Real Identity

12 3 0
                                    

CHAPTER 9 – Real identity

Nagpapagaling pa ako sa ospital nung nakita ko ang mama ko na dumalaw sa akin. Namamaga kasi yung paa ko at malubhang makakalakad ng isang linggo. Si Sir Albert muna ang nagpatuloy sa aking pag-iimbestiga sa kaso ng aking kapatid.

“Kamusta na ang pakiramdam mo ngayon?” tanong niya sa akin.

Napangiti ako sa kanya. “Okay naman,”

“Nag-usap na kami ng Uncle Lawrence mo at humingi niya ng paumanhin sa nagawa niya sa’yo”

Bakit naman? Talagang inaamin ko na kasalanan ko yun at karapat-dapat lang na suntukin niya para matauhan naman ako.

“Ma? Kamusta na si kuya?”

Abala pa siya sa paghahanda para sa aming pagkain. Pero mukha naman narinig niya yung sinabi ko. “Okay lang siya. Nakita ko na siyang ngumingiti muli pagkatapos nung tampuhan niyo noon. May itinanong nga siya sa akin,”

Ano naman kaya ang gusto niyang itanong sa akin? Gustuhin ko man sana siyang dalawin pero hindi talaga kaya ng katawan ko – ang sobrang sakit! Nakakamatay! Gusto kong gumulong gulong sa dagat ng aspirine para mawala na ‘to.

“Anak,” umupo si mama sa aking tabi. “Bakla ka ba talaga?”

“Mama naman,”

Ano ba sa tingin niya ang mga kinikilos ko? Nagbabakla-baklaan lang ako? Pero ngayon, nahulog ako sa bitag ng katotohanan at kasinungalingan. Pati ang ina ko ay naguguluhan na nga. Ano ba talaga ako? Nung araw lang, sa nangyaring search and rescue operation, ang mga kilos ko ay lalaking-lalaki. Yan din ang sabi sa akin ni Ned matapos niya akong hinatid sa aming bahay.

“Maraming babae ang nasasayangan sa’yo, Ken. Ang gandang lalaki mo kaya,” sabi niya.

Napabigla ako at nagulat ng sobra-sobra. Mahirap paniwalaan ang sinabi ni mama na may magkakainterest sa akin. Kahit noon pa man, parang isang babae na ang trato ng mga kakilala kong babae sa law school. Sa mga may planong mahulog sa akin, isa lang ang masasabi ko. WAG NANG UMASA.

Pagkatapos naming kumain, nilinis na ni mama yung pinagkainan namin. Ang saya ni mama na dati ay biglang naglaho ay unti-unti nang bumabalik sa kanya ngayon. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdan pa rin ako ng galit kay kuya Venson.

Tinabihan niya ako muli at dun may sinabi siyang hindi ko inaasahan.

“Alam mo na ba ang nangyari sa best friend mo?” tanong niya sa akin.

Sa mga araw na abala ako sa aking trabaho, nakalimutan kong bumisita o tumawag lang kay Kristelle.

“Ano po ang nangyari sa kanya?”

“Lumayas siya anak. Hinahanap pa rin siya ng kanyang mga magulang hanggang ngayon,”

Lumayas? Arg... Saan naman pupunta ang lokong yun? Lagi talagang ipinapapahamak ang sarili. Nakakainis. Baka nalulungkot na yun ng sobra dahil ilang araw na rin kaming hindi pa nagkikita muli. Sa mga maaaring dahilan kung bakit din lumayas ay yung pagtanggi ko sa kanyang pakiusap. Gusto niya akong maging lalaki agad. Ano ito, fast-forward?

“Ma, kamusta na si papa? Sinabi nyo na ba sa kanya ang tungkol kay kuya?”

“Okay lang ang papa at alam na niya ang nangyari sa kuya mo. Galit na galit nga yun sa kuya mo dahil hindi raw marunong mag-ingat. May paghihinala ang papa mo na naset-up lang yung kuya mo” sabi ni mama habang hawak niya yung mga kamay ko.

“Kailangan kong puntahan si kuya,” tumingin ako kay mama. “Kailangan kong mapalaya sya dun sa kulungan sa lalong madaling panahon”

“Calm down first, Ken. Nasa recovery stage ka pa at baka lumala bigla ang kalagayan mo kung ipagpilitan mo”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey Dude! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon