Kabanata 40

137K 3.5K 1K
                                    

This is the last chapter, thank you so much! I am so happy that I have readers now. I appreciate your every comments and you can message me your concerns regarding this story or the others. I'd gladly appreciate it.

Any suggestions where shall I focus next? Isla Verde Series only! :)


K

abanata 40

Own

Nanlalamig ang aking mga kamay, nakita ko ang sasakyan ni Kuya Clay sa aming garahe. Tuwing wala siya ay wala rin ang kanyang kotse diyan dahil pinapaalaga iyon sa kanyang kaibigan sa La Santa, kaya ngayon ay alam ko at sigurado akong nariyan siya sa loob.

And also Mommy...

Mommy knows about Spiral, but not like this. She only know how inlove I am with Spiral till now. Ganoon ang alam ni Mommy at Ate Clarine, and Kuya Clayven is clueless.

He doesn't know anything about this, kilala niya si Spiral na dinedate ni Ate noon! It's all clear to me now, they did not date! Hindi sila nagkaroon Mutual Understanding or what, nilinaw iyon ni Spiral sa akin.

At first, Ate Clarine was really fond of Spiral. Mahilig siya mga gwapo, cute guys and city boys, kaya nakitaan niya si Spiral noon. Naging magkaibigan sila, hindi naman daw nagbibigay motibo si Spiral at alam niyang masyadong baliw si Ate kay Jarin.

Hinaplos ko ang aking tiyan.

"Baby, okay lang 'yan. Sa susunod pa tayo magpapakilala sa kanila."

"What, next time?" Spiral butted annoyingly.

Kanina pa siya iritable habang nasa byahe pauwi dahil panay ang pilit ko sa kanya na sa susunod na namin sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko.

Tatlong araw magmula noong malaman kong buntis ako, hindi na ako napanatag noon dahil si Santi ay nasa paligid lang. Ayaw ko talaga na malapit sa kanya, sa ngayon ay natatakot pa ako.

Mukhang hindi siya sang-ayon sa pagbubuntis ko ng biglaan, lahat naman ay hindi talaga inasahan iyon. Lalo na ako, si Spiral? Hindi ko alam kung sinadya niya ba ito o talagang hindi rin niya inasahan.

But then, he's the first one to know that. Simula noong magsuka ako at mawalan ng gana sa pagkain ay alam na niya iyon. Hindi niya lang sinasabi dahil baka raw mabigla ako.

Guess what? I'm fucking surprised!

Hinawakan ko ang kanyang kamay nang makababa na ng sasakyan, panay ang iwas niya ng tingin sa akin dahil sa iritasyon. Mamaya ay magpapacheck up kami sa kanilang doktor, they have a private doctor.

Sila Eliteia ay naiwan roon sa isla, hindi ko alam kung kailan balak umuwi pero dadating pa raw ang nobyo ni Santi at Eli kaya baka magtagal pa sila roon para sa island hopping. Nakakainggit nga dahil hindi na kami makakasama ni Spiral, medyo masalan talaga ang pang-amoy ko ngayon.

Miski amoy ng maalat na dagat ay nasusuka na ako, ewan ko ba. Minsan nahihirapan na rin ako sa pagsusuka ng walang dahilan kundi ang mga naamoy ko lang. Masyado atang sensitive si baby.

"Tell them now, Jeziah." mariing sambit niya. Kahit galit ay nakuha pa niyang padabog na pagsiklupin ang kamay namin.

Nangiti ako pero agad napawi dahil sa talim ng tingin niya sa akin, huminga ako ng malalim.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon