Chapter One: Vilette

184 5 0
                                    

(A/N: eto 'yong original. Hahaha! Akala ko nawala na dito sa cellphone ko pero na retrieve ko din. Para 'to sa pinakaunang commentor *nasa first page 'yong comment niya* hehehe)

Sa simbahan habang lahat ay tahimik at nakikinig sa sermon ng pari abala naman si Vilette Cardall sa pag-uukit ng kung ano-anong kabalbalan sa kahoy na upuan ng simbahan gamit ang maliit niyang kustilyo na bagong hasa lang. Nasa pinakalikod siya ng simbahan kaya walang nakakapansin sa ginagawa niya. Isa pa, ang mga simbahan kasi sa probinsya ay malalaki pero ku-konti lang ang nagsisimba lalo na pag regular mass lang.

Nung nagsawa na si Vilet sa ginagawa niya, sinimulan niya na ang isa pang gawain niya sa loob ng simbahan. Ang bara-barahin pabulong lahat ng sinasabi ng pari. May ibang nakakarinig sa kanya na walang ibang magawa kundi simangutan siya dahil ayaw nilang magambala ang pari sa panenermon at isa pa apo siya ni inang Mercedes.

Respetado ang lola Merce niya dahil ang pumanaw niyang lolo ay ang mahal nilang gobernador. Si inang Merce ay kasapi sa simbahan kaya lagi itong dumadalo ng misa at lagi niyang sinasama ang kanyang apo na kaisa-isang anak ng kanilang anak na si Marco. Dahil si Marco ang bunso sa apat na magkakapatid, dun parin siya sa bahay nila nakatira kasama ang asawa niyang si Villan at anak na si Vilette para may kasama na rin ang matanda dahil ang mga kapatid nya ay bumukod na at nasa maynila, pag bakasyon lang sila nasa probinsya.

Kahit anong panlolokong gawin ni Vilette sa nagmimisang pari ay inip na inip parin 'to.

Kaya nung oras na para magdasal kung saan lahat nakatungo at taimtim na nagdadasal, dahan-dahan siyang lumabas ng simbahan. Pagkalabas niya ng simbahan, patakbo siyang umuwi sa kanila. Pagabi na rin, nag-aagaw.na ang dilim at liwanag sa kalangitan.

Umakyat siya sa pinakataas na bahagi ng bahay nila o ang attic na tinatawag. Simula ng tumuntong siya ng disisais lumipat na siya doon para walang nakikialam sa mga gamit niya. Dahil hindi nila masyado inaakyat ang bahagi ng bahay na iyon dahil ewan ko sa dahilan nila.

(napakapormal naman ng simula ko! Hahaha)

Pagkabukas niya ng pinto dinahan-dahan niya ito dahil gustong-gusto niya ang tunog na nililikha nito. Ang bahay kasi nila ay may dalawang palapag (di pa kasama 'yong kwarto nya) na yari sa kahoy/narra at medyo may pagkaluma na dahil itinayo pa ito ng tatay ng lolo niya.

"awooo" natatawang bigkas niya pagkatapos ng langitngit na tunog ng pintuan niya.

Madilim na din sa kwarto nya dahil di niya ugaling buksan ang maliit niyang bintana na tinakpan pa niya ng itim na kurtina.

Kinapa niya ang kanang bahagi ng dingding para buksan ang ilaw.

"f*ck!" she said as the light covered the room.

"this is worse!"

Nakita niyang bagong pintura nanaman 'yong kwarto nya, napalitang ng girly stuffs ang mga gamit nya, nawala 'yong pentagram na dinrawing niya sa dingding at higit sa lahat nasisilaw siya sa kulay pink na theme ng kwarto niya.

"If only I have the guts to kill who ruined my paradise!" naka-closed fist niyang sabi.

Si Vilette ay galing sa kagalang-galang at relihiyosong pamilya. Simula pagkabata ay sinasabihan.na siya na wag gagawa ng masama dahil mapupunta siya sa impyerno at pwede siyang tamaan ng kidlat bilang kaparusahan niya.

Hindi ko alam kung curious o sutil ba talaga si Vilette dahil gumagawa siya ng kasalanan abot ng kanyang makakaya pero walang nangyayari sa kanya. Na animo parang sinusubok niya kung may Diyos ba talaga o wala.

Inihagis niya ang katawan niya sa kanyang kama.

"Sana gumana na sa pagkakataong ito. I will summon the most powerful demon at gagawin 'tong slave." bulong niya sa sarili.

3 years from now ng simulan ni Vilette ang demonology (study of Demons). May book of demons siya, triny niya mag-aral ng latin through internet, may tarot card at kung ano ano pa na tungkol sa kung ano.mang kademonyohang nakahihiligan niya.

Napabalingkwas siya ng maalala niya ang bato na binili niya sa isang auction sa isang group sa isang social site, grupo ng mga kagaya niyang interesado sa demonyo.

Isang sapphire stone. Ginamit daw ito ng isang mangkukulam  noong ancient greek para mang-slave ng demonyo.

Binuksan nya malaking aparador niya na kasing tanda na ng bahay nila. Mahilig siya sa mga antique na bagay dahil feeling niya ay pinamamahayan ito ng masasamang elemento.

Sa paningin ng ibang tao, demonic siya.. Siguro nga.

Binuksan niya ang drawer at kinuha 'yong bagay na nakabalot sa panyo.

"come here, baby.."

Inilagay niya 'to sa ibabaw ng kama niya at ng iba pang gagamitin niya sa ritual na gagawin niya mamayang alas tres ng madaling araw.

******

A/N:

Paki-tama naman po si ako kung may mali po akong nagawa dito sa chapter na 'to. Cellphone lang kasi gamit ko nung tinype ko 'to. Mwehehehe!

So, ayan. Pinakilala ko muna si demonyitang Vilette na medyo may pagkasinto-sinto. You want to know her more? Proceed to the next chapter which I'm going to post later. :v hahaha

******

Gaganahan ka pa kaya kumain pag narinig mo ang dasal niya?

Next Chapter:

Prayers

Zcheirois: The Summoned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon