Chapter 24

622 18 0
                                    

Chapter 24:

Nagising ako dahil sa mga naririnig kong ingay sa baba.

What was that?

Bumangon ako habang kinukusot ang aking mga mata. It's just like , I want to sleep more than to make fun of them.

Pilit akong bumangon at naligo. Lagi kong ginagawa ito kahit hindi pa namin pasukan. Pina-practice ko kasi ito para sa darating na pasukan ay sanay na ako.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis agad ako ng pambahay. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto para bumaba.

Nadatnan ko silang naglalaro sa tapat ng Tv. Yung iba sakanila ay nakatutok sa cellphone nila , naglalaro ng mobile legends at Heroes evolve ba yun? Urgh.

" Goodmorning Jesse! " . Pansin saakin ni Damon habang nakatutok sa kaniyang phone

Lumingon ang iba sa gawi ko at binati rin ako ng ' Goodmorning '. Hindi ko alam kung bakit naging habit na nila ang pagbati saakin ng ' Goodmorning '.

Pumunta ako sa Dining room para kumain ng breakfast. Nadatnan ko pa si Kuya Mark na nagbabasa sa dyaryo sa lamesa.

Umupo ako. May nakahanda ng pagkain kaya kumuha na ako. Habang nilalagyan ko ng laman ang plato ko ay biglang nagsalita si Kuya Mark.

" Are you free today , Baby Jesse? " . Tanong niya

" Yup. Wala naman akong gagawin ngayon , Why? " . Tanong ko sabay kuha sa bacon bago ko inilagay sa plato ko

" Grocery tayo? Wala na yung ibang kakailanganin natin sa bahay. Malapit na ring maubos ang stock ng pagkain natin " . Sabi niya

" Bakit hindi mo sabihin sa ibang kapatid natin or sa pinsan para matulungan nila tayo diyan " . Suhestiyon ko at nginuya ang pagkain ko

" Kuya Maddox , He's with other girl. Andy , Hang out with his friends. Clayton , hang out with his friends too. Kuya Andrew , he's in the office. Our cousins? I don't think so... " . Sabi nito at nagkibit balikat

Nilunok ko muna yung pagkain bago sumagot. " Sasabihin ko sakanila mamaya " . Sabi ko kaya tumango naman siya

Nang natapos akong kumain ay tumayo ako at nagpaalam sakaniya. Pumunta ako sa living room at nilapitan sila.

" Zup? " . Bati ni Devin saka kami nag-high five

" Grocery tayo mamaya? " . Anyaya ko

" Oh bakit? " . Tanong ni Damon

" Out of stocks " . Sagot ko

Tumango naman silang apat. " What time? " . Tanong ni Yvan

" Ask Kuya Mark " . Suhestiyon ko at tuluyang tumaas sa hagdanan

Pagkapasok ko sa kwarto saktong tumunong ang cellphone ko. Tinignan ko sa screen kung sino ito.

Van Calling...

" Hey! Panget "

" Problema mo? "

" Siraulo , anong ginagawa mo? "

" Malamang , kinakausap ka. "

" Aba't bastos kang bata ka ah! "

" Parang hindi ka bata ah? Lolo ka na ba? "

" Tss. Ewan ko sayo! May sasabihin pa naman sana ako sayo "

" What is it? "

" Ang pogi ko. Yun lang! HAHAHA. Bye! "

My Brothers And I (Book 1.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon