Kabanata 20

92.5K 3.3K 2.5K
                                    


Kabanata 20

Why


I can't let him go.

But I will...

This is the hardest part, loving him and letting him go. Why can't I just be happy with him? How can I be happy without him?

Kahit malayo siya basta alam kong babalik ay masaya ako na alam kong kahit paano ay naiisipan niya akong balikan.

Umupo ako sa isang bench, the cold wind blew my hair. Inayos ko ito sa aking kanang balikat, the tears flowing can't just stop falling. Hindi ko alam kung bakit kahit ayaw kong umiyak ay ganito pa rin sa huli, iiyak ako... dahil ulit sa kanya.

Masasaktan ako dahil sa kanya. Sa totoo lang, naguguluhan ako kung ano ba talaga siya. Kasiyahan ko ba o kalungkutan?

"Just stay where you are, Jabi..." Cyprian's cold with a glint of worry voice out on the other line.

"Hindi ako pwedeng sumakay kay Razor, papagalitan ako ni Mommy."

Cyprian is a friend who I can always count on, kahit nasaan ako ay pupuntahan niya ako kapag tumatawag ako sa kanya. Basta tumawag ako sa kanya ay alam na niya palaging may gumugulo sa akin o malungkot ako.

He chuckled. "I know, I won't let you again. I brought my car... so be a good girl and stay where you are, huh."

Sandaling natahimik ako, patuloy lang naglalandas ang aking luha sa pisngi habang nakadikit ang cellphone sa tainga. I don't know how to thank him enough.

Huminga ako ng malalim.

"Jabi, thank you so much... huh? Kung wala ka ay wala akong matatawagan sa ganitong oras para puntahan ako."

"I'll always get to you wherever you are. Don't thank me," masungit niyang sambit.

"Sus, may kotse ka lang kaya mayabang ka."

"Even if I don't have, I'll commute. Basta ang gusto ko ay stay where you are and wait for me..."

Malungkot na napangiti ako. Wala na akong nasabi, huminga ako ng malalim at tahimik na naupo lamang kagaya ng kanyang kagustuhan.

This is the least thing I can do. Naubusan na rin ako ng lakas kanina at hindi nagbago hanggang ngayon ay talagang nanghihina pa rin ako sa pag-uusap namin ni Spiral. Alam mo iyon siya ang lakas mo pero kailangan mong pakawalan siya, kaya ang ending ay lifeless ako.

Huminga ako ng malalim, ibinaba ko muna ang aming tawag. Pinagmasdan ko ang madilim na kalangitan at may mga bituing nakakalat, bakit kaya malungkot rin iyong tingnan ngayon? Samantalang kapag masaya ako'y kakaiba ang kislap noon sa aking paningin?

Stars are my favorite, they are like Spiral. Malakas ang dating sa akin at hinding hindi ko pagsasawaang pagmasdan kahit kailan. Malungkot, nasasaktan, masaya man o hindi. Spiral will always be special to me, of course, I'm in love with him.

Naputol ang pagtulala ko roon nang mapansin kong may nakatingin sa akin. Bumaba ang aking tingin doon, only to see Spiral's dark aura. He was walking towards me. My heart is beating wildly like he never hurt me.

Ganoon katanga.

Tumingin lamang ako sa kanya habang papalapit sa akin, nang makalapit siya ay agad niyang hinila ang kamay ko patayo. Napasinghap ako at gulat doon, he embraced me. Agad bumaon ang kanyang mukha sa gilid ng aking leeg.

I shivered.

"Baby, I'm sorry..." he started. "I'm so sorry, I can't... fuck, I can't lose you. Please, stay with me..." hirap at halos paanas lamang na sambit niya.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon