Kabanata 21

90.3K 3.2K 1.2K
                                    


Kabanata 21

Puppy


Ganoon na lamang dumaan ang mga araw, hindi ko alam kung naramdaman ko ba ang bilis noon o mabagal para sa akin dahil sa sakit na nararamdaman ko sa bawat araw.

"Sige na, bumili ka na ng lunch."

"Ako na lang ba lagi ang utusan?" reklamo ni Christian kay Jean.

"Sige na, Tian. Gutom na si Crayon, oh! Ikaw rin, hindi mo gugustuhing magutom iyan." nadinigan ko ng panunuya si Angela roon.

I simply sighed and continued drawing lines on my sketchpad. Pang ilang portrait ko na ito ni Spiral, hindi ko na mabilang dahil tuwing may oras ako ay siya lang naman ang naiisip kong iguhit.

This time even without his picture to copy, sa isip ko lang ay naiisip ko na ang kanyang iba't ibang reaksyon. Bawat araw ay iba't ibang reaksyon ng kanyang mukha ang iginuguhit ko.

It's bringing me pain and happiness at the same time, maybe I was destined to be hurt and be happy with him. Kahit nasasaktan ay nakakaramdam ako ng kasiyahan, mahirap ipaliwanag pero iyon ang totoo.

I feel so hurt, knowing that he's still moving on from Asthreya. Pakiramdam ko ay punyal iyon na tumutusok sa aking dibdib, though I feel happy seeing him even just in my mind. Lahat ng kanyang ekspresyon ay kabisado ko na at nakatambay lamang sa aking isip.

Christian bought us food for lunch that afternoon. I could clearly feel Christian taking care of me these past days, pinapabayaan ko na lang. Nagmamanhid-manhidan na lamang ako kagaya ng dati kong ugali noong hindi ko pa siya ramdam.

I don't want to hurt anyone around me, mostly Christian and Kurt. Sa totoo lang ay talagang naiilang na ako ngayon sa kanila dahil ramdam ko sila, but I managed not to notice that. Every move they're doing, it's fucking comforting me.

But not in a way they wanted me to feel them, para sa akin ay kaibigan lang talaga sila dahil miski kaba ay wala akong dama. Kay Spiral lamang ako nakakaramdam ng kakaibang kaba. Wala ng iba.

Walang magiging iba, dahil para lang ako sa kanya.

I want to make him feel all my love for him, all my sincerity. I just hope that he would feel me eventually. Wala naman akong ibang hangad kundi ang iparamdam sa kanya na may magmamahal sa kanya na hindi siya sasaktan katulad ng ginawa sa kanya ni Asthreya.

Spiral:

I miss you. Anong oras ang dismissed mo?

Walang mapaglagyan ang kabang nararamdaman ko habang nagbabasa ng kanyang text, I quickly typed a reply.

Ako:

Last subject na lang. Uhm, how are you? Do you eat on time? I hope so.

Napangiti ako habang nag-aabang sa kanyang reply, hindi na ako nakinig sa propesor na nasa harapan at nagsusulat sa whiteboard.

Spiral:

I said I miss you. Tapos na akong kumain, how about you?

I giggled and pouted a bit.

Ako:

I miss you, too. Tapos na rin kanina, nasa huling subject na ako and I'll go straight home after this.

Spiral:

Uh-hmm, good. Sinong kasabay mong kumain kanina at uuwi mamaya?

I inhaled deeply. Hindi ko maintidihan kung bakit sa libreng mga oras sa akin ay tinatanong niya kung sino ang aking mga kasama, o kasabay sa pagkain at sa pag-uwi.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon