Kasalukuyan kong sinusubukan mag-concentrate ngayon sa klase. Ang hirap kasi mag-focus dito sa pwesto ko dahil may masamang awra sa likod ko. Kasabay pa nito ang walang tigil na pagpindot ng lalakeng iyon sa pen niya. Kaya naman pakiramdam ko, ilang sandali pa ay may sasaksak na sa likod ko ng pen. Mabuti na lang at natapos na ang klase. Nagmadali akong tumayo at lumabas ng classroom bago pa man may dumanak na dugo. Kaya nga lang, huli na ang lahat...
"Hey Dallia, where are you going?" tanong ni Kevin nang nakangiti. Bago pa man ako makarating sa pinto, nahawakan na niya ang braso ko.
"Uhh.. Pupunta na sana ako sa susunod na class?" sagot ko na may halong konting takot. Nakakatakot talaga ang awra nya, lalo na kapag ngumingiti siya ng ganoon.
"Wait, ano ba ang next class mo? Baka pareho tayo, e di sabay na lang tayo. " patuloy ang pagngiti nya.
"Physics I."
"Oh, same with mine. So, let's go?" pagyaya niya.
"Ah. Pupunta muna kasi ako sa wash room kaya.. " pinilit kong alisin ang kamay niya kasi medyo nasasaktan na ko pero ayaw niya itong pakawalan.
"Then, I'll wait for you. Anyway, let's go.. We'll gonna be late!" sabi ni Kevin pagkatapos ay hinila na niya ako papunta ng wash room.
Hindi ko na talaga alam kung paano ako kikilos sa loob ng isang kolehiyong puno ng mayayaman. Hindi ko sila maintindihan. Kanina may lumapit sa aking lalaki na kung anu-ano ang pinagsasabi. Ang tangi ko lang naintindihan ay siya daw si Ryan at yung salitang girlfriend, pagkatapos noon ay may grupo naman ng mga babaeng lumapit sa akin at sinabing i'm such a bitch. Huh? Anong ginawa ko? At ngayon naman, kasama ko ang lalaking mamaya ay magiging murderer na at ako ang biktima niya.
"There. The wash room. Just make it quick, ok?" sabi ni Kevin
"Wag mo na kong hintayin.. matagal pa kasi ako kaya una ka na." sabi ko nang may halong pag-aalinlangan.
"What? No. I would never leave a girl behind so just go in there and I will wait right here."
"E sa matagal pa nga ako e. Umalis ka na. Ang kulit mo." nairita na ako.
Natigilan si Kevin nang marinig niya iyon. Patay. Hindi yata sila sanay sa mga ganoong salita. Nag-isip kaagad ako nang pambawi para man lang hindi siya magalit, pero nang pagkatingin ko, namumula na siya.
"You.. Are you.. Are you suuu-re?" ang tanging nasabi ni Kevin na medyo nanginginig pa ang mga panga.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko at naglakad na palayo. Pagewang-gewang pa yata siya habang naglalakad. Nakonsensya tuloy ako sa ginawa ko.
Ugh. Hindi ko talaga maintindihan!!!
---
F*ck that bitch!!! F*ck her! I gotta kill her!!! I gotta kill her. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking isip habang naglalakad sa corridor. Hindi ko na nagawang pansinin ang mga taong bumabati sa akin dahil baka sila pa ang mapagbuntunan ko..
She didn't just ignored me this time, she completely rejected me.. The perfect me. The prince!
Nakakapikon na siya. Kung pwede lang gawin ko ang pinakamasakit na pwedeng gawin sa kanya, gagawin ko. Pero kapag ginawa ko iyon, ibig sabihin lang noon ay ako ang natalo.
I won't let that happen. I definitely won't.
Nang nahimasmasan ako, minabuti kong hanapin na ang classroom ko. Hindi ko kasi namalayang naglalakad lang ako sa kawalan mula kanina. I checked my watch to know what time is it. Twelve o'clock...
SHIT!!!
Late na ako nang isang oras sa klase ko na eleven o'clock ang simula. And to think that, that class has only an hour and a half hours..
Shit! Shit! Shit!
"Nandito ka lang pala! Hindi na tayo makaka-attend ng klase dahil late na tayo ng isang oras..."
"And you know whose fault this is?! It's because of you, bitch! Isang hampaslupa ka lang pero minalas na ang buhay ko nang dahil sa 'yo!!! Just get out of my sight, OK?!" malakas ang pagkakasabi ko nito.
Hindi ko na napagilan ang sarili ko...
BINABASA MO ANG
Friend Request [RAW]
Romance"Ako ang unang nag-send ng friend request sa kanya sa facebook. Iyon ay dahil lang sa attraction sa kanyang napaka-among mukha... Mali iyon... Dahil kung anong amo ng mukha nya, 'sing sama naman ng ugali niya." ----- "She's the one who sent a friend...