CHAPTER ONE
Present time...Malayang dinama ni Ayara ang banayad at malamig na dampi ng hangin sa kanyang balat.Nanunuot na sa balat ang lamig ngunit ayaw pa rin niyang isuot ang dalang jacket. Papahapon na kasi kaya ramdam na ramdam na sa buong siyudad ang ginaw.
Mag-iisang linggo na siya sa siyudad ng Baguio. How long she plans to stay there? Only time can tell.Right now,all she wanted was to forget about all the things that connects her to her fiancé.
Dead fiancé.
Ayara took a deep breath.
It's been three months since she lost Keith and yet the whole thing felts like it only happened yesterday.
Inagaw ang kanyang nobyo ng kamatayan sa kanya bago pa man sumapit ang araw na pinakahihintay nila,ang kanilang kasal.
Wala siyang ibang sinisisi kundi ang iresponsableng driver ng truck na bumangga sa kotse ng binata habang pauwi ito pagkatapos ang laro ng Voltures, ang koponang kinabibilangan laban sa Skywalkers.His supposed to be last game as he promised her.And yes it was. Because Keith can no longer play on the hard court for-ever.
She could still vividly remember how miserable her life was during those remaining moments she spent with him, watching him through the mirror of his expensive coffin. Napakasakit niyon sa kanya.The day they buried him was the day her heart died it became almost impossible for her to go on living the next day.Mabuti na lang at naroon si Rodilyn at ang mga magulang niya na lumuwas pa mula La Union para siguruhing ipagpapatuloy niya ang buhay na.
She survived,somehow.
After a month of grieving over her lost, Ayara decided to go on a vacation.Go somewhere far from Manila upang takasan ang lahat ng bagay na nakakapagpaalala sa kanya sa yumaong kasintahan.
Ayaw na niyang makita ang pagkaawa sa mata ng mga kaibigan nila.Pagod na siyang tratuhin ng mga ito na para bang siya na ang pinakamahinang tao sa mundo na dapat laging alalayan at libangin.
That's when she thought, she needed a new environment for her resurgence and Baguio seemed to be the perfect place to go to.
Not long after that,she left her Ayara's boutique in the hands of her bestfriend and hibernated herself in the cold city of pines.
"Kayat mo dayta nakkong? Twenty five pesos lang" ang boses ng tindera ng mga souvenirs ang pumutol sa daloy ng mga ala-ala sa isip ng dalaga.
Nagtatakang napaangat ang tingin niya dito.
Kaagad namang itinuro ng matandang babae ang key chain na kanina pa pala niya hawak-hawak.
"Oh"
Dumukot ng pera sa kanyang bag ang dalaga at iniabot iyon dito.
"Bakasyunista ka anya?" tanong ng matanda sa salitang iloko.Sa halip na mainis si Ayara sa katabilan nito,ngumiti lang siya at tumango.
"Nagpintas nga balasang,apay ngata nga kasla malmalday?" narinig pa niyang bulong nito habang nakangiting nakatingin sa kanya.
"Salamat po sa papuri" mahinang pasasalamat niya na ikinapamulagat ng mga mata nito.
"Naku ineng, nakakaintindi ka ng salitang iloko?" ang tanong.
"Opo,taga-La Union po ako" sagot niya habang isinisilid sa bag ang key chain.
Napatango-tango ang kaharap.Nang may lumapit na mga kabataan at nag-usyuso sa mga paninda nito ay pasimpleng lumayo doon si Ayara.
How she wished her life was just as simple as that of the old woman. Kahit simple lang ang pamumuhay nito ay halatang kuntento na ito roon.Samantalang siya na anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa La Union ay heto at nag-iisa,nalulungkot at nangungulila sa isang taong alam niyang hindi na muling babalik pa sa kanya.
Muli,naramdaman na naman ni Ayara ang pag-antak ng sugat na hindi pa naghihilom sa kanyang dibdib.
Sa nagdaang tatlong buwan mula nang mamatay ang nobyo ay malaki ang ipinayat niya.She barely sleep at night, spending her time sitting at the dark corner of her room.
Somehow, she knew she had to stop but her loneliness never allowed her to.The harder she tried to forget,the wicker the memories had become.
Keith was her first love, her first boyfriend. Graduating na silang pareho sa college nang magkakilala sa birthday party ng kaibigan niyang si Rodilyn. They instantly liked each other.Since then, naging constant date niya ang binata hanggang sa manligaw ito sa kanya at maging sila.
He had been an ideal boyfriend to her and she knew he loved her so much as much as she loved him.
"Hey, watch out!"
Nagulat na lang si Ayara nang maramdaman ang paglutang sa ere. Sa pag-aakalang babagsak siya ay mariing ipinikit ng dalaga ang mga mata at hinintay ang paghampas ng katawan sa konkretong kalsada.Ngunit sa halip na ang pagkalamog ng katawan ang kanyang maramdaman ay solidong mga kamay ang naramdaman niyang humapit ng mahigpit sa kanyang baywang.
What's happening?
It took her another minute bago sumuot sa kanyang isipan ang nagaganap.
Someone had just swept her off her feet!
Lito ang isip na kaagad nagpapalag ang dalaga.
"Hey, what are you doing?!Put me down!" utos niya sa pangahas na lalaking may buhat sa kanya nang matagpuan ang boses.
Nang hindi siya ibaba nito ay kinabahan na ang dalaga.
Oh, My God!Kinikidnap siya!
"Ibaba mo ako, walanghiya ka! Help!Help!" nagsisisigaw ang dalaga habang pasan pasan siya ng kidnapper niya.
"Tumigil ka kundi bibitawan kita dito sa gitna ng kalsada!" bulyaw ng malaking "mamaw" kay Ayara.
Aba't?! Nagalit?
"Kinikidnap ako!Tulong!" sigaw pa rin niya na hindi pinansin ang pambubulyaw ng lalaki.
"Tumigil ka sabi!" pasadlak na ibinaba siya nito nang nasa gilid ng kalsada na silang dalawa pagkatapos ay galit na bumaling sa kanya.
Ang lahat ng masasamang salita na gustong ipaligo dito ni Ayara ay nakulong sa lalamunan niya nang makaharap ang kanyang "abductor".
YOU ARE READING
Loving Miss Damsel In Distress
Mystery / ThrillerAyara left Manila and hibernated herself in Baguio.Leaving her wounds behind,she's bound to get another. Rage de Silva was on a chase.Chasing the Damsel in Distress who had caught his elusive heart years ago. In the course of fulfilling his mission...