*ding dong*
*ding dong*
Tinatawag na siya sa baba. Nagkabit kasi sila ng doorbell sa kwarto niya para dina kailangang umakyat pa para tawagin siya. Sakto tapos na rin niyang ihanda ang mga bagay na kakailanganin niya mamaya. May naka guhit nanamang pentagram sa dingding na ulunan ng kama niya.
Isinilid na niya sa lalagyan ang maliit na kutsilyo niya at isinuksok 'yon sa combat shoes-like niyang sapatos na kulay itim. Nakakulay itim na balloon dress siya na hanggang tuhod ang haba.
Binuksan na niya ang pinto at bumaba.
"Hindi mo nanaman tinapos ang misa." Salubong ng lola Merce niya na nakaupo sa rocking chair pagkababa niya.
Napahinto siya sa tapat ng hagdang at naghahanap ng idadahilan.
"uhmm.. Kasi--"
Itinaas ng lola niya ang palad niya para pahintuin siya sa pagsasalita na siya namang ginawa niya.
"Enough with your excuses. Kahit isang misa man lang sana ang direcho mong tapusin. Next time, hindi na kita papayagang maupo pa ulit sa likod" she said eyeing on her granddaughter.
"but lola--" naputol ulit ang sinabi niya ng tumayo ang lola niya at tumalikod sa kanya.
"mag ayos kana, parating na sila" tsaka ito tumungo sa kusina. At, binalewala ang sasabihin ng apo.
Sila means kasamahan sa simbahan, mga madre, kagaya ng lola niya na member din ng simbahan at 'yong pari. Every sunday night iniibitahan sila ng lola niya para sa kanila maghapunan.
"ugh! Dito nanaman kakain 'yong mga "holy men"/"banal na mga tao" tsaka siya nag stomp ng paa.
She hated them. Mga kala mong mababait na tao pero may mga baho din na hindi nila ma-confess confess dahil masyado "daw" silang nagmamalinis.
**V I L E T T E 'S P O I N T O F V I E W **
"Ma! Bakit ganun si lola?" I grimaced at our katulong as I passed by infront of her.
"oh ano nanaman 'yon hija?" my mom's playing stupid again.
We both know what is the reason why.
I gave her an irritated look. "You know what I mean"
"kasalanan mo naman. It's okay, hindi ka naman masusunog pag nasa harap ka ng simbahan e." she said as she walks heading to the kitchen.
"yeah. Funny." I said tsaka ako sumunod sa kanya.
Hindi nga ako nasusunog literal pero I feel uncomfortable everytime tumatapak ako sa sinasabi nilang tahanan ng "Diyos".
Pagpasok ko ng kitchen, nakita ko dun 'yong mga kasamahan ni lola sa simbahan na tumutulong sa paghahanda ng dinner.
Nginingitian nila ako everytime nakikita nila ako, as an answer to their smile, I showed them my teeth. I don't smile back at the people I don't like.
"Saan ba tayo kakain?" Tanong ko sa mama ko.
"Sa garden san pa ba? Eh doon lang naman tayo nagkakasya." She said.
Ahh oo nga pala. Kaya dumirecho na'ko sa garden. I'm not into kitchen works. Leave it to them, sabagay sila naman 'tong makikikain, alangan pagsilbihan ko sila. Sarili ko nga di ko mapagsilbihan e. Kaya nga ako nagpapakahirap mang alipin ng demonyo para pagsilbihan ako.
BINABASA MO ANG
Zcheirois: The Summoned Lover
ÜbernatürlichesWould you trust your heart to a demon?