Fading Scars

94 2 1
                                    

CHAPTER FOUR
Isang linggo na sina Rage at Ayara sa bahay bakasyunan ng mga de Silva nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kaibigan na si Rodilyn.
"Where the hell are you? I've been calling you for days and your phone is dead,Ayen. Are you alright?" nag-aalalang ratsada ng kaibigan sa kabilang linya.She could almost imagine Rodilyn's brows fencing with extreme annoyance.
Ibig mangiti ni Ayara sa animated na boses ng babae.
Ang alam ni Rodilyn ay umuwi lang siya ng La Union.Hindi niya sinabi kung saan talaga niya balak pumunta.Kaya naiintindihan niya kung maghinanakit man ito at magngalaiti sa galit sa kanya.
Halos nahuhulaan na ng dalaga na alam nitong hindi niya kasama ang kanyang mga magulang.
"Rods, okay lang ako.I'll tell you where I am when I am ready,I promise" pang-aalo niya dito.
For now,she can't tell Rodilyn where she was.
Knowing her friend,she'd find a way to see her at iyon ang iniiwasan niya.
Alam niyang hindi maiiwasang hindi magsabi ang kaibigan sa kanyang mga magulang kapag nalaman nito ang kinasusuungan niyang panganib. Ayaw niyang bigyan ng alalahanin ang mga ito.

"And only God knows when" sumusukong sagot ng kaibigan.
"Rods_"
"Ayara,I know it is still early to say but please,do learn to let go.Live" ang sabi nito na punong puno ng simpatya ang boses.
Saglit na hindi nakasagot si Ayara.
Live...
That was the second time someone had told her that.
"I'm trying Rods, I'm trying" she said and she had no idea whom she was trying to convince,kung ang kaibigan ba o ang sarili mismo.
"I know you're tough, bff. Kaya mo iyan" nakauunawang sabi nito bago tuluyang nagpaalam.
Napapatulalang ibinalik ng dalaga ang cellphone sa dating kinapapatungan at matagal na napatitig doon.
Matatag siya, oo. Ngunit tao lang din siya na may mga kahinaan.At si Keith ang isa sa mga kahinaan niya.
'Ngunit wala na si Keith' anang maliit na boses sa kanyang kaibuturan.Napailing ang dalaga.Somehow, tanggap na niya iyon at nakakausad na siya kahit papaano.
Nasa ganoon siyang estado ng emosyon nang mapasukan ni Rage.
"Hey,what are those tears for?" maang na tanong nito.
Dagling tumaas ang palad ng dalaga at nadama na may luha nga roon.
How long had she been crying?
Bakit ni hindi man lang niya namamalayang umiiyak na pala siya?
"Thinking about him again,I guess" matabang na sabi ng binata,saglit siya nitong iniwan upang ibaba sa kusina ang mga bitbit na pinamili mula sa bayan.
"How'd you say that?" pinilit ng dalagang pagtakpan ang totoo.Ayaw niyang sa tuwina ay nakikita ng lalaking ito ang mga kahinaan niya.
"Try again, sweetheart.Wala namang ibang puwedeng makakapagpaiyak sa iyo kundi siya lang" sabi nito bago umupo sa kaibayo niya.
Nasa terrace siya ng datnan nito.
"Don't call me that" she hissed and glared at him.
Napamaang ang binata, marahil ay hindi inaasahang mamasamain niya ang pagtawag nito ng endearment na iyon sa kanya.
"I-I'm sorry" mahinang paghingi niya ng paumanhin nang mahimasmasan.
Mga matang puno ng awa ang tumunghay sa mukha ng dalaga.
"You're being unfair to yourself, Ayara.Hindi na tama ang ginagawa mo.You're not fighting your own pain.You're letting it to dominate you this easy" mahinang sabi ng binata,naroon ang desperasyon sa boses.
Bahagyang natigilan si Ayara.
Napapagod na rin ba ito sa kanya?
Having Rage as her protector is like having him as her security blanket.Paano na kapag sumuko ito sa kanya at iwan siya doon,o di kaya ay pabayaan siya nitong haraping mag-isa ang mga panganib sa buhay niya?
"I am getting fine" she whispered though.

Marahas na napabuga ng hangin si Rage.

"So you said" napapabuntong-hiningang sabi ng binata kapagkuwan. "Ang tanong ay kung hanggang kailan ka mananatiling ganyan. Endearment lang iyon Ayara at halos mag-aklas ka na" sabi niya, naghahalo ang lungkot at pait sa kanyang kaloob-looban.
"I am trying" she faintly said.
"Then try harder!" marahas na sabi niya na bahagyang ikinagitla nito.Nakita ng binata na pinangiliran ng luha ang mga mata ng dalaga at wala siyang ideya kung dahil iyon sa sinabi niya o sa pagkakabulyaw niya dito.

Rage felt a pinch of pain inside him.
Everytime she do that,a part of him yearns for revenge.Gusto niyang gantihan ang taong pumatay kay Keith.Ang dahilan ng kamiserablehan ng babaeng kanyang minamahal.
Minamahal...
How long had it been?
Four years?
Hindi na niya matandaan kung kailan niya tinanggap sa sarili na sa nakalipas na apat na taon,walang nagtagumpay sa mga babaeng dumaan sa buhay niya na palitan ang puwesto ng dalaga doon.

Loving Miss Damsel In DistressWhere stories live. Discover now