Searching

16 3 0
                                    

CHAPTER 7 – Searching

Pinatay si Arthur Melendres, huwebes ng hapon, pasado alas kwatro, sa loob ng flowershop. Ang pangalan ng nasabing flowershop ay Ellia Flowers at nasa kaparehong kalye lang ito ng repair shop na pagmamay-ari niya. Sa mga karagdagang detalye base sa mga sagot ni kuya Venson, papunta daw siya dun sa flowershop para ihatid yung pera. At ang perang ito ay bayad ng kanilang customer. Dapat ko bang malaman kung sino ang customer na ito?

Nagpunta ako sa google at nagsimulang mag-type tungkol sa nasabing flowershop na naging lugar ng insidente. May website ito kaya ito muna ang aking binuksan. Nung nasa homepage na ako, nakita ko ang isang warning note sa taas. Hindi ako sigurado kung talagang isa itong warning note.

MAMATAY SI ARTHUR MELENDRES. MAGBABAYAD ANG PAMILYA NIYA.

May kahulugang nakatago sa likod ng nasabing note. Nung bumaba ako sa nasabing homepage, nakita ko ang mga pangalan ng mga nagmamay-ari ng flowershop, ang mag-asawang sina Elvin at Lea Montenegro. Kailangan ko silang mahanap sa lalong madaling panahon. Dahil nandito sa nasabing report, wala dun ang mga may-ari ng flowershop nung naganap ang krimen. Yung tindera lang daw na agad tumakas nung dumating ang mga armadong lalaki.

Ang nagtisgo nito ay isang tindera din ng katabing bakeshop. Ang nakalagay na pangalan niya dito ay Antonette. Kailangan ko ding makuha ang panig niya tungkol sa dalawang mag-asawa at tungkol dun sa tindera na tumakas.

Maraming tanong na ang nakalagay dito sa aking utak pero ilan lang sa mga ito ang pwedeng maging solusyon sa kasong ito.

Tinawagan ko ang police department. Kailangan kong maka-usap ang hepe na si Chief Lawrence Arturo, ang aking pinakamatiya at masipag na tiyuhin. Nung naging detective kasi ako, siya yung nagbibigay sa akin ng mga impormasyon.

Habang naghihintay na sagutin ang tawag, napatingin ako sa isang kaduda-dudang parte ng naturang website. May nakatagong button sa gilid nito. Nung aking pinindut, bigla itong napunta sa ibang website.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Bakit nandito ako sa mga litratong ito? Nakasuot pa ako ng unipormeng pangpolice. Ang nakalagay sa itaas ng website ay KILL THIS POLICE!

“QC Police Department, goodmorning,” boses ni Police Inspector Nedilia Ramones ito.

“Neds, ikaw ba yan?” tanong ko para makompirma kung sa kanya ba talaga ang boses.

“Yes, is this Attorney Tecson?”

Naalala pa niya ako at pati ang boses ko.

“Yes, yes. May I speak to Chief Arturo?”

“He’s on a on-going investigation. Teka, bakit hindi ka nalang pumunta dito para magka-usap naman ta’yo?”

“Mamaya na. May kailangan lang kasi akong sabihin sa kanya”

Nung napa-scroll down ako sa website, nandun din ang larawan ng kapatid ko kasama si Vens at si Arthur. Ilan sa mga litratong nandito ay ang mga tao na nasangkot ngayon sa iisang kaso. Ang ibig bang sabihin nito, kasali ako?

“Ako nalang kaya ang pupunta diyan. Dadalhin ko yung chaka boyfriend mo dito”

Boyfriend? Ah, oo nga pala, may kaibigan akong lalaking malapit na malapit talaga sa akin.

“Si Robert?”

“Ayee... naalala pa niya. Sige, I will hang up for now because I have something important to do. Bye...”

Nung binaba na niya ang telepono, napatingin ako muli sa mga litrato. Sa ibabang parte, may nakasulat na parang nagbabala sa mga nakakapunta sa website na ito.

Hey Dude! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon