CHAPTER SIX
“Meet me outside when you’re done” malamig na sabi ni Rage kay Ayara nang lampasan siya nito habang nagkakape.
Tango lang ang naging kasagutan ng dalaga na bahagyang nasaktan nang hindi man lang siya tapunan ng tingin ng lalaki.
Ilang araw nang ganoon ang pakitungo sa kanya ng binata ngunit hindi pa rin siya masanay-sanay.Kung kailan ito umiwas sa kanya ay saka naman niya hinahanap-hanap ang mga pag-aalala nito.Ang kaarogantehan nito…ang iilang mga sandaling nasisilipan niya ang mga mata nito ng emosyong ayaw man niyang aminin ay nagpapataba sa kanyang puso.
Somehow, she knew she must have to get use to his coldness.Para sa kanya ay mas madali niyang pakibagayan iyon kaysa sa damdaming ginigising ng lalaki sa kanyang kaloob-looban.
Ngunit hindi niya kayang pigilin ang sarili na hindi makaramdam ng hinanakit tuwing pormal lang sa kanya ang binata.
At nagui-guilty siya.Pakiramdam niya ay nagiging taksil siya sa ala-ala ni Keith.
‘Convince me more’ tila naririnig ni Ayara ang paghamon ng maliit na boses na iyon sa kanyang kaloob-looban.
Naipilig ng dalaga ang ulo.Bakit pati ang sariling konsensya ay hindi na rin yata niya kayang kumbinsihin?
Pagkahugas ng pinagkapehan ay agad nang sumunod ang dalaga sa labas.
“What took you so long?” salubong ang kilay na tanong kaagad ni Rage paglapit niya.Naroon ang pagkabagot sa guwapong mukha nito.
“I’m sorry” mahinang paumanhin ng dalaga, kagat-labi.
Bagot na tiningnan lang siya ng lalaki pagkatapos ay may iniabot sa kanya. Napatingin si Ayara doon.Baril.
“Ano ito?” tanong niyang nakakunot ang noo.
“Ano ba sa tingin mo,bato?” pabalang na tanong ni Rage sa kanya.Dahil doon ay namula ang mukha ni Ayara sa pagkapahiya sa lantarang pambabara nito. Ngali-ngaling kutusan niya ito ngunit nagpakatimpi timpi pa rin siya.
Kung gusto siya nitong pagsupladuhan, fine.
“What I mean is,bakit ang baril na iyan?” nagpapakahinahong muling niyang tanong.
Ilang sandaling hindi tumugon ang binata.Pagkatapos ay pabuntong hiningang lumapit ito ng bahagya at mataman siyang tinitigan.
“You need to learn how to use a gun, Ayara” sabi nito sa mababang tono.
“Do I have to?” she asked innocently.Di ba at tinuruan na siya nito ng martial arts,bakit pati iyon ay kailangan pa niyang matutunan?
“Yes.Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay naroon ako o ang mga tauhan ni Levis para iligtas ka.We will secure a license for you to carry a gun.That way,puwede mong dalhin ito kahit saan” mahinahon na nitong paliwanag sa kanya at bahagyang nabawasan ang kapormalan.
“Kailangan pa ba talaga ito? Ganoon ba talaga kananganganib ang buhay ko?” muli niyang tanong.The thought of having a gun for security is fine with her.But the thought of firing it to kill someone is very far from her dream.
“Bakit, duda ka pa ba? Paulit-ulit na lang tayo,eh.Ayara listen to me,wala tayong alam sa kung ano ang kayang gawin ng killer.Pero sana,hangga’t hindi natin natutuklasan ang kanyang pagkatao ay ipinakikiusap ko sa iyo na huwag kang basta basta magtitiwala sa kahit sinong tao.Ke kaibigan mo o simpleng kakilala lang” medyo naiinis na namang paalala nito sa kanya.
“Bakit?”pang-iinis niyang lalo dito,inabot ang baril at sinipat-sipat iyon habang tinatantiya ang bigat. Dinagsa ng tuwa ang dibdib ng dalaga.At least,kahit na pinagsusungitan siya ng binata,ang mahalaga ay kinakausap siya nito.
You’re losing it, Ayara. Get a grip.
“Bakit?” gagad nito sa kanya. “Hindi mo ba naisip na puwedeng nagkukubli lang ang killer sa mga iyon? Na puwedeng isa sa mga iyon ang pumatay sa nobyo mo?” sagot nitong bahagyang bumigat ang tono sa huling binitawang salita.
Nobyo mo…
Parang pumutok na lobo sa bilis na nawala ang tuwang naramdaman ni Ayara kanina. Bakit ba kailangan niyang masaktan dahil lang sa insinwasyon ng dalawang katagang iyon? Nababaliw na yata siya!
“Okay” pagsang-ayon na lang ng dalaga.
“I am ready” she said without looking at him. The more she look at him,the weaker her defenses are going to be.
Ilang sandali pa ay abala na sila sa pagsasanay.Habang nagpapaliwanag at nagdedemonstrate si Rage ay pilit namang inaabsorb ng kanyang utak ang lahat ng mga sinasabi nito. Kahit na pormal ito sa kanya ay ipinangako na lang niya sa sariling huwag masyadong dibdibin iyon.
Masasanay din siya.
Itinuon na lang niya ang kanyang buong atensyon sa mga itinuturo nito sa kanya.
“Pagod ka na ba?” minsan ay tanong ng binata nang lapitan siya habang nag-eensayo. Hindi niya inaasahan iyon kaya bahagya siyang natigilan lalo na nang mapatingin sa mga mata nito.
Was it fondness she saw in his eyes?
“Y-yeah” medyo nabulol na pag-amin ng dalaga.Medyo nangangawit na nga ang kanyang kamay.May kabigatan din kasi ang kalibre 45 na hawak niya.
“Sige, magpahinga ka na muna.Bukas na lang ulit” kaagad na bumalik ang kapormalan ng binata. Pagkatapos kunin sa kanya ang baril ay iniwan na siya nito.
Marahas na napabuga ng hangin si Ayara.
Sala sa init sala sa lamig si Rage.
Sa araw na araw na pagsasanay nila,hindi miminsang nasilipan niya ang binata ng pag-alala sa kanya.Kapag naman nagiging maayos ang usapan sa pagitan nila ay nabibigla na lang siya at nagsusungit na naman ito.
Minsan natutukso na siyang tawirin ang di nakikitang pader na iniharang ng binata sa pagitan nila. Ngunit hindi niya gagawin iyon.Inirerespeto niya ang kagustuhan ng binata.
Kaya lang minsan ay nahihirapan na rin siya.
The more Rage tried to avoid her,the closer she wanted to reach him. At doon niya hindi maintindihan ang sarili.Hindi ba at kaya nito piniling ilayo ang sarili sa kanya ay dahil iyon ang kahilingan niya at para na rin sa ala-ala ni Keith?
‘And Keith is dead, basically, your commitment to him ended the day he died’ kontra ng isip niya.
Somehow she knew that was right.At hindi miminsang gusto niyang aminin sa sarili na ginagawa na lang niyang alibi ang katotohanang iyon upang pagtakpan ang totoong nadarama.
YOU ARE READING
Loving Miss Damsel In Distress
Mystery / ThrillerAyara left Manila and hibernated herself in Baguio.Leaving her wounds behind,she's bound to get another. Rage de Silva was on a chase.Chasing the Damsel in Distress who had caught his elusive heart years ago. In the course of fulfilling his mission...