Chapter 4:
" Darn , akin na iyan! " . Sabi ko at akmang kukunin ko na iyon ng itaas niya ang perfume na gusto ko
Ugh! Bakit ba kasi ang tangkad niya? Madaya e. Tsk!
" No freaking way , gusto ko rin ito e " . Iritang sabi niya
" Ako sabi nauna diba? Hindi ka nakakaintindi " . Inis kong sabi at marahas kong kinuha yung perfume sakanya
Akmang kukunin niya ulit iyon ng may nagsalita sa likuran niya. " Anong kaguluhan iyan? " . Tanong ni Kuya Mark
" Whoa , Bro! Anong ginagawa mo dito? " . Tanong ni Kuya Andy tapos nag manly hug sila nung lalaking kaaway ko
Wait? Magkakilala sila? Wth.
" Bibili sana ng pabango , kaso may kaagaw ako e " . Sabay tingin niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin
" Sino umagaw? Tara resbakan natin! " . Maangas na sabi ng kambal ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin
" Ah , hehehe. Yung kambal ko ba umagaw niyan? " . Tanong ng kambal ko ng mapansin niya na ang sama ng tingin ko sakanya
" Kambal? Siya? What the? " . Gulat na sabi ng lalaki
" Bakit? May angal ka? " . Inis kong tanong sakanya
" Tss! " . Tanging sabi niya lang
" Nga pala kambal , siya pala si---- "
" Hindi ako interesado sa pangalan niya , kaya pwede ba? Huwag mo nang sabihin saakin " . Inis kong sabi sa kambal ko at lumabas sa bench
Tsk! Bilhin na niya na yung gusto kong perfume , nakakaasar. Gusto ko nga yun tapos aagawin niya? Wth. Edi sakanya na iyon , pasok niya pa sa baga niya tapos isuksok sa bunganga niya. Sa susunod na lang ako bibili , hindi naman kawalan iyon.
Iniwan ko ang mga kapatid ko sa bench , bahala sila doon. Malalaki na sila , kaya na nila ang mga sarili nila. Pumunta ako sa bilihan ng Ice cream , gusto ko lang para lumamig ang ulo ko. Habang kinakain ko ang Ice cream , napadako ang tingin ko sa blue magic. Alam niyo naman siguro yun diba? Bilihan ng mga teddy bears at kung ano-anong stuffs na nandoon.
Lumapit ako sa malaking teddy bear na may hawak na heart sa gitna at may ribbon sa leeg niya. Cute naman siya , kasi sobrang lambot at fluffy niya. Masarap yakapin. Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya naman tinignan ko kung sino ito. Yung kambal ko lang pala.
From: Clayton Twin
Hoy! Nasaan ka? Wengya , bakit ka ba kasi alis ng alis?
Luh? Batukan ko kaya to mamaya. Alam naman niyang nakita niya kong umalis tapos magtatanong siya kung nasan ako? Hays! Kabobohan ng kapatid ko.
To: Clayton Twin
Tss! Bulag ka ba? Nakita mo nga ko kanina na umalis e. Tapos magtatanong ka kung bakit ako umalis?
From: Clayton Twin
Hindi naman kasi ikaw yung tinitignan ko kanina e. Yung chix na nasa likod mo , ang ganda kaya niya.
To: Clayton Twin
Langya , mamatay ka na!
BINABASA MO ANG
My Brothers And I (Book 1.)
Fiksi PenggemarEverygirl dreams to become a princess , everygirl pretends she is a princess , no matter how little her life is like that. Ang babaeng may limang lalaking kapatid. Lima na lalaking tumatayong bodyguards sakanya , boy bestfriends , karamay sa lahat n...