The Interrogation

18 2 0
                                    

CHAPTER 6 – The Interrogation

Ako ang hahawak sa kaso ni kuya habang nakadetain pa siya ngayon. Abalang binasa ni Nel yung mga clippings tungkol sa pagkamatay ng anak ni mayor. Naging mahirap ang kasong ito dahil araw-araw nalang, parami ang naging witness sa pangyayari. Mukhang pinagtutulungan nila ang kuya ko.

“Mayor’s son dies in ambush,” sabi ni Nel habang hawak nya yung isang newspaper. “Eh, wala namang binanggit na pangalan ng kuya mo dito. Rudolfo Alferes. Juan Mendoza. Liro Dela Fuente. Aljur Neri. Vens Alfunso,”

Ha? Tama ba yung narinig ko? Vens Alfunso? Kilala ko ‘to. Siya ang naging barkada ng kuya ko nung high school. Naging magkalapit sila dahil iisa lang ang pakay nila, ang kakaibiganin ang girlfriend ni Arthur, yung anak ni mayor. Isa ito sa maaring kinahahantungan ng lahat.

“Pakihanap nga ng impormasyon tungkol sa lalaking nagngangalang Vens Alfunso,”

“Yes attorney,” agad naman lumabas si Nel para pumunta sa record section.

Pumasok bigla si Sir Albert at mukhang may itatanong na naman ito. Ang pagpayag na ako ang mag-hahandle sa kaso ng aking kapatid ay isang magandang oportunidad. Sa pagkakataong ito, nahihirapan ngayon si kuya sa loob ng selda. Ang init. Ang lungkot. Maraming magtangkang i-hazing siya. Yung mga gawain ng nakakasira at nakakamatay ay nandun lang sa loob kung saan siya nakulong.

“Good job Ken,” lumapit si sir Albert at binigyan ako ng medalya. Isa itong karangalan sa firm kung saan ipaparangal sa pinakamaraming kasong naisalba. “Talagang pinabilib mo kami. You solved cases a hundred times. Bakit hindi ka nalang magprosecutor?”

“Prosecutor ba kamo?” ningitian ko siya. “Parang kontento na ako,”

“Eh, topnotcher ka nga sa bar. Mapapasa mo din yun,” sabi niya.

“Ano ba ang mga pinagsasabi mo sir? Nakapak lang ng ikaapat na pwesto sa bar, maging prosecutor na agad?”

Napatawa siya at agad niyang inilabas yung cellphone niya. May ipapakata na naman siguro itong kababalaghan.

“Kilala mo ‘to?”

Pagtingin ko sa screen ng kanyang cellphone, nakita ko ang aking mukha kasama ang mga kaklase ko noon sa law school. Isa itong debate championship sa London.

“Sir naman,” agad akong nahiya sa kanya. Kami ang nagrepresenta sa bansa at nag-uwi ng karangalan bilang pinakaunang kampyon sa nasabing patimpalak at ako ay nakatanggap din ng parangal bilang best speaker.

“Did it change you mind?”

“Not so...”

Napahaba tuloy ang aming usapan. Nung nakabalik na si Nel, naisipan ni Sir Alber na tumulong nalang sa kaso ko. Ay di pala, kaso pala ito ng kuya ko. Kinuha niya ang mga dokyumento na may halo-halong affidavit at counter-affidavit. Ako din ang nagtanong kay kuya tungkol sa mga detalye nung mga panahong nandun siya nung nangyari ang krimen.

“Sige, balik muna ako sa opisina ko,” sabi ni Sir Albert. Paglabas niya ay agad kong kinuha mula kay Nel ang mga records ni Vens Alfunso.

Name: Vens Alfonso

Record: Assualt, Grave misconduct, Murder, and Robbery

Grabe! Record breaker pala ang gagong ‘to. Eh isa sa mga kasalanan niya ay hindi kayang gawin ng kapatid ko. Alam kong may prinsipyong makatarungan si kuya Venson. Kaya lang niyang manakit pero hindi ang pagpatay.

Kasama din siya sa apat na naging detainee ngayon. Magkaibigan sila ni kuya at may paghihinala akong naset up lang siya nito. Madali kasing mauto si kuya Venson at kahit sa bahay nga, palagi lang siyang napipikon. At kahit gaano pa yun katapang, madali din yung maaawa.

Hey Dude! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon