Chapter 11

808 23 0
                                    

Amnesia ( By 5 Seconds of summer )

Pakinggan niyo ito kung hindi kayo familiar. It's up to you kung patutugtugin niyo ito habang nagbabasa. Sana lang , hindi kayo mapangitan habang binabasa niyo ito with music.

Enjoy reading!

_____°°°°°_____

Chapter 11:

" Cute girl ! " . Tawag ng isang lalaki saakin kaya napatigil ako sa paglalakad

Nilingon ko ito . Nakita ko si Makki na ngiting ngiting nakatingin saakin .

Tinaasan ko siya ng kilay na para bang sinasabing ' What? '.

He chuckled. " I want you to meet my friends " . Sabi nito kaya napabored-look ako

" Not interested " . Bored kong sabi saka ako nagpatuloy sa paglalakad

" Jesse! " . Tawag ng aking kambal

" What? " . Inis kong tanong

" Come here " . Utos niya kaya padabog akong lumapit sakanya

Kabanas. Kung kailan malapit ka na saka ka pa tatawagin.

" Eto pala yung sinasabi ko sainyo na kambal ko " . Tukoy niya saakin saka niya ginulo ang buhok ko

" What's her name? " . Tanong nung isang lalaki na nasa gitna

" Caleighn Jesse " . Sagot ng kambal ko

Napatango na lang yung dalawa sa sagot ng aking kambal . Napukaw ang aking atensyon sa lalaking nasa gitna .

Medyo naiilang ako dahil titig na titig yung lalaking nasa gitna , hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang mga kaibigan niyang tanong ng tanong sakanya .

" Twin , punta lang ako kwarto " . Bulong ko sakanya , para mawala sa paningin ko yung lalaking nasa gitna

" Okay , then " . Bulong niya kaya naman ngumiti ako at naglakad paalis

Kahit nakatalikod ako ramdam ko pa din na may pares ng mata ang nakamasid saakin. Kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad hanggang sa nakarating na ko sa sarili kong kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako sa kwarto. Hindi muna siguro ako bababa ngayon , hintayin ko muna silang umalis.

He's mysterious. Yung lalaking nasa gitna kanina. Hindi ko alam kung bakit ganun ang tingin niya. Nagkita na ba kami dati?

Ipinilig ko ang aking ulo dahil masyado ng maraming katanungan sa isip ko na hindi rin naman kayang sagutin.

Kumuha ako ng damit pambahay para magbihis. Nang matapos akong magbihis ay kinuha ko yung phone saka ako pumunta sa veranda.

Pagbukas ko pa lang ng Glass door ay agad tumama ang sikat ng araw sa aking balat. Hindi naman medyo mahapdi dahil hapon na.

Umupo ako at dinama ang hangin na tumatama sa aking balat. Binuksan ko ang aking phone at nagpatugtog.

In-on ko ang shuffle para hindi ako mahirapan sa paglipat lipat ng kanta. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mata habang pinapakinggan ko ang
' Amnesia ' , Isa sa mga kanta ng 5 sos.

" Amnesia? " . Napaigtad ako sa gulat ng may magsalita , Ghad! Bakit bigla bigla na lang siya sumusulpot?!

Lumingon ako sa kinaroroonan ng boses na iyon . Nanlaki ang aking mata ng makita ko siya sa puno malapit sa aking veranda.

" What the eff? " . Gulat na sabi ko ng makita ko si Evan

" Favorite song? " . Pagtutukoy niya sa kantang ' Amnesia '

" One of my favorite song " . I answered

Napatango naman siya sagot ko. " Ikaw? " . Pagtutukoy ko rin sa kanta

" Same " . He answered

" Bakit ka andyan? " . Tanong ko

Nagkibit balikat lang ito saka pumikit. Inirapan ko siya saka ako sumandal sa upuan. Darn , wala nanaman yung antok ko.

Narinig kong gumalaw si Evan sa puno. Nagulat lang ako dahil tumalon siya sa veranda kung saan ako , hindi siya tumalon sa veranda ng Guest room which is yung room nila Van.

" Broken hearted? " . Tanong niya habang pinapakinggan pa namin ang kanta

I smirked . " Not literally " . I answered

" Seriously? " . I nodded

" You? " . Tanong ko rin kaya naman tumango siya

Oooh. Wala pa palang napatol sa isang katulad niya. Sabagay , sino ba makakatiis sa ugali niyan? Parang kagaya ko lang e.

Napatayo ako ng kuhanin niya ang phone ko. Walang password iyon kaya agad niyang nabuksan.

Nang akmang kukuhanin ko iyon ay agad niyang itinaas iyon.

" Darn , ibigay mo iyan sakin! " . Inis kong sabi

May kung anong pinindot siya sa phone. Dahilan para mag-iba yung music. Binigay niya rin ang phone ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

" Bakit mo nilipat? "

" I don't like it. "

" Ayaw mo pero favorite song mo. "

" Tss. Shut up " . Inis nitong sabi saka nanaman tumalon sa kabilang veranda at pumasok sa loob

Napailing na lang ako. Ang gulo niya , I can't understand him.

Umupo na lang ulit ako at sumandal. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na ko.

Vincent's POV

Nasa kwarto ako ngayon ng aking kapatid na si Andy , kasama namin si Nathaniel. Boring kasi kami kaya pumunta kami sa kwarto ni Andy.

Walanjo. Ito kasi ang madaldal samin , ang bilis makakuha ng balita.

Pano to magugustuhan ng mga babae to? Nakaka-turn off tuloy si Andy. Tsk!

" Hoy Andy! Pahiram ng charger mo , lobat na ko " . Sabi ko

" Ginagamit ko! Manghiram ka na lang kay Baby Caleighn " . Suhestiyon niya kaya tumayo ako at lumabas para pumunta sa kwarto niya

Nakailang katok na ako sa pintuan niya , hindi pa rin niya binubuksan . Sinubukan kong iikot yung doorknob. Bukas naman iyon.

Potek. Bukas naman pala , bakit hindi ko naisipang buksan? Bobo mo talaga Maddox pero gwapo naman.

Pagbukas ko hinanap ko siya , pero wala. Takte. San nagpunta yun?

Lalabas na sana ako ng may mapansin ako . Bukas yung Sliding door ng veranda niya. Medyo creepy nga lang dahil hinahangin yung kurtina.

Malay ko bang may biglang sumulpot na white lady diyan sa kurtina para takutin ako? Potek. Sayang ang kagwapuhan ng mukha ko .

Dahan dahan akong naglakad sa veranda niya kahit medyo kinakabahan ako. Potek. Para akong bading. Kadiri.

Nadagdagan ang aking takot at kaba dahil naririnig ko yung ' Slendy's lullaby '. Takte .

Ipinilig ko ang aking ulo. Maddox , hindi dapat natatakot ang isang gwapong katulad mo. Nakakaturn-off yun.

Nawala lang ang aking takot at kaba ng makita ko siya sa veranda na natutulog.

Potek. Muntikan na yun. Nasan na ba kasi charger niya? Pumasok ulit ako sa loob ng para hanapin yung charger. Agad ko naman nahanap yun dahil nasa study table niya lang iyon.

Kumuha na rin ako ng kumot at bumalik sa veranda para ipatong sakanya ang kumot. Bait ko kasing Kuya. Mabait na nga pogi pa. Saan ka pa diba ? HAHAHA.



My Brothers And I (Book 1.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon