Chapter 2 ( Miss Unknown )

21 2 0
                                    

R-bie's Point of View

" Kriiiiiiiinnnnnggggg ! " Tumunog na yung alarm clock ko 8:00 na. " Hayyy ! " Naginat-inat muna ako tapos nag-ayos na ako at habang naliligo ako may naalala ako yung babaeng naka-usap ko kahapon. " Teka, sino kaya siya ? At bakit niya ako tinulungan ? Kilala niya kaya ako ? " Napakarami kong tanong tungkol sa kanya pero isa lang ang alam ko sa Nahm Academy rin siya nag-aaral nakita ko kasi na parehas kami ng uniform pero " Anong section kaya siya ? Hindi ko naman siya nakita kahapon sa room ang ibig sabihin hindi ko siya classmate." Ang gulo ng isipan ko kaya nagpatuloy na ako sa pagligo at nang matapos na ako mag-ayos pumunta na ako sa school. 

Karylle Lee's Point of View

Nandito ako ngayon sa Nahm Academy , second day na ng klase pero dahil hindi ako nakapasok kahapon para sa akin first day ko ito sa school. Ng makapunta na ako sa room ko umupo muna ako at ilang sandali pa dumating na ang adviser namin ,nag-attendance kami at wow komleto kami lahat, siyempre sayang ang tuition at siyempre higher section to kaya bihira lang ang absent kaya nahiya ako lalo sa sarili ko kasi kahit first day kahapon hindi ako pumasok . Magsisimula na sana kami ng lessonn pero dahil absent ako kahapon ang araw na magpapakilala kami,ngayong second day nalang ako magpapakilala . " Bago ang lahat ang classmate niyong si Karylle Lee ay sumakit ang ulo kahapon kaya hindi siya nakapagpakilala kaya ngayon maayos na ang pakiramdam niya makapagpapakilala na siya sa inyo. Miss Karylle Lee. " wika Miss Contemplation " Uhm .. Hellow I am Karylle Lee also known as A-rylle . My mother is Damiana Lee half korean and my father is Patrick Lee . He is half korean and half filipino also . Mayroon kaming 64 restaurants at 78 bookstores sa mga malls at mayroon din kaming 107 na supermalls sa buong Korea at Pilipinas. " Bago ako matapos magsalita nakita ko yung babaeng umiiyak kahapon sa bench . Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang reaksyon niya ngayon para siyang nakakita ng multo nakita niya ba si Casper ? Pero bago ako magmuni-muni tinapos ko muna yung sinasabi ko " Uh .. Uhm .. Thank you. " Nang makaupo ako siya lang at ang nangyari kahapon ang iniisip ko , halos mapanis ang laway ko dahil iniisip ko kung paano ko siya tutulungan pero wala pa rin akong maisip. " Krrrriiiiiiinnnnggg ! " Ng tumunog ang bell na pahiwatig na recess na, may bigla akong naisip.

" Uhm .. Excuse me miss. " - Ako

" Yes ? " - Siya 

" Pwede bang sabay na tayong mag recess ? " - Ako

" Okay . " - Siya 

Sa pakakataong ito mukhang okay na siya at hindi na tulala pero may bigla akong naalala si A-gail yung pinsan ko. Tinignan ko yung phone ko , kaya pala walang message at call na pumapasok naka patay  pala yung cellphone ko. Nangbuksan ko yung phone ko OMG ! 999,999 missed calls at 999,999,000 messages, pero siyempre joke lang yun 19 missed calls and 3 messages lang. Nang tignan ko puro si A-gail. " Uhm .. Pwede bang sumabay na rin sa atin yung pinsan ko ? " Tanong ko kay miss unknown. " Okay. " Sabi niya . Kaya pumunta na muna kami sa Section B para puntahan si A-gail at buti na lang nanadoon pa siya . " A-gail pasensya ka na kahapon hindi ko nasagot yung tawag mo at hindi ako nag-replay sa mga messages mo , hindi ko kasi alam na nakapatay pala yung phone ko ehh . " Paliwanag ko. "  Ahh yun ba okay lang yun. " sabi niya .

Canteen .. 

" Uhm . Anong sa inyo ? Sa akin isang sandwitch at isang orange juice lang . " tanong ko . " Yun na lang din sa akin. " sabi nila ng sabay pa kaya nagkatinginan sila at sabay sabay kaming tumawa. "Hahaha . " nang nasa unahan na kami at kami na rin yung o-oder ... " Miss tatlong sandwich nga po at tatlong orange juice. " nang matapos na kaming kumain bumalik na kami sa room humiwalay na rin sa amin si A-gail dahil magkahiwalay kami ng room Section B siya at kami ni miss unknown sa Section A . Maayos pa ang lahat sa ngayon wala namang mga gulong nangyayari dito sa Nahm Academy pero sa tingin ko pagkalipas ng isang linggo magsisimula na ang riot. Nagpatuloy lang ang klase at pagkatapos umuwi na rin ako. Nang nasa bahay na ako wala akong ginawa at nanood lang nang T.V. tapos umakyat na rin ako at pumunta sa kwarto ko , bago ako matulog nag text muna ako kay A-gail ...

To:A-gail

Gising ka pa ba ? 

Ilang sandali lang tumunog na ulit yung phone ko.

From: A-gail

Oo , Bakit ? 

To: A-gail

Itatanong ko lang sana kung alam mo yung pangalan niya ? 

From : A-gail 

Sinong siya ? 

To : A-gail 

Si Miss Unknown.

From : A-gail

Ahh .. Hindi ehh .. Hindi ba ikaw yung classmate niya ? 

To : A-gail 

Nakalimutan ko rin kasi itanong ehh .. Pero okay lang yan bukas yayayain ko ulit siya sabay ka ulit sa amin magrecess tsaka natin itanong yung pangalan niya pero sa ngayon siya muna si Miss Unknown . Hahahahah :)

From : A-gail

Hahahah .. Ahh .. Ganun ba o sige tulog na ako bukas pupunta ako dyan sa inyo susunduin na kita sabay na tayong pumasok. Good night :)

To : A-gail 

Okay . See you tomorrow. Good night :) Sweet dreams . 

Pagkatapos nun natulog na rin ako. 

Teenage LifeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin