Chapter 37:
Kasulukuyan akong nasa sala ngayon , nanonood ng Tv. Yung iba ay nasa dining room , kumakain ng agahan. Napabuga ako ng hangin at napasandal sa sofa. Mukhang napaaga ang gising ko kanina , mas mabuti pa lang na sila yung nauunang nagigising kaysa saakin.
Nakakainip naman kasing maghintay. Yung tipong yung mga kasama mo kumakain pa lang , tapos ikaw naka-uniform na at handa nang umalis. Ugh.
Inis kong ginulo ang aking buhok at tumayo saka naglakad patungong dining room. " Pwede na ba akong umalis? " . Tanong ko
Tinignan naman ako ng mga kapatid at pinsan ko. Pinasadahan ko lang sila ng tingin bago ito tumigil kay Kuya Andrew na ngayon ay umiinom ng kape.
" No. Hintayin mo ang mga kapatid at pinsan mo , princess " . Nakangiting sagot niya
Napabuga ako ng hangin. " Kuya , I can handle myself " . Nakasimangot kong sabi
Ngumiti naman siya. " I guess , you're not princess " . Nakangiting sabi niya
" Hey , Jesse. Come here " . Utos saakin ni Yvan
Sinunod ko naman ang utos niya. " Tsk. You should fix yourself , Jesse. You look like a witch " . Sabi niya saakin saka inayos-ayos ang buhok
" Tss. "
" Albie , suklay nga " . Utos naman niya , kaagad kinuha ni Albie ang suklay sa bag niya saka ibinigay ito kay Yvan
Sinimulan naman niyang suklayin ang buhok ko. Nakita ko naman ang nakangising si Kuya Maddox habang nakatingin saamin , napakunot naman ang noo ko dahil doon. Bumalik nanaman siya sa pagiging loko-loko niya , kahapon kasi seryoso nanaman siya. Pagkauwi namin sa bahay , nagkumpulan kaagad sila sa sala. Hindi ko naman napagtuunan ng pansin iyon dahil ' boys talk ' iyon.
Napatingin naman ako sa tumayo na si Kuya Andy. " Bye brothers and cousins! I need to go~ " . Pakanta niyang sabi saka lumabas ng dining room
" Ayan , okay na! " . Masayang sabi ni Yvan saka hinawakan ang baba ko bago iniharap sa kaniya
Sabay-sabay silang tumayo saka kinuha ang bag nila , hudyat na paalis na sila. Kinurot muna ni Yvan ang pisngi ko bago niya kinuha ang bag niya.
" Take care , guys " . Sabi ni Kuya Andrew bago niya pinatong ang kaniyang kamay sa ulo ko. " You too , princess. Magi-ingat ka din " . Nakangiting sabi niya
Ngumiti ako. " I will , Kuya " . Sabi ko
Marahan naman niyang kinurot ang pisngi ko. " Ang cute ngumiti. Sige na , pumasok na kayo " . Sabi niya kaya naman hinalikan ko siya sa pisngi at kumaway
Lumapit naman ako kay twin , nang makalapit ako sa kaniya ay ginulo ko ang buhok niya. Inis niya akong tinignan saka inayos ang buhok niya.
" Sasabay ka? " . Tanong niya kaya tumango ako
_____°°°°°_____
From: Kuya Maddox
Baby J , sabay-sabay tayo magla-lunch. Sumabay ka kay Clayton at Van , wag matigas ulo.
Nang makarating kami sa classroom ayan agad ang bumungad saakin na text. Luh? Pwede namang sabihin sa personal , sa text pa talaga.
" Owemji! Si Fafa Vincent! Kyaaa! " . Kinikilig na sabi ni Avery nang makita niyang ka-text ko ang aking kapatid
" Anong Fafa? Gurang na yan " . Singit ni Van na ngayon ay nakasimangot na
Magsasalita pa sana si Avery nang biglang dumating si Professor Baculi. Tumayo kami at binati siya ng ' Goodmorning '. Lols.
BINABASA MO ANG
My Brothers And I (Book 1.)
FanfictionEverygirl dreams to become a princess , everygirl pretends she is a princess , no matter how little her life is like that. Ang babaeng may limang lalaking kapatid. Lima na lalaking tumatayong bodyguards sakanya , boy bestfriends , karamay sa lahat n...