Fourth Seduction

397 7 2
                                    

Give You What You Like
(7 years later)


Ang dami kong what if na tinatanong ko sa sarili ko pero lahat naman yun ay nasasagutan ko ng 'baka.' Possibilities. Kinokontra ko ang lahat ng what ifs ng possibilities. At ang malaking 'what if' sa buhay ko ay si Emran. Siya rin lang ang malaking 'akala ko' sa buhay.

Itong puppy love ko sa kaniya, hindi ko na kayang ihandle pa at gusto ko nang makawala dito.

I sighed.

Inisip ko lahat ng factors kung bakit hindi siya mawala-wala sa sistema ko:

First, he is kuya's bestfriend and being kuya's bestfriend, he has an easy access in my life. And that's the reason kung bakit hanggang ngayon, narito pa rin ang puppy love ko na to.

Second, he's like a mushroom. Sumusulpot sya kung kailan ayaw na ayaw ko siyang makita. At hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o talagang nagkataon lang.

Third, this one has caused a big change between us. On that night, I gave in and lost the thing I took care for the long time. On the other hand, nagpapasalamat na rin ako at sa kaniya ko naibigay. Mas mabuti na iyong sa kaniya ko naibigay at hindi sa mga may sa hudas na kasama namin.

Fourth, this secret relationship. No, it's not romantic if that's what you're thinking.

He is not the romantic one, anymore. Since that day, he changed. What happened between Emran and that girl is a long story and made him changed in a way that he is now. Though the Kuya Emran I know is still there minus na lang sa aming dalawa. Nilayo niya ang sarili niya sa mga babae and i am not an exception at hindi siya lalapit sakin if not necessary. I hate that part.

Ang tanga ko lang dahil nag-assume ako after I lost my virginity to him. Kahit alam kong ako ang magiging kawawa sa huli ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong umasa. At first, I tried to stop myself to assume pero kapag pinipigilan ko, lalo lang lumalala ang feelings ko.

---I should stop thinking about Emran. Goodness! I have lots of test papers to check!

Tumigil muna ako sa pagchecheck ng mga testpaper at hinilot ang sentido. I then leaned back so I can relax. Haaaay! Medyo gumaan sa pakiramdam nang magstretch ako. My job is not as easy as what they think it is. Hindi lang basta pagtuturo sa mga bata ang pagiging teacher. Nagsisilbi kang pangalawang ina sa kanila.

Kinuha ko ang phone kong katabi lang ng laptop nang tumunog yun. Emran texted me. Pagkabasa ko ng text ay dinelete ko iyon. hindi pa ako nakuntento dahil tinurn off ko ito at kinuha ang battery. I know he will call me.

I made it clear last night. I've had enough and last night was the last. Ayoko na. Nakakapagod.

I should have done that long time ago. I am a respected teacher yet I let him---ugh! Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko.

Agad akong napatingin sa isa ko pang phone. Napakunot ako ng noo dahil sa ringtone niyon. Seriously, bakit 'Just So You Know' ang ringtone ko?! Isinantabi ko muna ang ringtone at tinignan kung sino ang tumatawag.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang numerong tumatawag. Hindi ko na kailangang hanapin sa phonebook ko ang nagmamay-ari nito dahil kabisadong-kabisado ko ang numerong ito. P-paano niya nakuha ang isa ko pang number?! Emran! You're unbelievable!

Hindi ko sinagot ang tawag bagkus ay pinatayan ko siya ng phone tulad nang ginawa ko noong una. Tinanggalan ko na rin ng battery. Damn! I hate him!

Give You What You LikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon