Friend Request: Graduation Day Mula sa Dating Ako at Mula sa Mabait High School

55 2 0
                                    

Nakakagulantang ang nabasa ko. Literal na nakanganga talaga ang mga labi ko katulad ng pagnganga nito noong una kong nakita si Kevin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya...

"Ouch teh. Mukang kung anong gandang lalaki nyang si Kevin, sing-sama naman ng ugali. Ayos lang yan, Dal. May mga ganyan talagang tao sa mundo. " simpatya ni Arriane

Siguro nga tama si Arriane. Baka kaya sobrang gulat ko ngayon ay dahil na rin halos lahat ng nakakasalamuha ko ay mababait sa akin. Huwag nang isama ang aking Tatay at mga kapatid dahil natural na silang mababait, ngunit pati ang mga classmates ko at schoolmates ay puro mababait. Kaya nga tinawag na Kalye Mabait ang lugar namin e, dahil na rin siguro doon.

"Woah.. Grabe." iyon na lang ang naisagot ko kay Arriane.

Umuwi ako nang walang imik pagkagaling sa computer shop. Hindi ko alam pero nagagalit ako ngayon. Unang beses ko itong naramdaman at masakit din pala sa puso. Pagkarating ko sa bahay, hindi ko pinansin sina Tatay at sina Kuya. Dumeretso na kaagad ko sa aking maliit na kwarto, na privelege ko bilang nag-iisang babae sa pamilya. Nagbihis kaagad at tinapos ko kaagad ang natitira ko pang gawain sa school.

"Nakaka-depress ah. Tsk."

Hindi ko na namalayan na natulog na ako...

"O teh, paano yung kasu..."

"'Di mo na kailangang ipaalala Arriane, I will gladly accept it. @#%*/-&* yan! Bring it on!!!" pagputol ko kay Arriane nang may halong galit at excitement.

"YEEEESSS!!! Wahahaha. Simula ngayon, susunod ka na sa lahat ng ipapagawa ko sa 'yo. Pero syempre, para naman yan sa ikakaganda mo! Teehee!" tuwang-tuwa si Arriane na ani mo'y parang nagwagi sa isang paligsahan.

"Ugh. Ok." buntong-hininga ko...

Three years later...

"Gorgeous! San ka mag-aaral para sa college?! Waah! Gusto ko magkasama tayo!!!" pamimilit ni Arriane sa akin.

"Kadiri! Wag mo nga akong tawagin nang ganyan! Kung gusto mo akong makasama, dapat ipinasa mo yung entrance exam mo sa Marangya Colleges. Alam mo namang iyon ang pangarap kong pasukan na kolehiyo." naiirita kong sagot.

"Ano ba naman, teeeeh! Parang trivia naman kasi lahat ng mga tanong dun! Tsaka di mo ba alam na ikaw lang ang nakapasa dun?! At ikaw lang din ang may lakas ng loob mag-take ng entrance exam, tapos dinamay mo pa ako! Ta's ngayon nagrereklamo ka pa dahil hindi ako nakapasa! Abnormal ka talaga e!"

"E hindi na ko pwedeng umatras. Naihanda ko na nga yung speech ko para sa Freshmen Welcome Ceremony e. Hindi mo na mapapabago ang isip ko. Tsaka kasalanan mo din yan, sinabi ko sa 'yong itu-tutor kita e, pero pinili mo pa rin yang Arthur na yan!" pagtapos ko sa leksyon na dapat ay mahaba pa talaga pero minabuti kong tigilan na.

"At yun pa, hindi ka nga lang pala nakapasa, top 1 ka pa sa mga nakapasa. Aysus. 'Wag mo na ngang banggitin yang tutorial na yan, alam mo namang hindi ko matatanggihan si Babe Arthur ng panahon na iyon, di ba?" nagpapa-cute pa ang babaeng ito habang nagpapaliwanag.

"Kadiri ka talaga." nakakairita talaga ang kalandian ng bestfriend kong ito.

"Bitter ka lang! Wahaha. Kamusta na kaya si Kevin ngayon? Naalala mo pa ba sya,Dal?" tanong nya.

"Huh? May panibago ka na namang crush?"

"Ano?! Ikaw kaya ang..."

Hindi natapos ang pagsasalita ni Arriane dahil nagsimula na ang practice namin para sa graduation. Tatlong taon na din ang lumipas, at sa loob ng mga taong iyon, masasabi kong nagbago na talaga ako. Physically and mentally.

"Teka.. Bakit nga ba ako nagbago? nasambit ko sa isip ko nang magtaka ako sa pinaggagawa ko.

Puro aral at pagpapaganda ang inatupag ko sa loob ng tatlong taon. Pinapagalitan pa nga ako nina Tatay at ng mga kuya ko dahil "masyado na daw akong maganda." Hindi ko na lang pinapansin ang pangungulit nila dahil naging parte na ng daily routine ko ang paghihilamos palagi at paglalagay ng kung anu-anong gamot sa mukha na binigay sa akin ni Arriane. Pakiramdam ko kasi ay parang may tutubong kung ano kapag tinigilan ko iyon. Naging habit na ito kumbaga. Pero ngayon, naalala ko lang. May dahilan talaga kung bakit naisip ko itong gawin.. Hind ko lang talaga maalala kung ano...

Graduation Day...

"And now to give her valedictory speech, may I call on Dallia Delos Santos, our Valedictorian and most outstanding student for this school year. "

Dumating ang araw ng pinakahihintay ng lahat. Umakyat ako ng stage bilang pinakamagaling na mag-aaral ng Mabait High School. Sobrang ligaya ang nadarama ko habang nagbibigay ng speech, nakikita ko pa sina Tatay at ang aking mga kuya na palihim na nagpupunas ng luha. Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos kong magbigay ng speech, binigyan pa ko ng standing ovation nina Tatay at ng aking mga Kuya kaya medyo nahiya ako noon. Pagkatapos ng Graduation Ceremony, kanya-kanya nang iyakan ang mga kaklase ko na hindi ko talaga alam kung bakit. Pati si Arriane, nakiki-iyak din habang nakikipag-yakapan sa mga classmates namin. Samantalang ako, puro ngiti lang ang pinapakita ko sa mga classmates kong umiiyak habang yumayakap sa akin, na medyo napapa-atras kapag ginagawa ko iyon. Ang creepy talaga ng ngiti ko. Isang malaking handaan ang inihain ni Tatay para sa akin. At syempre, bida siya sa inuman nila dahil ang anak nga naman niya ang pinakamagaling sa eskwelahan. Mabuti n lang ang pinagbibigyan siya ng mga kainuman niya. Naging sobrang saya ng araw na iyon para sa akin, kahit wala si Nanay, nakakatuwa pa rin dahil sa mga kaibigan ko, sa mga kuya at Tatay ko. Talaga nga namang lugar ito ng mababait at masasayang tao.. Dahil ito ang Kalye Mabait!

Several days later...

"Dal! Gising na. Unang araw mo sa kolehiyo kaya kailangang maaga ka." bungad ni Kuya Alex habang tinatapik ako sa balikat.

"Oo na. Ito na..."

Bumangon na ko at naghanda para sa unang araw ko sa Marangya College..

Friend Request [RAW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon