The Problems

10 3 0
                                    

CHAPTER 4 – The Problems

Nung napasok ko na ang kwarto niya, nakita ko siyang nakaupo sa may gili at may hawak na breadknife. Sa lahat ba naman ng patalim, bakit yung breadknife pa eh ang dami namang kutsilyo dun sa kanilang kusina. Nagmumukmok siya at hindi man lang lumingon sa kung saan ako nakatayo ngayon. Yung mga mata niya ay mapupula dahil sa kakaiyak. Yung mga labi niyang dati’y ngumingiti, ngayo’y natatakpan na ng kalungkutan.

“Lalabs? Ako ito, si Ken...”

Sa halip na tumingin siya sa akin, dun niya itinuon ang kanyang mga mata sa labas ng bintana. Nasaktan siya lalo nung ipinagpilitan talaga ng kanyang mga magulang na ipakasal siya sa anak ng kanilang business partner na si Derrick Kho.

“Lalabs naman,” sinubukan kong lumapit sa kanya para maalis yung breadknife na nasa kanyang mga kamay.

Tumingin ako kay Manang Libeth na katulong ng kanilang bahay. Nakaabang kasi siya sa may pintuan. Isinara nalang niya yung pintuan. Mabuti naman at naisip niya yun.

“Bakit ka naparito?” tanong niya sa akin.

“Kasi ayaw kitang makitang nagkakaganyan, Kristelle,” paliwanag ko sa kanya. “Tinutulungan na nga kita pero anong ginagawa mo sa sarili mo, pinapatay?”

“Yan ang hirap sa inyong mga lalaki. Ginagamit nyo lang kaming mga babae. At pagkatapos, ano na? Iiwanan dahil nakuha na nito ang gusto niya,”

Nakakaloka! Hindi ako lalaki noh! Ano ba ang nasa kukuti nito at pati ang kasarian ko ay nakalimutan na niya?

“Beki ako Lalabs, di mo ba nakita?”

Hinay-hinay siyang lumingon patungo sa akin. Kitang kita sa kanyang mga mata ang sobrang pagdadalamhati dahil wala siyang ibang magawa para mahanapan lang ng solusyon ang kanyang problema.

“Ken?” agad niyang hinulog yung breadknife mula sa kanyang mga kamay at tumayo. Naramdaman ko ang pagdapo ng kanyang mga braso sa akin. Ang yakap niya ay mainit. “Ken... Wag mo akong iwan,”

Ang patak ng mga luha sa kanyang mga mata ang siyang nagpabasa sa aking dibdib. Parang naliligo na ako sa sarili kong pawis dahil sa sobrang init at higpit ng kanyang yakap.

“Pwede ba yakapin mo rin ako,”

“Ha?” gusto ko sanang magreact pero ibinabalewala ko nalang. Niyakap ko rin siya pero hindi masyadong mahigpit.

Narinig ko muli ang pagiyak niya at dun ko na naisip na kailangan ko na siyang yakapin ng mahigpit. Ito yung pinakunang mahigpit na yakap na nagawa ko sa isang babae. Iba kasi yung kayakap ko pag-high school, fresh boys.

“Lalabs, pwede tayo nalang?”

Napahakbang ako bigla ng patalikod. May problema din ako at may problem din siya. Kung ang pagiging lalaki ang makakasagot sa mga problema niya, paano naman ako?

“Lalabs. Alam mo namang mahirap sa akin na magpanggap”

“Eh, di totohanin natin,”

“Na ano?” nanlaki bigla ang mga mata ko at napabilis yung pagtibok ng aking puso.

“Na maging lalaki ka nalang,”

Parang gusto kong tumakbo o lumayo mula dito. Gusto niya sigurong dagdagan ang aking mga problema. Matalik ko siyang kaibigan pero sobra naman yung hinihiling niya.

“Mahirap sa akin ang hinihiling mo, di mo ba alam yun?” sabi ko sa kanya. “Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako ngayon!”

“Pwede bang huwag mo naman akong sigawan. Parang pinapagalitan mo naman ako nyan eh,”

Hindi ako galit pero bakit pinipilit ng sarili ko na magalit ako. At kailangan talaga dahil kung hindi, mamatay ako.

“I have my personal problems, you see. May mga kaso pa akong dapat asikasuhin. Nabihag pa ako sa patibong ng aking kuya...” ooops, bakit bigla yung lumabas mula sa aking bibig.

“Anong sinabi mo? Patibong?” napabigla siya.

Nahihirapan ako kung paano ko ito ipapaliwanag sa kanya. Pagtanaw ko pa lang sa kanya ay mukhang interisado na itong malaman ang katotohanan.

“Maguguluhan ka lang,”

Siya ay humakbang paabante patungo sa akin. Sa mga oras na ito, napapalibutan kami ng tensyon at pangamba.

“Sabihin mo na nga sa akin, ano ba ang patibong na yun? Please...”

“Oo na,” sabi ko sa kanya. Hindi ko kasi siya matiis. Pilit ko mang itago at ilihim pero hindi kaya ng konsensya ko. Pinanasakit lang nito ang utak ko masyado. “Gusto nila mama’t papa ng apo,”

“Then what?”

“Yun na yun. Saan ba ako hahanap ng anak nito?”

Napangiti siya bigla at mukhang may iniisip na kakaiba.

“Ano na ba yang nasa utak mo ngayon at mukhang masaya ka yata?”

“Kasi maging lalaki na ang best friend ko,” sabi niya.

Yan ang imposibleng mangyari – ang magkaroon ng anak. Sino ba namang bakla na gugustuhing ilagay ang sarili sa alanganin, makabuntis lang ng kapwa babae?

Napayakap muli siya sa akin. Ang yakap na ito ang siyang nagdulot sa akin ng pangamba. Ang pangamba na baka balang araw, matatakot na akong malayo sa piling niya. Sabi ni kuya, iba ang lalaki kung magmahal. Ang tanong ko ngayon sa sarili ko...

Lalaki ba talaga ako? 

Hey Dude! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon