Chapter 20

1.1K 42 7
                                    

Taehyung's POV


Nakanganga lang ako. Nandito si Alex sa harapan ko. Yung babaeng minahal ko ng sobra pero sinaktan ako ng sobra sobra. Ex ko siya. Pero, pera lang ang habol niya saakin. Walang pagmamahal. Hindi ako mayaman pero gagawin ko ang lahat para sa taong mahal ko.


At si Entice 'yon. "Hi Taehyung. Uhh, pwede ba tayong magusap?" Wika niya. Ayokong tumanggi dahil alam kong ayaw niya na saakin. Alam ko ang tunay na dahilan kung bakit siya umuwi rito. May anak na si Alex ngayon.


"Sige lang. Hyungs, maguusap lang kami ni Alex sa labas." Sabi ko. Sabay kaming lumabas ni Alex. Umupo siya sa sahig at ako naman, sumandal sa pader. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. Mukhang stress si Alex.


Inayos niya ang buhok niya. "Taehyung, alam mo naman siguro yung utos ng tatay mo diba?" Wika niya. Malungkot akong tumango. Pupunta ako sa ibang bansa at hindi ko alam kung kailan ako babalik.

"Alam mo ba kung bakit ka pupunta sa New York?" Tanong ni Alex. Umiling lang ako. Tumayo siya at tumingin sa mga mata ko.

She sighed. "Alamin mo muna ang dahilan bago ka pumayag. Aalis na ako, Taehyung." Wika niya at kinuha ang bag niya. Naglakad siya palayo. Alam niya ba ang dahilan?

Tumakbo ako papunta sakanya. "Alex, sandali!" Sigaw ko. Agad niya akong nilingon. Kumunot ang noo niya. Natahimik kaming dalawa.

"Alam mo ba?" Tanong ko. Umiwas siya ng tingin at tumango. "Bakit?" Dagdag ko.

"Not now. I'll call you nalang." Sagot niya at naglakad palayo.

Ano ba ang dahilan?

Entice's POV

Narinig ko ang doorbell kaya agad akong lumabas. Pinagbuksan ko si Taehyung ng gate at agad siyang niyakap. Medyo pagod rin ako kasi tinapos ko yung apat na designs.

Hahalikan ko na sana siya pero umiwas siya. "Magpapahinga muna ako." Wika niya at pumasok sa loob. Anong problema ni Taehyung? Ok lang ba siya? Sinundan ko lang siya ng tahimik.

Nagtanggal siya ng sapatos at ng tshirt. Binuksan niya ang aircon ng living room at humiga sa sofa. Nagtakip siya ng mukha gamit ang unan.

Narinig ko siyang humihikbi. Teka, ano ba talaga ang nangyari sakanya? Agad ko siyang nilapitan. Tinanggal ko ang unan sa mukha niya. Umiiyak siya. Bigla siyang umupo at niyakap ako.

"Love, what happened?" Nagaalala kong tanong. Umiling lang siya at ngumiti. Ay, ano ba talaga? Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa ilong.

Napangiti ako. "Wag kang mahihiya. Ano ba talaga ang problema, Kim Taehyung?" Mahinahon kong tanong. Napayuko siya. Ako naman, hinahagod ko lang ang likod niya.

Tumingin siya saakin. Inayos niya ang buhok ko habang pinagmamasdan niya ang mukha ko. "Entice, aalis ako." Wika niya. Natanggal ang ngiti ko sa mukha.

Ha? Bakit siya aalis? Ito ba yung utos ng parents niya? Hindi ko alam pero naiiyak ako. "H-Huh? Bakit Taehyung?" Tanong ko. Nagsimula ng tumulo ang luha ko.

Hinawakan ni Taehyung ang braso ko. "Mabilis lang naman, Love. Babalik ako promise." Sagot niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. Tumayo ako. Iyak lang ako ng iyak. Bakit lagi kaming pinaglalayo ni Taehyung?

Iniwan niya na ako dati, ayoko nang maulit 'yon.

"Bakit ganun? Bakit parang hindi ko masabi na akin ka lang."

