihi kanina nang sinulyapan ako ng isa sa dalawang nagbabantay sa labas ng unit. Goodness! Iniisip ko pa lang na naihi ako sa mismong harap nila, doble ang kalbaryo ko—first, sa kahihiyan, and second, the chance to escape might slip away. I don’t want that, really. It’s too embarrassing. Baka maging cause of death ko pa iyon—Kakahiya!

I made my way to  a comfort room para magpalit ng damit. Sa pagkakaalam ko kasi ay nagpapalit pa ng damit si Janice bago tumuloy sa susunod na trabaho. I sighed. I am really sorry, Janice. Talagang desperado na akong makaalis.

Bitbit ang mga gamit ni Janice ay pumasok ako sa comfort room at nakabihis na nang makalabas. Sinuot ko ang jacket na dala nito sa bag at zi-ni-pper iyon hanggang leeg. Binago ko rin ang style ng buhok ko kahit na nakabuhaghag lang. at masakit mang isipin kung ano ang itsura ko sa mga oras na ito ay inaaamin kong nagpaka-jologs ako. Emo na kung emo, laban lang! Alam ko kasing pinag-bigay alam na ni Emran sa lahat ng empleyado ditto ang tungkol sa’kin.

Fortunately, hindi naman ako napansin ng guard nang tuloy-tuloy ang labas sa condominium building. Agad akong nakapagpara ng taxi at sumakay. Kahit na kinakabahan pa rin ako, medyo nabawasan nang kaunti. All I have to do is to leave without traces but I know Emran can do anything to find me.

Hindi pa man nakakalayo ang taxi na sinasakyan ko ay nakita ko sa side mirror ang pagdating ng pamilyar ng kotse. It wasn’t the usual car na ginagamit niya kapag umaalis siya ng kumpanya or pumupunta ng meetings but I know it was his. Ako ang pumili ng kotseng ‘yon nang binili niya. Napalingon ako at nakumpirma ko ngang kaniya iyon. Umibis siya ng sasakyan at tuloy-tuloy na tinungo ang entrance ng building pero sandali itong napahinto sa paglalakad at lumingon direksyon ng taxi na sinasakyan ko. Kaagad akong umayos ng upo. Feeling ko nakita niya ako pero imposible naman iyon, diba?

Pinilig ko na lang ang ulo ko. Baka magkakatotoo nga kung patuloy kong iisipin ‘yun. Ang importante ngayon ay makapunta ako sa building ni Kuya. Alam kong malapit na magkaibigan ang dalawa but I know Kuya. I’m more important to him. Hindi niya ako kayang matiis at gagawin niya lahat kung kinakailangan for my sake. Goodness, I’m very lucky to have a brother like him.

Pumara ako sa namataan kong ukay-ukay. Thankfully, may naitago akong pera sa mga gamit ko nang iconfiscate lahat ni Emran. Mas lalo lang akong magiguilty kapag pati pera ni Janice ay ginamit ko pa kaya naman iniwan ko na lang doon sa kaniya. Sinuksok ko sa suot niyang pantalon. I can’t help it. Talagang hihilingin ko kay kuya ni kuhanin niya si Janice. Alam kong sesesantihin ni Emran si Janice sa mga oras na ito. That ruthless bastard!

Pagkatapos kong makagpagbihis ng binili kong mga damit ay umalis na ako sa lugar pero dumaan ako sa likod ng tindahan. Plano ko sanang itapon na ang mga damit ni Janice na ginamit ko pero naisip kong baka may sentimental value ang mga ito kaya hindi ko tinuloy. Isa pa, baka matunton ako dahil nakapag-iwan ako ng trace.

Hindi na ako sumakay ng taxi at sumakay na lang ng jeep at tricycle hanggang sa makarating ako sa kumpanya ni Kuya. Tuloy-tuloy akong pumasok. Since kilala ko si Manong Raul, iyong guard na nakatoka ngayon, ay hiningan ko na lang ng favour na huwag sabihin kahit kanino na nagawi ako rito. Tuloy-tuloy ako sa sa floor ng opisina ni Kuya. I found Sasha doing her job. Napalingon naman ito sa’kin at ngumiti. Humingi ng paumanhin na ayaw magpa-istorbo ni kuya.

Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay hindi na ako magpupumilit pero desperado akong makita siya so I made my way to his office not minding Sasha. Sinusubukan niyang pigilan ako sa pagpasok but too late, I’m in. I even heard kuya na sabihan si Sasha. Nainis ako. Kuya would let me in no matter what, ano ba!

Give You What You LikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon