"Ouch teh. Seenzoned ka? Iyan na ata ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng isang taong nagmamahal." simpatya ni Arriane.
"Yan ka naman e. Wag ka nga, wala naman akong pakialam kung magreply sya o hindi. Sinubukan ko lang naman." kontra ko sa sinabi nya.
"K. Pero friend, honest lang. Naiintindihan ko naman si Kevin kung bakit hindi ka niya nasagot sa chat." sabi ni Arriane.
"Huh?" tanong ko sa kanya.
"E kasi naman, tingnan mo ang sarili mo. Jologs, maitim, tapos hindi pa palaayos. Tapos yung dp mo pa sa facebook ang jeje. Gets mo???"
"Wow. Lait kung lait ah. Basta, wala akong pake. At hindi ako magbabago para lang sa isang gwapong lalaki sa internet na hindi ko naman kilala. Ok?" sagot ko kay Arriane.
"Hay naku girl, malay mo, sign na pala ito para magbago ka? Na mag-ayos ka kahit konti?" sabi niya.
"Alam mo, ang bata-bata mo pa, ganyan kaagad ang iniisip mo. Kung nag-aaral ka ng mabuti ngayon, e di sana wala kang line of 7." depensa ko.
"Teh mag-aayos ka lang, hindi ka naman siguro mabubuntis kaagad, 'di ba?! By the way, magre-rent ka ba ulit ng computer mamaya?" ani ni Arriane.
"Oo. Tatapusin ko na yung project natin sa English. Bakit?"
"Try mo ulit syang i-chat.. 'Pag sinagot ka nya, 'di na kita kukulitin na magpaganda. Pero!!! Kapag seenzoned ka ulit, magpapaganda ka simula bukas. Ok ba?" hamon sa akin ni Arriane.
"Ang lame ng pustahan na yan. Alam mo ibig sabihin non? Ibig sabihin, hindi ako pumapayag!!! At kung pumayag man ako, pwede kong sabihin na nagreply sa akin ang lalaking yon at lokohin lang kita."
"Kaya nga sasama ako sa 'yo sa comp shop! Ok?! Pumayag ka na!!! Please??? 'Pag pumayag ka, hindi na ko magtatampo kahit wala kang gift sa akin sa birthday ko. Tsaka wala kang gagastusin dito, remember, may-ari ng salon ang Mommy ko. Sige na!!! Please?" pilit ni Arriane.
"Ano ba yan! Nakaka-tempt yung sa birthday mo. Tsaka bakit ba gustong-gusto mo 'ko pagandahin? Ano bang mapapala mo???" tanong ko nang may halong pagtataka.
"Hindi ko pa nasasabi 'to sa 'yo friend pero, pangarap ko kasing maging professional make-up artist. And my goal is to make every ugly shine through my talent!!! Boom! Panes! Wahahaha." pagmamalaki nito.
"What?! Like mother, like daughter nga talaga kayo. Tsk. O sige, pumapayag na 'ko, anak ng tokwa naman oh." napasubo na ako. Hindi ko kayang tumanggi nang narinig kong pangarap nga ito ng bestfriend ko. Wala akong pakialam kung biro lang nya o hindi.
Nagpunta na agad kami sa computer shop pagkatapos ng klase. Syempre, first thing's first. Tinapos ko muna ang project namin at kahit natagalan ako dito, matyagang naghintay si Arriane. Natapos ko ang project ko pero ilang minutes na lang ang natitira sa oras ng renta ko. Pero dahil mapilit si Arriane at sagot na lang daw nya ang renta ko, nagpa-extend pa kami ng isang oras kay Manang.
"Online sya!!! Chat mo na, dali!!!" excited na sabi ni Arriane.
"Hala, anong sasabihin ko?!" natataranta kong sagot sa kanya.
"Sabihin mo, 'hi kuya!'"
"Kadiri naman! Ganyan ka ba makipag-chat?!"
"Basta type mo na lang! Titingnan lang naman natin kung sasagot e." depensa ni Arriane.
Nai-type ko na at nai-send nang sakto ang sinabi ni Arriane. Nai-seen kaagad ni Kevin ang message ko sa kanya, kaya nga lang, hindi na naman sya sumasagot kahit halos 30 minutes na ang lumipas. Medyo naiinis na ako.
"Chat mo ulit. Sabihin mo, 'Kuya, bakit hindi ka namamansin?'" utos ulit ni Arriane.
"Ano?! 'Wag na! Hindi na nga ako pinansin e." reklamo ko sa kanya.
"Type mo na lang! Tingnan mo, magre-reply yan. Hehe."
Sinunod ko ang sinabi ni Arriane kahit sobrang labag sa puso ko. Ang landi kasi ng tunog. Tulad ng dati, nai-seen ulit ni Kevin ang message pero sa laking gulat ko...
Kevin Reyes is typing...
"Yan na!!! Sabi ko sa 'yo e!" tuwang-tuwang sabi ni Arriane.
Alam mo ate, ang pangit mo na nga, ang kulit-kulit mo pa. Tigilan mo na ko, please. Or gusto mong i-block kita?
BINABASA MO ANG
Friend Request [RAW]
Romansa"Ako ang unang nag-send ng friend request sa kanya sa facebook. Iyon ay dahil lang sa attraction sa kanyang napaka-among mukha... Mali iyon... Dahil kung anong amo ng mukha nya, 'sing sama naman ng ugali niya." ----- "She's the one who sent a friend...