First Seduction

817 9 1
                                    

Give You What You Like

"Gusto mo pa ng isa pa?" Tanong sakin ni kuya. Naubos ko na kasi ang ice cream ko at kay kuya hindi pa. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kaniya.

Tumango ako. Gusto ko! Gusto ko pa!

Ngumiti siya. "O heto. Sayo na." Todo ngiti ko kasi may isa pa akong ice cream. Agad ko yun kinuha at kinain.

Hinihimas ni kuya ang buhok ko habang kumakain ako ng ice cream. Dito kami nakaupo sa labas ng bahay. Rinig ko kasing sabi ni nanay kay kuya, bantayan niya raw ako kaya dito kami nakaupo.

Hindi ko alam kung bakit dito kami sa labas pero natutuwa ako kasi nakikita ko ibang bata naglalaro.

Gusto ko rin maglaro!

"Dale!" Lumingon si kuya kaya napalingon na rin ako. Si kuya Emran, tumatakbo papunta sa amin.

"Tara, laro na tayo." Sabi niya nung nasa harap na siya ni kuya.

"Walang magbabantay kay Chiki " sabi ni kuya kaya napalingon sa akin si kuya Emran. Nagpunta siya sa harap ko tapos yumuko siya para pantay na kami.

"Diba good girl ka, Chiki?" Tanong ni Kuya Emran sakin. Tumango ako kaya ngumiti siya. Ngiti na rin ako kasi nagsmile siya. "Huwag kang aalis dito. Bibilhan pa kita ng ice cream." Sabi niya kaya mas lalo akong nagsmile. Yehey! May ice cream na naman ako.

Give You What You LikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon