Chapter 1 ( First day of classes )

37 3 0
                                    

A-gail Lee's Point of View

"Hi ! I'm A-gail Lee I don't have brothers and sisters. My mother is Therese Lee and my father is Bernanrd Lee. Dito sa Pilipinas lumaki ang parents ko. Ang mother ko full pinay and my father is half korean. Mayroon kaming mga malls sa Korea and here in the Phillipines." Nandito ako ngayon sa school, first day namin kaya kaylangan magpakilala ng bawat isa pati parents mo kaylan ipakilala at pati negosyo ng pamilya kaylangan ding sabihin. Kaya ito ako ngayon nasa harap ng classmates ko at dahil first day medyo nahihiya pa ako. Pagkatapos kong ipakilala ang sarili ko nagpakilala na rin ang mga classmates ko and because of that nalaman kong napakasosy ng school ko dahil lahat ng classmates ko mayayaman. Mayroong may ari ng mga banko , supermarkets , barko mayroon ding may ari ng mga branded na pantalon, damit , bags at kung ano-ano pa !" Kriiiiiinnnnnnnggggggggg ! " Tumunog na ang bell recess na pala nakalimutan kong wala palang palitan ng teachers ngayon at hindi ko rin namalayan ang oras. Bigla kong naalala ang pinsan kong si A-rylle Lee hindi ko kasi siya ka klase.Section B kasi ako at siya Section A , sinubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot tingin ko lowbat yung phone niya. At dahil wala pa akong close sa room at hindi ko rin mahanap si A-rylle dahil nakalabas na siya ng room niya napilitan akong magrecess mag-isa.

Canteen ...

Ang daming istudyante ang gulo nakalimutan kong sa Nahm Academy ako nag-aaral ang school ng mga gangsters. Pero kahit school ito ng mga gangsters sinusigurado nilang natututo ang mga istudyane nila dito kaya nga kahit hindi naman ako gangster pinili ko ng dito mag-aral at isa pa dito rin naman naga-aral ang pinsan ko kaya lagi akong may kasabay sa pagpasok. Tinignan ko kung ano ang makakain at napagdesisyunan kong umorder ng chocolate cake at dahil malaki ang school kahit maraming studyante hindi ako nahirapang bumili at mag hanap ng table. Wow ang sarap ng cake.

K-cie Padilla's Point of View

" Yes ! Classmate kita ! " Nandito ako ngayon sa room at tuwang tuwa ako dahil classmate ko ang kapatid kong si A-lee parehas kaming Section A , hindi ako mahihirapang magtanong ng assignent pag may practice kami ng volleyball, mananatiling matataas ang grades ko ! " Ikaw na ang magpapakilala Ms. Padilla, ...." , " Yes Ma'am ? " , . " Nakalimutan kong dahil first day ng school namin ngayon magpapakilala kami isa-isa, kanina pa kasi kami daldalan ng daldalan nitong kapatid ko ehh ! Kaya tumayo na ako at nagpakilala " Hi ! I'm K-cie Padilla sister of A-lee Padilla my mother is Shan Kah Padilla and my father is Robert Padila . My mother is half korean and half filipina . We have 23 banks in Korea and 48 malls here in the Phillipines . Thank you." Nagpalakpakan ang mga classmates ko at ang lakas ng tawanan nila tingin ko isa kami sa pinakamayaman dito sa room . " Miss A-lee Padilla ? " Ma'am Contemplation , " Uhm . Ma'am since kapatid ko naman po si K-cie pwede po bang hindi na ako magpakilala ?  " - A-lee , " Okay " Ma'am Contempation . Ng matapos magpakilala ang iba ko pang classmate nalaman kong lahat pala kami mayayaman, siyempre naman Nahm Academy ang school ko ang mahal kaya ng tuition dito pano marami silang empleyado dito, napakadami ng marshall na paikot-ikot para maiwasan ang pagkasira ng gamit at mapadalang din ang mga vandalism sa mga pader. "Kriiiiiiinnnnnggggg" , " Uy ! tumunog na ang bell recess na. " Pumunta na kami ni Ate A-lee sa canteen para malaman kung anong makakain ,kahit maraming marshall dito malalaman mo pa ring school to ng mga gangsters dahil halata naman sa mga pagu-ugali nila buti na lang hiwalay sa room ang mga babae at mga lalaki.Pagtapos naming kumain ay umupo kami sa isang  bench kung saan kitang kita ang buong school ,pinagmamasdan namin ang buong paligid hanggang sa ...  " Kriiiiiinnnnggg " , " Tumunog na ang bell bumalik na tayo sa room ate. "

" Ate tingin ko isa tayo sa pinakamayaman sa room. " K-cie

 "Bakit naman ? " A-lee 

" Hindi mo ba nakita ang reaksyon ng mga classmates natin nung nagsalita ako ? " K-cie

" Hahahahaha ! " A-lee 

" Anong nakakatawa ate ? "-  K-cie

"Wala quiet na baka dumating na yung teacher natin " - A-lee

A-lee Padilla's Point of View 

Tuwang tuwa ako dahil hindi na ako magpapakilala nagkaroon ako ng excuse. (mahiyain kasi ako). Natatawa ako kay K-cie kasi ako yung tinawag ni Ma'am Contemplation kanina mauuna dapat ako kasi nagsisismula sa 'a' yung pangalan ko pero nung marinig niya yung 'Padilla' tumayo agad siya ( feeling ata niya nagi-isang 'Padilla' siya sa buong universe) napatingin na agad si Ma'am sa kanya at hindi na nakatapos sa pagsasalita, nauuna kasi yung apilyido banggitin bago sa pangalan at dahil nakatayo na siya pinauna na siya ni Ma'am. Kawawa naman yung kapatid ko walang kamalay malay sa epic fail na nilikha niya. 

R-bie's Point of View

" Hayy ! Heto ako ngayon badtrip hindi ko naman kasi alam na bukod ang room ng boys sa girls! Nakakainiiiiiss ! Hmph " Bulong ko. " Miss R-bie Shin ! " , hindi ko agad narinig si Miss Contemplation kaya naman " Miss R-bie Shin ! " Sumigaw na si Ma'am ." Uh . Uhm .. Yes Ma'am ? " - R-bie ." It's your turn ." - Ma'am Contemplation , " Uhm .. Okay ! " - R-bie , Nang tumayo ako sa harapan biglang nagbago ang ihip ng hangin, tumahimik ang buong paligid , pakiramdam ko nakatingin silang lahat sa akin, naalala ko ang nakaraan, ang nakalipas. " Hi ! I .. I .. I'm R-bie Shin .. ( nauutal pa ako )  Uhm .. Galing ako sa isang broken family my father is Albert Shin and my mother is .. is .. is .. " biglang tumulo ang luha sa mata ko nararamdaman ko ang mainit na tubig sa aking pisngi at nararamdaman ko rin and malamig na mga kamay ko . " Excuse me Ma'am ! " Minabuti ko na lang na lumabas ng room.  Hanggang ngayon kapag naaalala ko ang nakaraan bumabalik pa rin ang kirot sa puso ko. Habang nagpapakilala sila kanina tungkol sa kanilang pamilya nagbibingibingihan na lang ako , parang walang naririnig dahil ayoko ng saktan pa ang sarili ko! "Lahat na ng paraan ginawa ko makalimot lang sa nakalipas pero kahit anong gawin ko bumalik at bumabalik pa rin ako sa realidad , realidad na kahit kaylan hindi ko matatanggap! " - R-bie

" Uhm .. Miss ? " 

"Sino ka ? Bakit ka nandito ? " 

" Nais lang kitang tulungan. "

" Tulong ? Anong sinasabi mo ? Ako nga lahat ginawa ko, gabi gabi akong umiinom sumasama sa barkada para kahit sandali makalimot ako! Sinubukan ko lahat para makalimot kahit paggamit pa ng masamang droga , pero ano? Hanggang ngayon nagdurusa pa rin ako sa pag-iwan sa amin ng nanay ko, hindi siya nakuntento ka papa! " 

" Alam mo miss hindi naman kasi yun ang paraan upang makalimot ! " 

" Kung hindi iyon ano ? " 

" Hindi ko masasabi sa'yo . " 

" Ano ? Niloloko mo ba ako ? Sabi mo tutulungan mo ko.  "

" Kasi hindi naman paglimot ang solusyon! "

" Eh . Ano ? " 

" Pagtanggap ! " 

Teenage LifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora