Chapter Four

46.9K 954 30
                                    

Chapter Four


Nakarating na ang limang miyembro ng TDG sa lugar kung saan nakatayo ang kanilang Head Quarters. Pumasok sila sa isang abandonadong gusali na walang mag-aakalang sa loob nito ay nakatayo ang isang magandang pasilidad.

Walang makakapasok sa loob ng pasilidad kung hindi pahihintulutan ni Sapphire. Ang HQ ay binubuo ng mga modernong teknolohiya, nariyan ang face at body scanner sa pinto, fingerprints scanner at samu't saring passcodes. May mga patibong rin na nakalaan para sa mga hindi inaasahang pangyayari. You can never be too sure when it comes to danger. Pagkapasok, may mga nakalaan na kwarto para sa bawat miyembro na maaring gamitin.

Hindi lang mga kwarto ang makikita sa loob, pati na rin sala at kusina. Obviously, may mga supplies rin na nakastock tulad ng canned goods, beverages, meat, alcohol at marami pang iba. Kung iisipin, para itong survival lounge kapag may zombie apocalypse. Ha-ha.

"Welcome, wimps. This is our HQ. Lahat ng kailangan niyo, nandito na. Foods, necessities, liquors, gadgets and vehicles. Name it, nandito na yan lahat. You could use everything to your heart's content. House rules: no fighting, no stealing and do not mess up with me. It's your choice kung gusto niyo dito tumira or whatever. One last thing, enjoy and feel at home." Mahabang litanya ni Sapphire and after that, she genuinely smiles to them.

Mababakas pa rin ang gulat at pagkamangha sa mukha ng mga ito pero mas lalo nagulat ang mga ito nang ngumiti siya. She composed herself at binalik ang dating ekspresyon.

"Kung maka-react naman kayo ng ganyan, parang ang pangit ko ngumiti." Sabi niya sa mga ito. Si Kent naman ay nakahiga sa sofa at walang pakialam sa mga nangyayari habang naglalaro ng PS5. Kinuha ni Sapphire ang throw pillow at hinagis rito.

"Fuck! Kaunti na lang matatalo na kita sa Tekken!" Inis na saad ni Kent.

"Huh? Loser." Ngumisi siya rito. Binalingan naman ng tingin ni Kent ang tatlong bagong miyembro na nakatayo pa rin hanggang ngayon.

"Bakit nakatayo pa rin kayong tatlo? Tara, laro tayo!" Aya ni Kent sa mga ito.

Agad naming umupo ang tatlo at nagsimulang kumuha ng kanya kanyang gadget na gagamitin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos akalain ng tatlo na ganito kasaya ang samahan sa grupo ng kinakatakutang Black Princess. Nang mapagod sa paglalaro ng gadgets, nagtungo si Xyne at Blaze sa pool table.

Hindi lang pool table ang makikita rito, may mga dart boards, mini bowling alley at iba't ibang game machines. Kapag pumasok ka sa kwartong iyon ay mapagkakamalan kang nasa loob ng arcade shop. Bukod roon, mayroon ring kwarto na itinayo para sa shooting range.

Ang abandonadong gusali na kinatatayunan ng HQ ng TDG ay pagmamay-ari ni Sapphire ngunit nakapangalan iyon kay Kent. Ipinangalan niya ito kay Kent para walang makakaalam ng lugar kung saan siya naglalagi kung may magbalak man na paimbestigahan siya. Bawat sulok ng gusali ay may nakakabit na CCTV.

Lahat ng galaw na makikita sa CCTV ay papasok sa isang software na binuo ni Sapphire na makakapagbigay alarma sa kanya tuwing may mga hindi awtorisadong tao na papasok sa gusali. Hindi lamang iyon, ang mga kinakailangang access codes ay manggagaling lamang sa kanya.

Marahil ay maraming nagtataka kung paano nakaya ni Sapphire ang malaking gastusin na kinailangan para sa pagtatayo ng HQ. It's simple. She can do everything. She can developed various softwares and sell it for a high price. Kaya hindi lang gangsters ang naghahanap sa kanya, pati na rin ang mga malalaking kompanya at mga negosyante na gustong makuha ang mga nagawa niya. Ayan ang dahilan kung bakit kilala siya sa buong mundo.

Sa kabilang dako, napansin ni Sapphire na kanina pa tingin ng tingin si Callie kay Kent at si Xyne naman ay tingin ng tingin sa kanya. Hindi maikakaila na nahulog ang loob ni Callie kay Kent.

Habang naglalaro sila ni Kent ng multiplayer sa PS5, siniko niya ito ng malakas. "Pa-fall ka talaga, gago." Asik niya rito.

"Aray! Ano na naman ginawa ko?!" Daing ni Kent. Hindi na ito pinansin ni Sapphire at tumayo na. Lumapit siya sa pool table kung nasaan sina Xyne at Blaze.

"Hey, wimp." Tawag niya kay Xyne. Nagulat ito.

"A-ako?" Pautal pang tanong ni Xyne.

"Mayroon bang tao sa likod mo na hindi ko nakikita?" Sarkastikong saad niya rito.

"S-sorry, bakit?" Lumapit siya kay Xyne at bahagyang nilapit ang mukha sa mukha nito. May katangkaran si Sapphire kung kaya't kaya niya makipagtitigan dito kahit matangkad rin ito.

"Sa lahat ng ayoko, tinititigan ako. Alam mo ba yun?" Ani Sapphire.

"P-pasensiya ka na, Ms. Sapphire. Hindi na m-mauulit." Sagot ni Xyne na mababakas pa ang takot sa boses nito habang nagsasalita.

"Wala akong sinabing huwag mo na akong titigan. Wala naman akong magagawa kung sadyang katitig-titig talaga ako. Lumapit ako para sabihan ka na huwag ka masyadong tumitig sa'kin at baka matunaw ako." Mahangin na saad ni Sapphire kahit pawang katotohanan lang naman ang sinabi nito. Namula si Xyne at nag-iwas ng tingin. Natawa si Sapphire sa reaksyon nito.

"By the way, both of you can call me Sapphire. I'm not here as your boss or leader but as a friend. Is that clear?" Tanong ni Sapphire at binaling ang tingin niya kay Blaze. Ngumiti at tumango lang ito. Umalis na siya roon at umakyat papuntang kwarto niya.

Hindi napapansin ni Sapphire na paunti-unti na siyang nagpapapasok ng mga tao sa buhay niya. Mga panibagong mahahalagang tao na maari siyang pagtaksilan.

The Demonic Black Princess [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon