CHAPTER SEVEN
Ayara woke up with the feeling of being watched.Napalikwas ng bangon ang dalaga at mabilis na kinapa ang baril sa ilalim ng unan.
Kaagad na naglimayon ang kanyang mata sa lahat ng sulok ng silid ngunit wala naman siyang makitang tao.
Saglit na tinapunan ng dalaga ng tingin ang table clock.
Alas dos.
Naipilig ng dalaga ang ulo.Napaparanoid na yata siya.
Ipinasya ng dalagang bumalik muli sa pagtulog total ay matagal pa naman bago mag-umaga.Mahihiga na sana siya ng manindig ang mga balahibo sa ginaw dahil sa dapyo ng hanging nagmumula sa bukas na bintana.
Kaagad siyang tumayo para isara iyon nang bigla siyang matigilan.
Bukas ang bintana?
She remembered closing all the windows before she went to bed that night.
Biglang dinagsa ng kaba ang dibdib ng dalaga.
Someone’s been in her room!
Kaagad na binalikan ni Ayara ang baril sa kama bago patakbong tinungo ang bukas na bintana.Saglit na sinanay ng dalaga ang mga mata bago malikot na naglimayon iyon sa kadiliman sa labas.
No one’s there.Not even a single leave moves.
‘I swear, someone’s been here! I’ve felt his presence’ she said,convincing herself.
Nang walang makitang kahit na ano’ng kahina-hinala sa labas ay isinara na niya iyon at sinigurong naka-lock ang lahat bago ipinasyang bumaba sa kusina upang kumuha ng maiinom.
Dala ang baril na tinungo ni Ayara ang pinto nang bigla siyang madupilas sa sahig. Napaigik ang dalaga sa lakas ng pagkakabagsak.Kaagad niyang itinukod ang kamay sa sahig upang tumayo nang matigilan.Nanlalamig ang katawan na kinapa-kapa ang bagay na iyon na nadama ng kanyang palad.
It was wet and sticky!
Naninigas ang leeg na tiningnan niya kung ano ang malagkit na bagay na iyon.
She was filled with terror as she saw what it was.
She screamed her horror at the top of her lungs.
Pumunit sa katahimikan ng gabi ang matinis na sigaw ng dalaga.
“Ayara?! Are you okay? Open the door!” mayamaya pa ay narinig ni Ayara ang nag-aalalang boses ni Rage sa labas ng pinto habang malakas na kinakatok iyon.
Naririnig ni Ayara ang binata ngunit hindi siya makagalaw.Parang nanigas ang buong katawan niya sa kinabagsakan.
Malakas na lagabog sa pinto ang sumunod na narinig ng dalaga at iniluwa niyon si Rage.When she saw him,she cried hysterically.
Kaagad namang dinaluhan siya nito at pinangko upang dalhin sa kama.
“It’s alright,it’s alright” alo nito habang yakap siya at hinahaplos sa likod. “Tell me what happened,princess” he softly demanded.
Ayara just shook her head.She was still under extreme terror.
“Are you hurt? Why are you on the floor?” sunod-sunod na tanong nito.Then he began to inspect her. “God,you’re bleeding” he said when he saw the smear of blood on her hands and on her pajamas.
“I-I am not” she said,still shaking.
“Of course you are, princess.I’ll bring you to the hospital” sabi nito sa kanya at umakmang muli siyang bubuhatin ngunit pinigilan niya ito.
“The blood’s not mine.It’s not mine,Rage” muli na naman siyang napaiyak.
“What do you mean?” naguluhang tanong nito.Ayara didn’t answer.Ilang sandaling tinitigan siya ng binata at nang makita siguro ang takot na nakalarawan sa kanyang mukha ay mabilis na binalikan nito ang sulok na kinabagsakan niya.
“Jesus!” Rage muttered, anger was written all over his face when he saw the dead kitten bathed with its own blood on the floor.He even found Ayara’s gun and slippers there.
Ayara slipped on the bloody floor, that explains why he found her there.Pero bakit nandoon ang baril nito?
Kaagad na binalikan niya ang dalaga.He pulled her in his arms again and he gritted his teeth as he felt her shaking with utmost fear.
“Calm yourself, princess.I’m here now…” bulong niya, pagkatapos ay hinalikan ito sa noo. Galit na galit siya, ngunit ayaw niyang ipakita iyon sa dalaga.
Nang kumalma ang dalaga ay tinanong niya ito.
“I found your gun on the floor, why was it there?” he gently asked.
Ayara took a deep breath before she told him everything.
Hearing her story,mariing napapikit si Rage.Guilt flooded his heart.
Habang tulog na tulog pala siya sa kabilang kuwarto ay nanganganib naman ang buhay ng babaeng mahal niya.
“I was about to go down for a drink when I slipped into the floor and saw the blood in my hands…Rage,she was here” she said,a little calmer now.
“Shhh…nandito na ako, princess. Kung sinuman siya, dadaan muna siya sa ibabaw ng aking bangkay bago ka magawang saktan” alo ng binata sa kanya.
“There’s one more” sabi ng dalaga bago inginuso ang salamin ng dresser na malapit sa bintana.
I’m saving the prettiest kitten for you… said the message on the mirror in bold red letters.
A mixture of fear and fury filled Rage whole being.He had never felt so scared and so murderous at the same time in his whole life!
Fear for Ayara’s safety and hatred for the one who did this to her.
“Shhh…close your eyes princess, and pretend this had never happened” Rage softly whispered ,giving her light kisses on the head.
And she did.Ayara closed her eyes,feeling only Rage’s hands as it continuously moving gently at her back.Having Rage so close to her like this brought her a sense of security.
They stayed that way until they both dozed off.
Kinaumagahan paggising ni Ayara ay muli niyang naalala ang nangyari ng nagdaang gabi.Kaagad na lumipad ang paningin ng dalaga sa sahig at nakitang malinis na iyon.Maging ang salamin ay wala na ni bakas ng kahit na konting lipstick.
YOU ARE READING
Loving Miss Damsel In Distress
Mystery / ThrillerAyara left Manila and hibernated herself in Baguio.Leaving her wounds behind,she's bound to get another. Rage de Silva was on a chase.Chasing the Damsel in Distress who had caught his elusive heart years ago. In the course of fulfilling his mission...