_________________

Nagising ako. Ramdam ko na namamaga ang mata ko. Nakita ko si Taehyung sa tabi ko. Natutulog ito, namumugto rin ang mata niya. Umupo ako ng maayos.

"Mahal na mahal kita. Hindi mo naman ako iiwan diba?" Tanong ko. Alam kong tulog siya. Hinalikan ko siya sa labi. Mamimiss ko siya. Pero dapat ko muna sigurong pakawalan siya.

Nirerespeto ko ang magulang ni Taehyung. Pinangako niya na hindi niya ako iiwan. May tiwala ako sakanya. Bumaba ako at naghanda ng breakfast para sakanya. Narinig ko ang footsteps sa likod ko.

May humawak sa bewang ko at pumatong sa leeg ko. Naamoy ko ang pabango niya. "Good morning, Love." Inaantok niyang sabi. I just smiled. Ang sweet niya talaga kahit may onting misunderstanding kami.

Nilingon ko siya. "Luh, ang panget mo." Wika ko at kunyari nandiri ako. Inamoy ko yung leeg niya. Fvck, it's seducing me. Pero, lolokohin ko siya ngayon. Hinawakan ko ang ilong ko.

Kunyari nababahuan ako. "N-Naligo ka na ba?" Nandidiri kong tanong. Inamoy niya ang sarili niya. Pinipigilan ko yung tawa ko. Ang cute.

Omg, he's blushing. Agad ko siyang niyakap. "Joke lang!" Sigaw ko. Bigla siyang napangiti. Hinalikan niya ako sa noo kaya napangiti ako. Nabitawan ko siya ng may nagehem.

"Nilalangam ako!"

"WALANG PARING FOREVER!"

"...."

Nandito pala yung tatlo kong bestfriends. So, pumasok sila ng hindi kumakatok? Ano yon? Magnanakaw lang? Umupo sila sa lamesa. Napatingin ako kay Ann.

Bakit naman ang tahimik niya? "Love, akyat lang ako." Wika ni V. Tumango lang ako. Tumabi ako sa tabi ni Ann. Lutang ata to eh. Puyat ba to? Natahimik silang lahat.

Natapon ni Jasmine yung hawak niyang cellphone ng biglang umiyak si Ann. Nabigla kaming lahat. "Hoy, anyare Ann?" Tanong ni Miranda.

Humihikbi na siya. "Niloko l-lang ako ni Jimin. Ang s-sakit!" Sabi niya habang umiiyak. Nanlaki ang mga mata ko. Hala! Ano bayan, tsk. Paano nangyari yun? Bakit ganun? Bakit ngayon ko lang to nalaman?


Agad namin siyang niyakap pero mas lalo akong nagulat ng tinulak niya si Miranda. Sandali, ano bang problema? "Ikaw ang dahilan!" Sigaw ni Ann kay Miranda. Hindi ako makagalaw. Anong nangyayari?


Nagulat nalang rin ako ng sinampal ni Jasmine si Ann. "Girls, ano ba?!" Sigaw ko at nilayo si Jasmine kay Ann. Naiyak lang ako sa mga nangyayari. Anong nangyari samin? Kinuha ni Jasmine ang bag niya at padabog na umalis.


Tinawag ko siya pero hindi niya ako sinagot. Hindi ba namin to aayusin? "Ano?! Aminin mo na ang lahat, Miranda. Inagaw mo sakin si Jimin!" Wika ni Ann. Napayuko lang si Miranda. Hindi ako makpagsalita dahil wala rin naman akong alam.


Biglang bumaba si Taehyung. "What happened? Ann, why are you crying?" Tanong ni Taehyung kay Ann at hinagod ang likod nito. Nilapitan ko naman si Miranda. I hugged her.


"Don't worry, Miranda. Everything will be alright, Bes." Wika ko. She looked depress. Bakit ba hindi ko yun napansin this days? Saka yung nakipagmeet ako kay Jennie, malungkot rin si Ann dun. I sigh heavily.


Ayokong magkagulo. At mas lalong ayokong masira ang friendship naming lahat. "I need to go. Thank you, Entice." Sabi ni Miranda at naglakad palayo. Nagkatinginan kami ni Taehyung.


Paano na ito?

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon