Chapter Five : Meet The New Member

46.9K 828 29
                                    

Chapter Five


2 Months Later


Kinikilala na rin sa buong mundo ang mga miyembro ng TDG.

Kent, bilang The Black Anonymous. Bukod kay Sapphire, wala ng nakakakilala kung sino at saan ito nagmula. Kung kaya't misteryong matuturing ang pagkatao nito sa iba. Bakit Black? Maitim kasi pagkatao nito.

Callie, bilang The Wise Maiden. Siya ang nag-aasikaso ng mga internal and external operations ng grupo katulad ng paghawak sa appointments sa mga taong gustong kunin ang serbisyo nila. Lingid sa kaalaman ng iba, may mga kumukuha ng serbisyo ng TDG. Kasama na rito ang pagiging bodyguard ng mga kinikilalang tao, pagtuklas ng bagong gamot, paggawa ng stratehiya para sa militar at marami pang iba. Obviously, hindi lahat ito ay tinatanggap ni Sapphire.

Xyne, bilang The Death Shooter. Siya ang sumunod kay Sapphire na pinakamagaling sa paghawak ng baril. May mga nais makuha ang serbisyo nito bilang sniper na kailanman ay hindi tatanggapin ni Sapphire.

Blaze, bilang The Hostile Pugilist. Ito ang kapantay ni Sapphire pagdating sa pakikipaglaban. Sa Kickboxing ito dalubhasa. Kakaiba ang mga suntok at sipa nito. Agresibo ito umatake kung saan hindi mo na ito makakausap kapag nasa fighter mode na ito.

Iilan lamang ang mga iyan sa mga katangiang taglay ng mga miyembro ng TDG.


Nasa labas ngayon ng unibersidad si Sapphire, balak nito maglakad pauwi sa condominium niya. Nagsimula na siyang maglakad ng may humarang sa kanyang sampung lalaki. Nakasuot ang mga ito ng school uniform. Nakilala ni Sapphire ang uniporme na ito, estudyante ang mga ito sa kalapit na unibersidad ng pinapasukan niya.

Kung estudyante ang mga ito ng Precor University, hindi nanaisin ng mga ito na lapitan siya. Kinikilala na siya ngayon sa unibersidad na huwag kalabanin. Kailan lang, muntik na madala sa ospital ang tatlong bugok na binangga siya. Hinarang siya noon ng tatlong bugok tulad ng ginagawa ngayon ng sampung lalaki na ito.

"Get out of my way." kalmado niyang sabi sa mga ito. Isa-isang ngumisi ang mga ito.

"Pre, mukhang matapang." Ika ni Panget 1.

"Oo nga, eh." Ika ni Panget 2.

"Miss, gusto ka lang namin imbitahin kumain, tara." Hinawakan siya ni Panget 1. Sinampal niya ito ng malakas. Nagulat ang mga kasamahan nito at pagkaraan ng ilang segundo, sabay-sabay siyang hinawakan ng mga ito.

"Fuck! Bakit mo ko sinampal?!" Galit na tanong ni Panget 1.

Hindi niya ito sinagot at hinayaan lang na hawakan siya ng mga ito. Sisimulan na sana ni Sapphire ang pagsuntok sa mga ito nang may biglang sumugod kay Panget 1.

Woah. Seriously? May lalaki pa rin pala sa mundo na malakas ang loob at pakialamero. Ani Sapphire sa isip niya.

Binitiwan siya ng mga panget at sinugod ang lalaking feeling superman.

Nagcross-arms siya at pinanuod ang mga ito. Masasabi niyang magaling at sanay sa pakikipaglaban ang lalakiing pakialamero. Ngunit hindi nakita ng lalaki na naglabas ng maliit na kutsilyo ang isa sa mga panget at saka sinaksak iyon sa binti nung lalaki. Napaluhod ito kaya nasira ang diskarte nito. Napagtulungan na ito ng mga panget.

Lumapit si Sapphire sa mga panget at hinawakan sa balikat ang isa. Hinarap niya ito sa kanya at nginisihan lang siya nito. Hinila niya ito papalapit sa kanya at saka malakas na tinuhod. Napaluhod ito bigla at humiyaw ng pagkalakas-lakas. Nagtinginan naman dito ang mga kasamahan nito.

The Demonic Black Princess [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon