Tuwang-tuwa talaga ako sa kagwapuhan ng nilalang na na nasa computer ngayon. Minsan lang ako maka-appreciate ng kagandahan ng isang lalaki, kasi medyo boyish ako. Puro kasi lalaki ang kasama ko sa bahay. Apat kaming magkakapatid, tatlo ay lalaki at ako lang ang babae. Wala pa lagi ang nanay dahil busy sa trabaho. Kaya naman puro palakasan at pa-astigan ang kaganapan sa bahay. Tapos bantay sarado pa ko nina tatay at ng tatlo kong kuya, sina Alex, Benjo, Carlo, kaya naman minsan lang ako makasalimuha sa mga lalaki.
"Dallia, tapos na ang oras ng renta mo. " sabi ni Manang na may-ari ng computer shop kung nasaan ako nakikigamit ng computer ngayon.
"Opo, Manang. " medyo may lungkot kong sabi nang hindi ko natapos halungkatin yung mga pictures ni Kevin. Yung lalaking saksakan ng gwapo sa fb.
Pagkatapos kong bayaran ang dalawang oras kong renta, lumabas na ako ng computer shop. Pagri-research lang talaga ang sadya ko sa pagpunta doon, pero dahil maaga akong natapos, nagbukas muna ako ng fb ko para hindi sayang oras.
Ako nga pala si Dallia Delos Santos, 13 years old, first year sa isang public high school dito lang din sa lugar namin. Mahirap ngunit masaya ang buhay dahil sa kwelang mga kapamilya at dahil na rin sa mga achievements ko sa school. Consistent top student kasi ako, mula kinder hanggang ngayon. At nakakatuwa kasi kahit papaano, masaya at proud sakin sina Nanay at Tatay.
"Oy Dal! Nagkasalisi pala tayo, pinapasundo ka sa 'kin ni Tatay eh. Buti nahabol pa kita. Tara na at nakahain na ang hapunan dun." humihingal pa si Kuya Carlo habang nagsasalita.
"Sobrang lapit na ng comp shop, pinasundo pa ko ni Tatay?! Ayos ah." natatawa kong sagot.
O di ba? Bantay sarado talaga.
"E madami din kasing manyakis dito. Naku, halika na nga't baka lumamig na yung ulam!" pagtapos ni Kuya sa usapan namin.
Pagdating sa bahay, syempre tsinek muna ni Tatay kung ayos lang ba ako, tapos nagtanong kung may lumapit bang lalaki sa akin habang nasa shop ako, huli nyang tinanong kung may tumingin ba sakin na lalaki habang naglalakad ako... Nagpatuloy pa ang pagtatanong habang kumakain kami, na sinasalihan pa ng mga kuya ko kaya lalong tumatagal. Pagkatapos kumain, ginawa ko na ang assignments ko tapos ay natulog na.
Naikwento ko kay Arriane, ang bestfriend ko mula grade 1 hanggang ngayon, ang kagwapuhan ni Kevin kinabukasan. Pumasok talaga ako ng maaga sa school upang makipagkwentuhan muna sa kanya tungkol doon.
"Wow Dal!!! In fairness, ngayon ko lang narinig sa 'yo yan ha. Ganon ba talaga ka-pogi yang Kevin na yan para sya ang maging unang crush mo?!" medyo may kalakasan ang pagkakasabi ni Arriane kaya medyo nahiya ako.
"Ha?! Crush kaagad?! Na-aappreciate ko lang po ang kagwapuhan ng nilalang na yun at yun lang yun. Ito talaga... sapakin kita eh." nainis ako kasi ang O.A. ni Arriane.
"Appreciation??? Ano yun?! Sa generation natin ngayon, ang nag-eexist lang ay 'crush,' pagkatapos nun, 'love' kaagad, tapos pag 'di ka pa nakuntento, 'obsession' na tawag dyan! Wahaha!" tuwang-tuwa ang babaeng 'to habang nagsasalita.
"Adik! Generation nyo yan! Iba ako sa inyo! Heh!" bawi ko sa akala nyang pamatay nyang linya.
"Tss. In denial.."
"Anong sabi mo?!" sabi ko
"Wala!!!" umiismid pa nyang sagot.
Natapos ang klase at umuwi na ako ng bahay na walking distance lang mula sa aming bahay. Naisip ko ulit yung pinagsasabi sakin ni Arrianne at nasabing...
"Mga kabataan talaga ngayon..."
BINABASA MO ANG
Friend Request [RAW]
Romance"Ako ang unang nag-send ng friend request sa kanya sa facebook. Iyon ay dahil lang sa attraction sa kanyang napaka-among mukha... Mali iyon... Dahil kung anong amo ng mukha nya, 'sing sama naman ng ugali niya." ----- "She's the one who sent a friend...